Chapter Four.

168 2 0
                                    

Chapter 4: First real fight


Kahit hindi na ako galit ay hindi ko pa din sinunod yung sinulat ni Chrome na tawagan siya kapag nabasa ko yung note. Tinamaan kasi ako ng hiya. Biruin mo, nag-inarte ako? Girlfriend? Girlfriend? Pero teka, fiancee na nga ako diba? So, may karapatan naman ako..

Hindi eh.. Yung trip nila daddy, nakakaloka eh. Mukhang hindi naman totoo. Tapos itong si google chrome naman mukhang sinakyan lang yung trip ng matatanda.

Hay buhay, minsan iisipin kong laru-laro lang 'to eh.

Bumaba na ako para mag-agahan. Wala si Kuya, pero nandoon si daddy at mommy. Si mommy nasa may coffee maker at malamang gumagawa ng kape para kay daddy.

"Mommy, pahingi din ng kape. Baka makatulog ako sa klase ko mamaya." Lumingon siya at kumunot ang noo.

"Nagpuyat ka, anak?" Hindi, mommy. May isang tao kasi ang gumugulo sa isip ko.

"Ah, opo. Nagreview po ako." Naman! Syempre di ko sasabihin yung totoo. Mamaya malaman nila na si Chrome pala yun.

"Sige, ipaghahanda din kita. Maupo ka na diyan at sabayan ang daddy mo."

Nakita ko si daddy na katatapos lang ibaba ang phone saka hinarap ako.

Amusement is written on his face.. Bakit kaya?

"Bakit po?"

Mukhang natauhan naman siya. "Ah, wala naman.. Kain na tayo."

Naenjoy ko ng sobrang ang umagahan. Bukod kasi sa hotdog, bacon at egg sandwich na nakahanda, may pancake ding niluto si mommy. Ang sarap pramis.

"Alis na po ako." Paalam ko sa magulang ko. Nakita ko si daddy na tumayo at lumapit sakin.

"Nasa labas si Chrome. Actually, kanina pa."

"Po?!" sa gulat ko ay nabitawan ko yung librong dala ko. Pinulot naaman ito ni mommy. "Bakit hindi pumasok dito?"

Nagkamot ng batok si daddy saka bumaling kay mommy na masama din ang tingin. "I'm sorry, okay?"

"Tama ba namang paghintayin sa labas ang bisita?" ngayon ko lang nakita si mommy na magtaray. Infairness, ganda pa din niya.

Masuyo siyang niyakap ni daddy at muling bumaling sakin. 'Kay, fine. Sila na sweet.

"Galit ka daw kasi. Baka ayaw mo siyang makita." Nalaglag na ng tuluyan ang panga ko. Seriously?

Namilog ang mata ni mommy. "Galit ka kay Chrome?"

"Hindi!" kinagat ko ang daliri ko. "Una na po ako." After humalik sa pisngi nila ay lumabas ako. Nakita ko siyang nakasandal sa hood ng kotse niya at medyo nakatingala. Nakapikit. Parang puyat.

Natigilan ako.

Nang lumingon siya sa gawi ko ay kaagad siyang tumayo ng matuwid. Nilagay niya sa bulsa ang kamay at nahihiyang ngumiti.

"Hey."

"Bakit hindi ka pumasok?" takang tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

"Ha? Ah.. Baka kasi sungitan mo ako sa loob eh. Nakakahiya kila Tito."

"Hindi naman ako galit." Mahinang sagot ko na siyang nagpahinto kay Chrome para sana pagbuksan ako ng pinto ng kotse niya.

"Hindi ka galit?" hindi makapaniwalang tinignan niya ako. Umiling ako. Nasapo niya ang ulo at mahinang sinipa yung gulong ng kotse niya. "Magdamag kong problema yan tapos malalaman kong hindi ka galit?"

She's my girl ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon