Chapter 1: What's happening?
Her Point of view
Talaga ngang mabilis ang panahon kapag masyado kang busy sa buhay. Hindi ko man lang namalayan na malapit na ang kaarawan ko. Parang kailan lang ay gusgusin pa ako at hindi kayang maghugas ng pwet, pero ngayon magbubukod na at hihiwalay sa tahanang kinalakihan ko.
"Naiayos mo na ba anak 'yung mga gamit mo?" pang-sampung beses na atang tinanong ni Nanay 'yan sa akin. Sawa na nga akong sagutin kaya lang ang bastos naman diba?
"Opo, kanina pa po 'Nay. Unli ka po? Paulit-ulit." Natatawang sabi ko. Tumawa din naman si Nanay saka nagpaalam at maghahanda na daw ng hapunan. Hinanap ko naman si Tatay na nasa labas at naninigarilyo nanaman.
Hay, kahit kailan talaga. 'Di na nakinig.
Aminin niyo, mga matatanda pa ang matitigas ang ulo. Agree?
"Tay." Tawag pansin ko sa kanya. Lumingon naman siya kaagad at saka muling humigop ng usok sa sigarilyo bago tinapakan. Napatakip ako ng ilong nang ibuga niya right in front my face ang usok...
'Yung totoo, 'Tay? May galit ka sakin?
"Cha bakit?"
"Wala lang po." Ngumisi ako. Gusto ko lang kausapin si Tatay kasi ito na ang huli naming pagkikita. Paniguradong matagal tagal nanaman akong makakauwi sa probinsya.
"Ikaw talaga." Ginulo niya ang buhok ko saka ngumiti. "Nga pala, may susundo sayo sa terminal. Kilala ko siya. Ibibigay ko ang numero niya sayo."
"Okay po."
"Ah, anak.." tawag ni Tatay. Ngumiti ako saka naghintay ng sasabihin niya. "Pagpasensyahan mo na si Tatay ah. Kung nasa akin lang sana ang lahat. Pera at bahay, edi sana doon na tayong lahat sa Maynila para sama sama pa din tayo."
"Tay naman, ayos lang sakin 'yun." Huminga ako para pigilan ang namumuong luha sa mata ko. "Hindi ko kailangan ng yaman ng ibang tao. Basta ba ayos lang kayo ni Nanay at wala tayong utang at problema, tama na sakin 'yun. Masaya na ako."
"Basta anak, pagdating mo sa Maynila, mag-iiba ang buhay mo.. Kaya sana, mapatawad mo si tatay ha?"
Naguguluhan man, tumango nalang ako. Hindi nakaligtas sa akin ang munting luha na tumulo kay tatay ko. Napanganga ako.
"Tay, luha ba yan?"
Kaagad siyang tumalikod at sa tingin ko ay pinunasan niya ang mata. "Hindi.. Napuwing lang. Sandali, pasok lang ako sa bahay. Kailangan kong maghilamos."
Parang piniga ang puso ko.
Parang... ayoko nang umalis?
Mabilis dumating ang kinabukasan... Wala na, palabas na ako ng bahay..
"Nay, alis na po kami." Paalam ko kay Nanay na nakadungaw sa bintana. Sayang lang at hindi ako nakapagpaalam sa mga kapatid ko. Si Kuya Frank kasi nasa ibang bansa kaya malamang hindi ako makakapagpaalam. Mahal text dun. Wala pa man din akong facebook or kahit ano para makapagpaalam ako. Si Ate Rika naman at si Gio may activity sa school. Three days ata sila dun kaya hindi sila kasama sa paghatid sakin sa terminal. Ewan ko ba dun sa dalawa, ang sipag! Sali kasi ng sali sa club, kaya hayan ang daming activities. Kahit hindi pa simula ng klase may ginagawa na.
Ako lang kasi ang magmamanila para mag-aral ng kolehiyo. Nakakapagtaka nga eh. Bakit kaya pinayagan ako? Gusto ko kasing magdoktor at alam kong hindi naman kaya ni Tatay na pag-aralin ako pero nagulat nalang ako nang pumayag siya. Tinanong ko kung kaya ba niya or nanjojoke lang siya, pero tumango siya sakin at ngumiti. Siguro madaming naipon si Kuya sa Dubai?
BINABASA MO ANG
She's my girl ✔
Fiksi RemajaHow can a typical girl makes me fall even without trying? Simple yet beautiful.... I got mesmerize right after I laid my eyes on her. And that snaps me, maybe I needed her. Maybe they are right. She's the one for me. But the question is..... am I h...