Chapter Thirteen.

103 3 0
                                    

The greates gift in life is to be loved. And the hardest thing to return is trust.

***


I'm Mad


Maagang natapos ang klase ko dahil may emergency daw yung Prof namin. Sakto naman kasi biglang nagtext si Steve na pupunta daw siya sa school namin para maglibot. Wala din naman akong gagawin kaya mananatili muna ako dito. Siguro hihintayin ko nalang matapos yung klase ni Chiselle para sabay nalang kami umuwi mamaya. Nauna na kasi si Nate at inaantok daw siya. Meron kasing isang babae na nanggugulo sa kanya. Masyadong makulit, Freshmen din at Accountancy ata ang course.

"Bro!" masayang bati ni Steve nang makalapit sakin. Nag-fist bump kami bago umupo. Magkakaiba kami ng school ng kaibigan ko. Sa mga business party lang talaga kami nagkakilala lahat. Sa tingin ko may mabuti din namang naidudulot yung pag-attend ko sa mga ganun minsan.

"Ano pala trip mo at pumunta ka dito?" tanong ko bago uminom ng bottled water na binili ko kanina.

"Para makita si Chiselle." Naibuga ko yung tubig na iniinom ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya. "You seriously mean what you said?"

"Oo naman." Nakangisi nitong sagot. "Gusto ko talaga siyang pasalamatan eh. And I feel like hugging her pa."

"Gago, subukan mo."

Nahagip ng mata ko ang dalawang bulto ng tao sa 'di kalayuan. Ipapagsawalang bahala ko nalang sana pero nang makilala ko yung babae ay kaagad akong napatayo.

"Woah, bro. Ano problema natin?"

Nakita ko kung paano siya masayang nakikipag-usap sa lalake habang dala dala nun ang gamit niya. Napataas ang kilay ko. Biruin mo, kaya ko palang itaas ang kilay ko?


That guy. Ravi Miguel, huh..


"Sino ba yung-Ooohh.." sinamaan ko siya ng tingin. "May karibal na ba 'tong si Chiselle? Lagot ka!"

"She's Chiselle." Walang buhay na sabi ko. Nanlaki ang mata niya saka napatingin ulit sa babae.

"Sya yun?" hindi makapaniwalang saan nito. "Really? And why is she with someone?"

Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number niya. Nakailang ring na pero 'di nya sinasagot. Patuloy lang siya sa pagtawa habang kinakausap ng lalaking yun.

Malamang, naka-silent nanaman yung phone niya!

"Is that guy hitting on her? I can see the admiration in his eyes"

What the fvck are you talking about Yue?" minsan nakakairita din ang pagka-observant ng lalaking 'to eh. Tinapik nya ako sa balikat habang umiiling.

"You need to get your girl now. He likes her."

Iniwan ko siya at masama ang tinging lumapit sa dalawa. Nakita kong nagulat pa si Chiselle ng makita ako at ang walang hiyang lalake, tinitigan lang ako na para bang hindi siya natatakot sa kung paano ko siya titigan. Hinila ko kaagad ang kamay ni Chiselle para mailayo siya sa lalake.

"Tara na." hablot ko sa kanya. Uminit ang ulo ko nang pigilan ako ng Ravi na yon sa balikat.

"You don't treat a girl like that."

Pigilan nyo ako.

"And you don't have to tell me what to do."

"Baka masaktan siya, Hiponia."

She's my girl ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon