Chapter Eighteen.

91 2 0
                                    

Unexpected



Sunud-sunod na katok ang narinig ko. Tamad akong bumangon at pinagbuksan ang sino mang pangahas na gumambala ng tulog ko. Bubulyawan ko sana siya nang makita pero napatigil dahil ang pula pula ng mata nya. Kagagaling lang sa iyak.

"Chiselle."

Niyakap nya ako. Ng mahigpit. Kinabahan ako. Masyado ba akong naging harsh? Bigla akong naguilty. Sana pala ay hindi ko siya iniwan kahapon. Niyakap lang nya ako, matagal. Hindi ko na alam kung gaano katagal.

"Chiselle ang Tatay mo.."

"Ha?" humiwalay ako sa yakap nya para matignan siya.

"I..Inatake daw.. Tinawagan ako ng kapatid mo. Ang kuya mo, pauwi na para..."

Hindi ko na maintindihan pa lahat ng sinasabi nya. Basta nalaman ko nalang na gumagayak na ako para mapuntahan si Tatay. Hinintay ako ni Chrome. Kasama si Kuya sa pagpunta ng probinsya. Si Chrome ang nasa tabi ko sa back seat, may kausap sa phone.

"Yes po. Nasa tabi ko po si Chiselle. Papunta na kami. Opo. Ako na pong bahala, tita. Ayos po ang lagay ng anak nyo." Nagkatinginan kami ng kuya ko sa rearview. Umiwas ako ng tingin at inabala ang sarili sa tanawin. Kung noon, natutuwa ako kapag dumadaan dito, pero ngayon bakit... ang sakit?

Naramdaman ko ang haplos ni Chrome sa aking kamay. Pinagsalikop nya ito at dinala sa bibig nya.

"Magiging maayos din ang lahat."

***

Nakatulala ako. Panay ang bati ng mga kapatid ko sa mga dumadating. Hindi ko naman masuklian ang ngiti nila kaya inaya ako ni Chrome na umupo muna. Binigyan nya ako ng tubig.

Ang bilis..

Bakit... ganoon.



"Chiselle, condolence."

Napaangat ako ng tingin. Nakita ko si Faye na matamang nakatingin sa akin. Nandito din ang buong barkada ni Chrome, pati ang ilan sa mga kaschool mate ko. Si Dana at Steph ay kahapon pa tumutulong sa mga bisita. Nahihiya na nga ako sa kanila kasi ni hindi ko magawang tumulong..

Masakit makitang iyak ng iyak si Nanay. Gusto ko mang lumapit ay hindi ko magawa. Pinapangunahan ako ng iyak! Hindi ko magawang maging matatag. Ang mga kapatid ko naman ang nag-aasikaso ng mga bisita habang si Gio ay nasa gilid lang ni Nanay at panay ang punas sa mata. Ang sakit makitang lumuluha din ang bunso..

Hindi ko magawang tumayo nang tawagin ako para magsalita. Ngayon ang libing ni Tatay.. Masakit mang isipin pero, wala na akong magagawa pa doon..

Tumayo ako. Nakita kong nag-angat ng tingin sa akin si Chrome nang may pag-aalala sa mukha. Tumango ako at dumeretso na para matapos na din ang paghihirap na ito. Kinuha ko ang mic.

"Unang-una po, maraming salamat sa dumalo." Inilibot ko ang mata sa mga tao. Hindi ko inaasahang madami din ang sasama para maihatid at masilayan sa huling pagkakataon si Tatay. Masaya na ako doon. "Ang.. ang bilis.. Hindi ko, inaasahan... Hindi ko naisip.. Hindi ko napaghandaan.. Ang... ang sakit." Tumulo na ng tuluyan ang luha sa mata ko. Pinahidan ko ito pero patuloy lang itong bumuhos na parang gripo. "Ni hindi ko man lang siya nakitang buhay. Naiinis ako.. Hindi ko... hindi ko m-matanggap.. Si Tatay, w-wala na... Ang h-hirap tanggapin. Ang-"

Naputol ako nang may yumakap sa likod ko. Lalo akong naiyak sa pamilyar na init ng yakap na iyon. Ibinaon ko kaagad ang mukha sa dibdib nya at patuloy na umiyak. "Tama na.. Tahan na.." bulong nito.

Naramdaman kong gumalaw siya. At maya-maya, nagsalita si Chrome. "Maraming salamat po sa lahat ng nakaalala sa isang magiting at matatag na ama na katulad nya. Tinitingala ko siya, ginagalang. Hindi dahil ama siya ng babaing mahal ko, kundi dahil nakita ko mismo kung gaano siya kabuting ama.. Nakita ko sa mga mata ko, ramdam ko kung gaano niya kamahal ang anak niya.."

"Noong pumunta ako sa bahay nila, akala ko makakatikim ako ng suntok.. Pero tinanggap nila ako, tinanggap niya ako... Kahit nilunod nya ako sa lambanog." Nagtawanan ang tao. Ako naman ay napatulala sa kanya. Dinungaw nya ako at hinalikan sa noo. "Di bale, nakuha ko naman ang loob niya dahil doon.. 'Yun nga lang, hindi ko naisip na iyon na ang huli naming pagkikita.. Pero alam nyo ba ang huli nyang sinabi sa akin?" tumitig siya sakin. "Alam mo ba?"



Nanggilid ang luha sa mata nya at nabasag ang tinig habang sinasabi na,"Hindi ka na iba sa akin.. Simpleng salita pero, malaking bagay sa akin.."

She's my girl ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon