Chapter 6: Addicted
Weird ang tingin ni Kuya sakin ngayon. Feeling ko guilty ako sa anumang ginawa ko pero wala naman akong maalala kaya ipinagsawalang bahala ko lang. Iniisip kong ganun lang siya today kasi bumalik na sila mommy at goodbye sports car ulit siya. Naiintindihan ko siya. Kawawa naman talaga. Wala na nga ang pinakamamahal niyang sasakyan, wala pang love life.
Speaking of love life.. Nagtext si Chrome(yiee ahihi) kaninang umaga. Simpleng 'Good morning' with matching smiling face lang yun pero mangisay ngisay na ako sa kilig. How much more kung nandito siya sa harap ko diba?
Sheet of paper. Malala na ako. Pati kissing scene namin napaginipan ko kagabi. Buti nalang nakaharap 'yung mukha ni google sakin kagabi kasi kung pwet niya 'yung nasa mukha ko... goodluck naman dun.
Masyadong natuwa si daddy kay google kaya binilhan pa ng higaan at kung anu-anong kagamitan. Mukhang mahilig din siya sa pusa gaya ko. Si Kuya naman, as usual, bwisit sa buhay kasi may allergy sa pusa. Namumula yung balat kapag nakakahawak ng balahibo ng pusa. Ang arte diba?
"Good morning!" masayang bati ni Chrome nang lumabas kami ni kuya ng bahay. Nakipagfist bump siya kay kuya at humalik sa pisngi ni mommy. Nakipagkamay naman kay daddy.
"Hey." Kaagad niya akong dinampian ng halik bago kunin 'yung bag ko at ilagay sa kotse niya. Narinig ko pa si mommy'ng nag 'OMG' at napamura naman si daddy. Seryoso, nakakatuwa reaksyon nila.
"Mukhang tayo nanaman ang magkasama, Kuya Cadi." Iiling iling na sabi ng kuya ko bago ngumisi sakin. "Maghahalikan nalang sa tapat pa ng kwarto ko."
Namilog ang mata ko, gulat at napaturo sa kanya. "Na-nandun...nakita..?"
Humalakhak ito saka kumindat. "I'll zip my mouth."
Nagulat ako nang may biglang humawak ng kamay ko. Mukhang nagulat 'din si Chrome sa naging reaksyon ko kaya tinignan niya ako ng may pagtataka. "Ayos ka lang?"
Tumango ako at ngumiti, muling sinulyapan ang kuya kong napakalawak ng ngisi habang kumakaway samin.
Nakakahiya.
Sa buong byahe ay kinwento ko kay Chrome kung gaano kasaya si daddy nang makita si google. Balak din daw sana niyang bilhan ng higaan si google kaya lang naunahan naman daw siya ni daddy.
Nang makababa ako sa kotse ay sumalubong sakin si Steph. Ibang iba ang aura niya ngayon. Walang masyadong makeup at mukhang hindi nakatulog ng mabuti.
"Steph." Gulat na sabi ko nang makita siya.
"Pwede ba kitang makausap?"
Pumulupot sa baywang ko ang kamay ni Chrome at gusto ko siyang ibalibag palayo sa ginawa niya. Kita mong mukhang makikipagbati na si Steph saka naman naging clingy 'tong lalaking 'to. Hinalikan niya ako sa sentido at bumulong. "Una na ako."
Tumango nalang ako saka bumaling kay Steph. Nakita kong nakatitig siya samin ng mabuti. Muling lumamlam ang mata niya saka tumungo. Nakaalis na si Chrome pero nasa ganoong ayos padin kami.
"Steph.."
"Cha, sorry." Humikbi na siya saka yumakap sakin. "Ngayon ko lang nalaman kung anong nagawa ko. I'm sorry. Sumobra na ako. Sana mapatawad mo ako."
Sakto naman at nadatnan kami ng ganoong ayos ni Dana. Sinenyasan ko siyang lumapit at hinapit palayo sakin si Steph. "Hindi lang sakin Steph, pati kay Dana."
Tumango siya at napatingin sa likuran. Kaagad namang itinaas ni Dana ang kamay niya, ready na siyang yakapin. "Napatawad na kita, chum."
Nagyakapan kaming tatlo with matching uhog at ngawa. Natatawa na naiiyak kami sa pinaggagawa namin lalo pa't nasa parking lot kami ng school kung saan madaming dumadating at nakakakita samin.
BINABASA MO ANG
She's my girl ✔
Teen FictionHow can a typical girl makes me fall even without trying? Simple yet beautiful.... I got mesmerize right after I laid my eyes on her. And that snaps me, maybe I needed her. Maybe they are right. She's the one for me. But the question is..... am I h...