Chapter Fourteen.

106 2 0
                                    

Lambanog



Maaga akong nagising kinabukasan. balak ko kasing ihatid si Chiselle sa school ngayon. Wala kaming pasok at ang tanging gagawin ko lang sa school ay magbrainstorming kami ng mga kagroup ko para sa baby thesis namin. Boring pero wala akong magagawa.


Pagkababa ko ay namataan ko si Mommy na naghahanda ng umagahan. Himala ata?



"Mommy." gulat na bati ko sa kanya. "Good morning."

"Oh? Chrome! Ang aga mo nagising. Halika, kain ka."

Tumunganga ako sa lamesa kasi parang may handaan nanamang magaganap sa sobrang dami ng nakahain. She really loves cooking. Siguro doon nainlove si daddy sa kanya?


"Ang daming pagkain, mommy." puna ko. Para kasing nagsasayang kami. Ako, si daddy at mommy lang naman kasi ang nasa bahay para kainin yun.

"Ginanahan akong magluto eh." ngisi nya at inilapag na ang plato sa harapan ko."Kamusta naman kayo ni Cha?"


Napahinto ako sa pagsandok ng kanin sa tanong niya. "Ok naman, bakit mo po naitanong?"

"Wala lang."

"My.." nagkamot ako ng batok. "Alam ko yang tingin na yan eh.. Bakit nga?"

Mas lumawak ang ngiti niya. "Masama na ba ang magtanong ngayon?"

"Kinikilabutan ako sa ngiti mo eh!"


Humalakhak na siya at umupo sa tabi ko. "Well, curious lang ako kung ano na nangyayari sa love life ng anak ko.. Ano, ok ba siya? Ha?"

"Ok na ok!" napangiwi ako sa sagot ko. "I mean, ok kami.. Bakit ba?"

"Talaga? Hindi naman ba masyado mong sinusungitan?"

Halos matawa ako sa sinabi ni mommy. Kung alam mo lang, my! Ako ang palaging sinusungitan. "Para ngang palagi siyang may period. Ang sungit!"

"Wala ka naman kasing ka-sweetan sa katawan! Nagmana ka sa ama mo!"

"Hindi ah!" pagdedepensa ko. "Ako ang kawawa 'no!"

Nagngising aso lang siya sa tabi ko. "Ok, sabi mo eh."


Nawala ang sigla ko at napatunganga nang may maalala. "Kaya lang nitong mga nakaraang araw palagi nalang siyang malungkot. Kapag tinatanong ko kung anong problema, umiiling lang siya."


"Bakit hindi mo nalang siya dalhin sa Tatay nya? Tiyak matutuwa 'yon." Suggest ni Mommy na siyang nakakuha ng atensyon ko.

"Tingin mo, my?" tanong ko, pero hindi ko maialis na nabuhayan ako ng loob don. "Baka magalit si Tita."

"Edi ipagpaalam mo. I'm sure maiintindihan naman ni balae."


At iyon nga, buo na ang desisyon ko. Noong una, hindi kumbinsido sila Tito at Tita sa plano ko, pero sa huli, sumuko na din sila.


"As long as she'll be happy, then, I won't argue with you."


That's my cue.. Tito's word. Alam kong nag-aalangan lang naman si Tita dahil kay Tito. At base naman sa reaksyon ni Tito ay hindi ito big deal. Now, ang tanging problema ko nalang ay ang ama ni Chiselle. He doesn't know me yet. At gusto kong makausap muna siya.

She's my girl ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon