Chapter Nine.

112 3 0
                                        

Chapter 9: Together


Maganda ang gising ko kinabukasan. Maganda din kasi ang napanaginipan ko. Narinig ko kasing sinabihan ako ni Chrome ng magic words. Ang sarap pakinggan, kung sana ay totoo nalang yun...

Kahit anong gawin ko, magigising at magigising lang din ako kasi panaginip lang ang lahat.

"Talaga namang..." nanginginig ang kamay na binasa ko ang mga comments ng madla. Sabi ko na nga ba at sa facebook ko lang makikita yung topic nila Chrome at nang bwisit na babae na yun!


Heto ah, babasahin ko yung panlalait niya sakin:

That Chiselle girl. Who happened to be Chrome's fiancee(note the sarcasm) is plain stupid and weak. Naaksidente na nga nag-iinarte pa! I heard she's not Tito Norman's real daughter. Anak sa labas. So cheap.


Comment niya 'yan nung nagpost si Chrome sa facebook, three days ago. Ang nakalagay kasi ay: 'I hope she'll forgive me' at ang nasa picture ay 'yung kamay kong may dextrose.

Walanghiya naman kasing Chrome yan eh! May pa forgive me forgive me pa kasing nalalaman.

Binasa ko pa yung ibang comments sa instagram naman niya. Pinost niya kasi 'yung kamay niya na nakahawak sa ulo ko then hanggang mata ko lang ang kita. Kinuhanan niya ako habang natutulog ako. Wala naman siyang ibang sinabi sa picture pero ang bruha, hindi pinatawad at nagcomment din dun!

@DianaraAgstn I feel bad to Chrome who's loving a wrong person who doesn't love him back. He's just wasting his time and effort to that girl. Halata namang hindi sila bagay.

@ReinaYsaa: @DianaraAgstn I know right? It's just, the girl never put an effort for him. Papa Chrome, ako nalang pls!

@GoddessJil: @Dianara @ReinaYsaa Can you please get lost? You're ruining the picture


Madami pa. May kumakampi dun sa savior GoddessJil pero hindi umaawat si bwisit na Dianara. Sheet lang diba? Tinamad na akong magbasa eh, naiinis lang ako.

Sa kuryosidad, tinignan ko yung profile nung Dianara na 'yun at viola! Puro arabo ang followers sa instagram. Alam na bwahaha..

Then 'yung mga post jusmiyo, kulang nalang ipakita 'yung boobs kung makapagdamit! Tapos yung pose... Sheet of paper.. Duck face! Yuck! Pabebe ang hitsura. Nakakasuka!

An idea pop in my mind. Bakit nga ba wala akong account sa instagram? Gumawa ako ng account at naghanap sa gallery ng magandang photo. 'Yung pinakamaganda kong picture. 'Yung latest.

'Yun, nung family date with tito Gray and Chrome. Ganda ko nun. Credit to my mom.

Then nagpost ako ng picture. 'Yung picture namin ni Chrome nung nagstar gazing kami with the caption: Missing this guy.

Napangiti ako. So, ano ka ngayon Dianara?


---


Nagbabasa ako ng libro habang si Chrome ay nakaupo lang sa tabi ko. Tingin ko rest day nya ngayon kaya nagbababad sa phone niya. Ganyan naman 'yan eh, ewan ko lang kung ano ang pinagkakaabalahan niya.

Maya maya napamura siya at nabitawan 'yung phone. 'Di makapaniwalang tumingin siya sakin.

He has this grin in his face. Ano nanaman problema nito?


"Problema mo?" masungit na tanong ko

"Wala naman." Nakangiting umiling ito at muling pinulot ang phone. Amuse na tumitig ulit ito sa screen niya at minsan ay tumatawa mag-isa...

Umarko ang kilay ko. Nakita na kaya niya? Finallow back ba niya ako? Nagcomment na kaya ang bruha?

Nang i-check ko ang phone ko ay nakita kong nag-viper si Steph at Dana sakin. Binasa ko 'yun at puro tawa ang nakita ko. Nalaman pala nila yung tungkol kay Dianara. Tinry kong magbasa kung may comment ang bruha pero wala! Tinry ko ding tignan 'yung account ni Chrome sa fb pero wala din. Sabi ni Dana baka blinock ni Chrome.. Nakakatawa lang. Nasa akin ang huling halakhak, bruha.

"Kamusta kamay mo?" ginalaw galaw ko 'yung kamay ko na dating naka-cast.

"Ok na. Hindi na masakit. Pero 'yung paa ko." Sumimangot ako at nakita kong tumawa si Chrome. "Pilay pa din ako."

"Edi ako muna ang paa mo."

"Psh. Palagi ka ding wala eh. Wala ka namang kwentang paa." Totoo naman, pero hindi 'yung walang kwenta ah. Sa katunayan, na-aaprecaite ko effort niya. Kailangan din kasi siya dun ni tito kaya no choice siyang pumasok sa trabaho niya. Medyo naaawa na nga ako sa kanya eh. Bukod sa pag-aaral at training niya, araw araw niyang kinukuha ang notes at mga assignment ko kay Steph at Dana. Ayaw niya kasing papuntahin sila dito sa bahay, sa 'di malamang dahilan. Ewan ko sa lalaking yun, nag-iinarte nanaman.

Bukod dun, palagi pa niya akong inaalalayan at tinutulungang gumalaw. Pinangatawanan nga ang pagiging paa ko.

"Chiselle?"

"Bakit?"

Wala naman na akong narinig na sagot kaya napalingon ako sa kanya. Napatili ako nang bigla niya akong hapitin at walang sabi sabing hinalikan.

Help! Rape! Rape! Joke lang haha.. Infairness, namiss ko halik niya.


Hinila ko ang batok niya para mas palalimin pa ang halik. Umungol siya sa ginawa ko at mas idiniin pa yung sarili sakin. Napaaray naman ako kasi nadaganan niya yung pilay kong paa.

"Sorry, sorry.." kaagad siyang lumayo at pumunta sa gilid ko sabay halik nanaman. Tignan mo 'to, hindi pa nakuntento. Pero sige lang, gusto ko din hihi.

Mga sampung minuto siguro kaming nagtukaan este...nagkiss.

"Bitin." Reklamo niya nang maghiwalay kami. Kinurot ko nga sa tagiliran. Napaigtad siya sa sakit.

"Bitin ka diyan. Baka mamaya kung saan na tayo mapunta."

"Ano naman.." bulong niya. "Mom will be glad then."

"May sinasabi ka?"

"Wala.." hinapit niya ako para yakapin. Sumandal naman ako sa dibdib niya. Kinuha niya ang phone niya. "Pikit, wife. Kunwari natutulog tayo."

"Ano nanamang drama yan?"

"Dali na." napailing ngunit ginawa ko naman 'yung sinabi niya. Hayaan niyo na, sakyan ang trip ni Chrome.

Parang bata na tuwang tuwa siya nang makuhanan kami. Dumungaw ako sa screen niya at pinanood siyang ipost 'yun. Naadik na 'to sa kapopost, pansin niyo?

Natawa ako sa caption niya at siniko siya. "Ang baliw mo 'no? Tanungin ba kung perfect yung picture?"

"Isn't it perfect? For me, it is.. Look closer, wife." Pinakita niya sakin yun picture namin. "Soon. She'll be mine."

Napatingin ako sa kanya. Tama ba ang rinig ko?

"Soon. I'll make her fall for me."

Lunok. Para kasing may bumara sa lalamunan ko.


"Soon. We'll be one."

She's my girl ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon