Chapter Three.

130 3 0
                                    

Chapter 3: Kabute



"Yup! And alam mo ba? Tumulo ang laway niya, as in! Nakakahiya lang. Alam mo 'yung feeling na nagpipigil ka ng tawa kasi alam mong mapapahiya yung tao? Ayun, nagkunwari akong hindi nakita-" patuloy lang sa pagkukwento ang friend kong si Steph habang kami ni Dana ay masungid na nakikinig sa kanya. Wala kaming pinapalampas na 'ni isang salita kasi hindi na namin masusundan yung kwento niya kapag nangyari yun.

Sa di malamang dahilan, napabuntung-hininga ako.

One week na din ang nakalipas nang mangyari ang dinner with Tito Gray and Chrome. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi nang malaman na si Chrome at si Christian Rome na kinababaliwan ni chum ay iisa.

Seriously, hindi ko alam kung paano sasabihin kay chum.

"-at ito pa!" nagulat ako sa biglaang pagpalakpak niya. "Nag-update ng instagram si love of my life ko!"

"Sino?" sabay pa kaming nagtanong ni Dana.

"My love of my life. Si Christian Rome" Ow, sheet sinasabi ko na nga ba. "Look!"

Ipinakita niya sa amin yung phone niya. Pure stars lang yung picture at may caption na: Never been gone stargazing for a long time. Thanks to you.

Namula ako. Alam ko kasing ako ang tinutukoy niya. Naalala ko, dinukot niya yung phone niya at nagtake ng pictures. Di din siya nagpalagpas na wala kaming picture together..

Buti at hindi yun ang ipinost niya.

"Look at the likes! 20k in one week? Siya na!" sikat nga talaga ang damuho. "May mga nagtatanong kung sino 'yung tao na pinasalamatan niya pero wala siyang binanggit."

Good.

After naming maglunch ay dumeretso na kami sa room para sa next class namin. May 30 minutes pa kami kaya kinuha ko nalang yung libro ko sa Botany at nag-aral. May quiz kasi kami mamaya.

Nagvibrate ang phone ko. Di ko sana papansinin kaya lang nagvibrate nanaman. Kinuha ko ito sa bulsa at nagsalubong ang kilay sa nakita.

From: +639..........

Sipag ah

Sent: 12:34 pm

From: +639..........

Miss me?

Sent: 12:34 pm


I texted, "Sino ka?" then put my phone back to my pocket pero nagvibrate nanaman kaagad.

From: +639..........

Your husband... Chrome

Sent: 12:35 pm


Napalinga ako sa paligid. Bukod kay Steph at Dana, may isang lalake na nakaupo sa pinakadulong parte ng room. Naka-cap habang tinatakpan ang mukha ng isang librong Accounting-wait.. Hindi kaya?

Idinial ko ang number niya. Narinig kong natigilan siya kasabay ng biglang pagtunog ng phone niya. Gusto kong matawa kasi Final Fantasy pa ang ring tone niya. Yung Victory?

Nagtama ang mata namin.

"Ugh, pwede ba kuya na paki-silent ang phone? Nagrereview kami dito oh." Inis na nilingon ni Steph si Chrome. Napangiwi ako. Kung alam mo lang, Steph. Hindi ka makakaganyan kung alam mong si 'Love of your life' yang pinagsasabihan mo.

She's my girl ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon