Chapter Eight.

108 2 0
                                        

Chapter 8: Mahal Kita


Nakasimangot na tinignan ko si Chrome habang inaayos 'yung mga gamit ko sa bag. Pinayagan na akong lumabas ng ospital pero tuloy padin ang pagpapagaling ko sa bahay.

Pinagkakasya ni Chrome yung mga damit kong basta nalang niyang isunuksok. Hindi man lang itiklop.

"Akin na nga! Tinitiklop kasi muna yan!" kukunin ko na sana kaya lang inilayo naman niya.

"'Wag na nga. Ako na. Naka-cast pa 'yang kamay mo. Wala na akong oras para itiklop 'to, okay?" pinagpatuloy lang niyang pagkasyahin 'yung damit sa bag at nang maisara ang zipper ay tinapik niya yung wheelchair. Ugh, hindi ko man matanggap, pero helpless ang hitsura ko ngayon.

Gumalaw ako para bumaba ng higaan, pero mukhang nainip ata si Chrome sa kabagalan ko kaya lumapit na siya at binuhat ako para makaupo sa wheelchair.

"Thank you." Bulong ko. "Hindi mo naman kailangan gawin 'to eh. Nandyan naman sila Kuya Cadi para tulungan ako."

"Sino ba ang fiance? Si kuya Cadi ba?" inis na sagot niya saka tinulak na ang wheelchair. Matagal na din naming pinag-aawayan ang pag-leave niya sa training ng daddy niya para alagaan ako. Ayoko ng idea niya na 'yun kasi nakakahiya kay tito. At saka galit pa ako sa kanya. Hindi kasi niya mapaliwanag 'yung nakita ni Steph na may kasama siyang babae. Sabi niya, wala daw siyang ibang pinupuntahan bukod sa school at office ng daddy nya, pero kung iniisip ko daw na nambabae siya, mas mabuting kilalanin ko daw muna siya bago husgahan. Siya pa mismo ang nagalit sakin ah!

"Daan tayo kay daddy, then sa bahay na tayo tumuloy." Isa pa 'yun sa pinagtatalunan namin. Sabi niya, hangga't hindi pa ako magaling ay doon muna ako sa bahay DAW namin.

"Pwede mo naman kasi akong iwanan sa bahay eh."

"We already talked about this, right? Sabi ko, ako mag-aalaga sayo. Naiintindihan mo ba ako, Chiselle?" bumuntung-hininga nalang ako. Hndi naman kasi ako mananalo sa kanya eh. Iniiwas ko nalang ang tingin sa kanya nang ikabit niya yung seatbelt sakin at tumingin sa bintana. Narinig ko siyang bumuntong hininga.

Nang makadating kami sa kumpanya ng daddy niya ay nagpaalam siya saglit. Kukunin daw niya yung nirereview nyang papeles. Kulit kasi eh. Sabing kaya ko na.

Nakita kong umilaw yung phone ni Chrome na nalaglag ata sa bulsa niya. Kinuha ko ito sa upuan niya at kinalikot.

Walang password. Nakita ko sa screen 'yung pangalan... Pamilyar na pangalan!

Dali-dali ko itong binasa at napakagat sa hinlalaki.


From: Gines Dianara Agustin

What? Are you out of your mind?!


Na-curious naman daw ako kaya binasa ko yung conversation nila. 'Wag nalang kayo maingay.


To: Gines Dianara Agustin

Itinataya ko ang share nyo sa kumpanya namin. Bawiin mo ang sinabi mo at mananatiling empleyado ang magulang mo. Do it now.


From: Gines Dianara Agustin

I know you can't do that. 'Wag ka ngang masyadong mabait sa babaeng yun. I know pampalipas lang siya ng oras mo.


Sino? Ako ba?


To: Gines Dianara Agustin

If you think you know me then you're wrong. Hindi naman siguro ako mag-eefort kunin 'yung number mo sa daddy mo kung hindi ako seryoso diba?


From: Gines Dianara Agustin

Well, I only think you want me, no other reason. Am I right? Sure. Why not. Your place or mine? I'm willing.


Napangiwi ako. Seriously bakit ko ba binabasa 'to? Pero pakiramdam ko kasi dapat ipagpatuloy ko pa.


To: Gines Dianara Agustin

Listen, I'm on my way to the office. I'm giving you five minutes. Sasabihin mo sa lahat na mali ka at magsosory kay Chiselle. Do it or I'll fire your parents. I'm serious. Don't play with me because I'm disgusted.


From: Gines Dianara Agustin

What? Are you out of your mind?!


Nanginginig na ibinalik ko ang phone niya sa upuan at napatakip ng mukha.

Sheet of paper!

Nagulat pa ako nang bumukas 'yung pintuan at tumambad si Chrome na parang nagulat sa posisyon ko.

"Why? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong niya saka mabilis na sumakay para tignan ako. Umiling ako at pinigilang sugurin siya ng yakap dahil sa ginawa niya. Wala akong ideya kung ano 'yung sinabi nung Dianara na 'yun pero thankful talaga ako dahil kay Chrome.

"Wala... Ano... gusto ko nang umuwi."

Tumango siya at hindi magkanda-ugaga. "Ok, ok." Nilingon niya ulit ako habang nagdadrive. "Sure ka na walang masakit sayo?"

Tumango ako. Sheet. Gusto kong itanong kung tinotoo niya yung sinabi niya sa babaing yun. Sheet talaga. Mamaya magpe-facebook ako at aalamin kung saan at ano yung sinabi sakin ng babaing yun.

Nakadating kaagad kami sa bahay. Hindi na ako nilagay ni Chrome sa wheelchair at binuhat nalang. Isiniksik ang mukha at ikinawit ko yung isang kamay ko na hindi pilay sa leeg niya habang dinadala ako sa kwarto. Naramdaman ko pa siyang lumingon sakin. Nagtataka siguro kung bakit ako biglang natahimik samantalang kanina ang kulit kulit ko.

"Komportable ka na?" tumango ako sa tanong niya. "Good. Tulog ka na."

Nakangiting inayos niya yung kumot ko saka tumabi sakin.

"Eh, ikaw?"

"Dito lang ako."

"Tulog ka din."

"Di na. May babasahin pa ko eh."

Tumango ako saka pumikit. Maya-maya ay dumilat ulit. Nakatingin padin sakin si Chrome.

"Chrome?"

"Hmm?"

"Thank you."

Tumawa siya saka lumapit. Hinalikan niya yung noo ko. I love you, Chrome.

"Don't mention it, wife."

Yeah. Wife. Sana ganoon din kadaling sabihin sayo na mahal kita, diba? Ayoko kasing masaktan. Gusto ko ikaw ang magsabi para naman hindi ako matakot na sabihin din sayo. Then, naalala ko.. Torpe nga daw pala si Chrome... Saklap, dre.

Parehas lang kami.


Kaagad din akong dinalaw ng antok, panigurado dahil sa gamot na ininom ko kaya pumupungay na ang mata ko. Para bang ang bigat bigat nito. Napahikab na din ako saka isiniksik ang mukha sa unan.. Ayan, komportable na ko.



"Mahal kita."

She's my girl ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon