Chapter 10: Let It Out
Sinabi niya na gagawin niya ang lahat para mahulog ako sa kanya... pero paano kung hulog na ako? Hulog na hulog?
"Lalim ng iniisip." Napatingin ako kila Dana na kumakain ng ice cream. Magaling na pala ako. Two weeks na. Heto't nakikipagsapalaran na sa dami ng requirements.
"Miss mo na 'no?"
Tumingala ako at tumango. Oo. Miss ko na yung lalaking yun. Nananadya at nagpapamiss ata ang baliw. Pumunta kasi silang America para bisitahin yung lola niya na may Alzheimer's disease. Nakakaawa ang mga ganun 'no? Yung hindi ka na makaalala. Minsan yung akala mong tama na ginagawa mo ay mali pala. Minsan kakain ka kasi akala mo hindi ka pa nakakain pero sa totoo ay kakakain mo palang..
Been there, actually. Kay Lola Juliana, magulang ni Nanay. Nakakalungkot at sa edad na seventy three ay nawala na siya.
Speaking of Nanay... Namimiss ko na sila... Bakit kaya hindi sila nagrereply kapag tinetext ko?
---
"Chum, tara sa bahay nood tayo ng movie! May ipapanood ako sayo. I'm sure magugustuhan mo yun." Aya sakin ni Dana. Bumaling siya kay Steph. "Ikaw Steph, game ka ba?"
Wala na ang madugong exam kaya heto kami at patambay tmbay nalang. Puro requirements nalang ang natira at since napakasipag naming bata, 'di pa namin nagagawa kahit priniproblema namin. 'Yung exam nga pala namin sa English ay mahirap, pero keri lang lalo na't nakakaaliw ang mga choices na nilagay ng Prof namin. Bata at masayahin kasi 'yun kaya expected na na puro kalokohan din ang trip niya. Pandagdag points daw niya kasi yun.
Sabi sa instruction: SHADE A IF THE STATEMENT IS CORRECT, B IF IT'S INCORRECT, C IF YOU DON'T BELIEVE IN FOREVER, D IF YOU'RE IRRITATED IN YOUR PROFESSOR, AND E IF YOU DON'T STUDY WELL.
Tapos 'yung mga bonus question nya: a) Which is bigger, Dora's backpack or Doraemon's pocket? Justify your answer.
b) Where did Rachelle Ann Go?
c) To be or not to be?
d) What comes first, Gatas na choco or choco na gatas?Lakas talaga ng trip ni Sir eh.
"Oo naman. Ano bang movie yan?" napakamot si Dana ng ulo na para bang napakahirap sabihin ng kung ano mang gusto niyang sabihin.
"Actually, it's not a movie... It's anime so, I don't think you will like it."
Napatango si Steph saka mahinang tumawa. "Oo nga, pass muna. Next time nalang siguro. Wala din ako sa mood eh."
Naramdaman kong naging uneasy ang paligid kaya nagsalita na ako. "Tara na, Steph. Magaganda naman kasi 'yung anime na pinapanood namin. Try mo kaya! Wala namang mawawala."
"Err, next time. Promise." Nanlumo ako. Hindi ko pa napipilit si Steph sa kahit anong ginagawa namin ni Dana. Sana one time mapilit na namin siya. I'm sure she'll gonna love it!
Maagang nagpaalam samin si Steph kaya dumeretso muna kami sa department store para bumili ng pagkain.
"Dana, tara bili tayong isda!" humagikgik si Dana saka tumango. Favorite naming tatlo yung isda-I mean, ice cream na mukhang isda. Korean ice cream siya, Samanco ang pangalan then pure apa lang ang nasa ibabaw kaya naihulma nila itong isda tapos nasa loob naman yung ice cream. Medyo nakakangilo pero masarap talaga!
"Ano ba title ng anime na papanoorin natin?"
"Ao Haru ride. Swear, nakakakilig! Nabasa ko na sa manga 'yun eh. Gusto ko na nga sanang panoorin pero naalala kita. Diba ang genre na trip mo eh yung mga shy type na nakakakilig? Parang Kimi ni Todoke lang pero mas feel ko 'to."
BINABASA MO ANG
She's my girl ✔
Teen FictionHow can a typical girl makes me fall even without trying? Simple yet beautiful.... I got mesmerize right after I laid my eyes on her. And that snaps me, maybe I needed her. Maybe they are right. She's the one for me. But the question is..... am I h...