Chapter Twelve.

93 2 0
                                        

Try Me

Magkasama kami, pero hindi naman nagpapansinan..

Ano 'yun, hangin lang ako? Kanina pa kasi niya ako inii-snob. Ano ba ang ikinagagalit niya? Tungkol ba 'to sa conversation with my uggok friends? Ano naman kagalit galit doon kung hindi namin siya sinagot?

Oh, well. Depende nalang kung nagseselos siya?

Itanong ko kaya? 'Wag na. Baka ibato ako sa kabilang kalsada eh.

Mataas din pride nito eh. Kasing taas ng building ng kumpanya ni daddy.

Pero hindi ko naman matiis ang silent treatment niya so...

"Chiselle, saglit."

"What?" see.. galit. Nakakunot na agad ang noo.

"What's wrong?"

"Wala!"

"Wala pero nakasigaw at mukhang galit ka.. Ano nga? Tell me."

"Kulit. Wala nga sabi!"

"I'll believe you if you're not shouting at me. So I assume, you are mad at me. Can you tell me why?"

Huminga siya ng malalim bago ako hinarap. "Wala ka na doon. At saka... sino ka ba? Ano naman kung galit ako? Ano yun sayo? Hindi ka naman maapektuhan ah."

"Believe me, ngayon palang, hindi na ako mapakali." Tumaas naman ang kilay nito sa sinabi ko. Tss. Meron ba to ngayon? Bakit ang init ng ulo?

"You don't have to know. Leave me alone."

"How can I leave you alone if I'm the one who'll bring you home?"

"May taxi naman." Nagsimula na siyang maglakad kaya pinigilan ko siya.

"Just tell me what's your damn problem! Pinapahaba mo pa kasi eh!"

Marahas niyang kinuha ang kamay niya sa pagkakahawak ko. "bakit ba? Eh sa ayaw ko ngang pag-usapan eh! Bakit ba ang kulit kulit mo? Can you just... get lost? Leave me alone!"

"Not unless you'll tell me why you're mad."

"Oh, come on!" naihilamos nya ang kamay sa mukha. "You can't win, you jerk."



Naubos na ang pasensya ko.. Ang tigas ng ulo. Kainis.

"Try me."

May ilang minuto siguro kaming nagtitigan, at nang mainip na ako ay kaagad ko siyang binuhat, buhat pang sako, at inilagay sa passenger's seat. Hindi ko pinansin ang suntok at mura niya sa kin. Ah basta, hindi ko siya iuuwi hangga't hindi ko nalalaman kung anong problema niya sakin.

"Ang pangit pangit mo!! Grr.."

Kanina pa yan... Medyo masakit na nga sa tainga eh, pero hahayaan ko siya ngayon. Kapag kasi sinalubong ko ang galit niya ay walang mangyayari sa amin. Baka nga maituloy niya ang paghahagis sa akin sa kabilang kalsada..

"We're here." Anunsyo ko saka pinatay ang makina ng sasakyan. Dali-dali niyang tinanggal ang seatbelt at pinihit pabukas ang pintuan, ngunit walang emosyon ding lumingon sa gawi ko.

"Buksan mo." Mariing utos nito.

Humugot muna ako ng hininga bago magsalita. Oo na, kinakabahan nga ako. Nakakatakot ang tono niya eh. "Chiselle naman. Walang mangayari kung ganito tayo. Kausapin mo ko. Pag-usapan natin para magkaintindihan tayo."

Umiwas siya ng tingin at biglang nalungkot ang reaksyon niya. Bigla naman akong nakaramdam ng pag-aalala. Baka may problema siya.

"Wala nga 'to. Ako ang may problema. Pasensya na kung pati ikaw nadadamay, pero, rest assured wala kang kinalaman dito."

Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil. "Basta tungkol sayo, may kinalaman na ako. Kung anong gumugulo sa isip mo, sabihin mo lang sakin. Nandito naman ako eh, handa ako makinig. Basta sabihin mo lang sakin kung anong gumugulo sayo, hindi din kasi ako mapakali kapag nakikita kitang ganyan."

Ilang minuto ang lumipas at tahimik lang siya pero nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa gawi ko at malungkot na ngumiti. "Bakit ganoon?"

"Ha?" kinakabahang tanong ko.

"Bakit ka ganyan?"

"Anong... mayroon sakin?"

Ano bang sinasabi nya? Ang pangit ko ba talaga kaya't nagtataka siya? O nakakairita na ako? Ano ba?

"Ang.." umiwas siya ng tingin at umubo. "Ang bait mo kasi."

Siguro nakailang ulit muna sa utak ko ang salita niya bago ko nai-process sa utak ko..

So.... Walang problema sakin?

"Ah, baba na nga ako." Pinihit niya ulit ang pinto, pero dahil hindi ko pa binubuksan, napalingon ulit siya sakin. "Uhm, ano, Chrome, 'yung pinto sana."

Nahihiya siyang lumingon sakin at saka malambing na nagsalita, pero nakakapagtaka lang kasi hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya ngayon.

Nakita kong napaawang ang labi niya. Kaagad namang bumaba ang tingin ko doon at wala sa sariling binasa ang sariling labi. Namula ang mga pisngi nito sa ginawa ko kaya ayun, hindi ko napigilan..

Hindi ko napansin na naghahalikan na pala kami.

Dito, sa tapat ng bahay nila, kung saan nasa loob lang sila Tito na kayang kaya akong ipatapon kapag nakita nila ang anak nilang nakikipaghalikan sa kotse.

Pero dahil mahal ko ang babaing 'to, hindi ko na pinansin at inalala ang mga pupwedeng mangyari. Ang mahalaga sa akin, magbati na kami.

Ngayon alam ko, sigurado ako, na totoo na 'tong nararmadaman ko. Hindi ko man maisip kung gaano kabilis, pero alam kong hindi ako nagkakamali. Mahal ko siya. Mahal na mahal.



At ang tanging hiling ko lang ay ang mahalin at pagkatiwalaan din niya ako.

She's my girl ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon