Chapter Sixteen.

85 1 0
                                    

Kiss

Okay na sana...

Pagkagising ko okay naman ako.. Maganda pa gising ko kasi nasa tabi ko si Google at cute na cute na nakabaluktot sa tabi ko. Pero nung nag-open ako ng facebook at tumambad ang pagmumukha ng lalaking yon at may kasamang babae? Wala na... Tuluyan nang nasira araw ko.

"Pwedeng 'wag kang haharang harang sa daan?" asik ko sa Kuya ko nang makitang nasa harap ko siya. Pinagtaasan lang nya ako ng kilay at humalukipkip.

"Ano bang problema mo sakin?"

"Wala!"

"PMS?"

"Isa! Alis nga sabi!"

"Bakit nakasigaw ka? Ang lapit lapit ko lang oh."

"Ang laki mo kasing harang eh!"

"Yun lang ba talaga ang dahilan?" nginisian niya ako. "Nagkakaganyan ka ba kasi hindi pa umuuwi si Chrome?"

"Hindi 'no!"

"Okay, sabi mo eh."

Na-stress ako sa kuya ko! Kainis.

Pumasok ako nang mainit ang ulo. Napansin ito ng dalawa kong kaibigan kaya nanahimik sila. Hindi din ako makausap ng matino. Seryoso, hindi ko talaga alam kung bakit sa ibang tao ko naibubuhos ang galit ko. Hindi nila deserve ito..

"Cha.." huminto si Steph at kinalabit ako. "Chum, saglit. Tignan mo oh."

Napalingon ako sa tinuro niya. Napaawang ang bibig at hindi ako makapagsalita.

Si Chrome at ang babae nya! What the f is she doing here? At talagang dinala niya pa dito?

Napansin kong may iba pa silang mga kasama. Tama! Mga kaibigan nya 'yun.

Tinulak ako ni Dana. "Go. Kausapin mo. Let him explain first."

"Oo, chum." Sabat naman ni Steph. "At tandaan mo, 'wag mag-iskandalo. Be professional. Ganyan ang magaganda, stay calm lang."

Aba, nagpayo pa ang dalawa!

Sa huli, sumunod din ako. Dahan dahan akong lumapit. Namukhaan ko ang mga kaibigan nya.

Si Dace ang nakakita sa akin pero tinitigan lang nya ako. Si Steven ang tumawag sa pangalan ko.

"Chiselle! Hello!"

Napalingon silang lahat sa akin, well, pwera ang dalawa nyang kaibigan since nakatingin na sila. Napatulala saglit si Chrome. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at ngumiti sa lahat, pwera sa babaing nasa tabi niya.

"Hi." Tipid na ngiti ang ibinigay ko

"Sama ka samin!" aya ni Vest na sinang-ayunan naman ni Val. Napansin kong wala si Miggy kay nagtanong ako.

"Ah, 'yong gagong 'yun ba? Work."

"Eh bakit si Val? Diba may trabaho ka din?"

Napangisi lang ang loko. "Time management."

"Ugok." Nagtawanan sila. "Di ka lang pumapasok."

Pinilit kong 'wag balingan ng tingin si Chrme. Ramdam ko kasing tinitignan niya ako.. Ignore, Cha! Pero hindi eh, hinawakan nya ako sa braso. At wala akong nagawa kundi tapunan siya ng tingin.

"Hmm?"

"Bakit hindi kita macontact?"

"Ha?" playing innocent, Cha?

May tumikhim. At napamura ako sa isip nang mapagtantong 'yung babae yun.

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa kaibigan mo, Chrome?"

Kaibigan? Wow!

"Ah, right! Cha, si Faye nga pala. Faye si Chiselle." Inilapit ni Chrome ang bibig sa tainga ko. "She's my bestfriend."

Bestfriend? Ha! Bestfriend zone ka ngayon!

"Hi Faye!" plastik mo Cha! "I'm Chiselle. Cha nalang. And I'm Chrome's...."

Napatingin ako kay Chrome. Parang hinihintay ang sasabihin ko. Nainis ako sa hindi malamang dahilan. Seriously, ano bang problema ko?

".....friend."

Humagalpak ng tawa ang mga lalaki. Si Chrome? Ayun nakatingin lang. Hindi ngumingiti o tumatawa. Poker face. Nice reaction. Hindi iyon ang hinihintay kong reaksyon sa kanya.

"Friend, pare." Panggatong pa ni Val sabay tapik sa likod nito. Kaagad rumehistro ang pagkainis ni Chrome at hinawi ang kamay ni Val. Pinanliitan nya ako ng mata pero itinuon ko nalang ang mata kay Faye na nakamasid lang. Nginitian ko siya.

Swear, masusunog ako sa pagkaplastik ko.

Natahimik si Chrome pagkatapos noon. Hanggang sa pagkatapos ng lunch ay hindi siya kumikibo. Kahit panay ang alok ni Faye ng pagkain sa kanya ay hindi ito kumikibo. Akala mo siya 'yung girlfriend eh.

Maghihiwalay na kami pagkalabas ng restaurant. Sila Val ay may dalang sasakyan, si Faye sasabay kay Steve at magpapahatid sa bagong condo'ng binili nito. Napag-alaman kong kauuwi lang nito galing Spain. At talagang dito na daw siya mag-i-stay for good. Nice!

Humahalakhak si Vest nang lumabas kami. Pinagtitinginan pa nga kami ng mga tao. Agaw pansin kasi ang lakas ng tawa nito. Kung anong pinagtatawanan nila, ay wala akong ideya..

"Mukha kang constipated." Sabi ni Steve kay Chrome. Napangisi ako nang mapagtantong si Chrome ang pinatatawanan nila. Ang saya nilang kaibigan 'no? Sarap ipasagasa sa kalye.

"Pre, ilabas mo lang 'yan."

"Ang syado nyo!" sabi naman ni Faye. Hinawakan pa niya sa braso si Chrome. "Pinagtitripan nyo nanaman 'to."

Ay, kailangan talaga may hawak, teh?

Napairap nalang ako. Kabanas ah..

Nakita kong napalingon sa akin si Chrome. Teka, nakita ba nya akong umirap kay Faye? Patay!

Pinigilan niya ako. Nahinto naman kaming lahat. Seryoso, ano trip ng mga lalaking 'to? Talagang tumitig pa sila kay Chrome. Si Vest ayun! Nagpipigil ng tawa, pinipilit maging seryoso. Baliw!

Pero wait lang! Bakit nya ako pinigilan? Dahil ba 'to sa pag-irap ko? Magagalit siya kasi tinatarayan ko bestfriend nya? Ha! Tapos papipiliin siya ng Faye na 'yon at ang pipiliin nya bestfriend nya kasi matagal na silang magkasama? Ganoon ba ang mangyayari?

Magsosorry na sana ako nang bigla nya akong hinatak. Napasubsob ako sa dibdib nya at bubulyawan sana siya pero hinawakan niya kaagad ang mukha ko at hinalikan sa labi.

Hinalikan niya ako!

"Ganyan ba ang magkaibigan? Naghahalikan?" sabi nito nang humiwalay. Dumeretso ito sa sasakyan at pinatunog ito. Ang mga lalaki ay nagsitawanan pero ngayon hindi ako makasabay sa trip nila..

Tulala padin ako..

Napatingin ako kay Faye. Nakatitig lang din siya sakin.. Seryoso ang tingin. Dumako ang tingin niya sa kamay ko. Napakunot ang noo ko at tinignan ko ang kamay ko.

Ano problema nito?

Ngumisi siya at umiling..

"Engage daw sila eh wala namang singsing. Tss."



Kinabahan ako bigla. Napatingin ulit siya sakin. Mula sa mapaglarong ngiti ay sumeryoso ulit ang mukha nito. "Good luck" sabi nito bago umalis.

She's my girl ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon