Chapter Five.

150 2 0
                                    

Chapter 5: Google


"Hoy, babaita bakit wala ka kahapon?" 'yan ang bungad ni Steph nang makapasok ako sa room. "Alam mo bang-"

Nabitin ang panenermon niya kasi... ehem.. kasama ko si Chrome na pumasok ng room. Makulit eh. Sabi ihahatid daw niya ako hanggang room. Di naman niya sinabi na hanggang loob pala.

Nanlaki ang mata ni Steph at lumingon sakin. Feeling ko ang ibig sabihin ng mga tingin nya na yun ay,'Bakit-mo-'to-nagawa-sakin?-look' kasi kita ko ang disappointment sa mukha niya.

"Ok ka na ba dito?" napalingon ako kay Chrome saka tumango. Ngumiti siya at tumungo para halikan ang sentido ko. "Alright. Alis na ko."

Habang tumatagal na magkasama kami, sa tingin ko, nagiging mas close na kami. Madalas na niya akong halikan, well, not sa lips at araw araw niya akong hatid-sundo. Minsan pinapatambay niya ako sa bahay NAMIN daw at minsan nandoon siya sa bahay namin.

So masasabi ko ngang close na kami.. Pero kung magtatanong kayo kung ibang level na ba? Kung pwede nang magboyfriend-girlfriend? Di ko kayang sagutin, sorry.

Kasi kung ako lang ang tatanungin. Sana.. SANA ha... Pero tingin ko hindi eh.

"Chum." Tumayo siya sa harapan ko at mabilis pa sa langaw na dumapo ang palad niya sa pisngi ko. Naghang ang utak ko ng ilang segundo.

"Chum!" si Dana ang sumigaw, at pumagitna samin. "Ano bang ginawa mo? Bakit mo siya sinampal?"

"Alam mong gusto ko siya!" puno ng panunumbat na sigaw niya sakin. May nakiusyoso at lumapit sa gawi namin para makalagap ng chismis. "Mang-aagaw ka!"

"Ok ka lang?" si Dana ulit. Hindi ako makareact eh. "Gaga ka pala eh!" sinampal niya si Steph at napatumba siya sa impact. Galit na galit si Dana habang tinitignan niya si Steph na umiiyak sa sahig. "Mang-aagaw siya? Bakit, sayo ba yun? Tumino ka nga, Steph! Matagal ko nang gustong sabihin 'to pero pinipigilan ko kasi kaibigan kita at ayokong masaktan ka. Pero Steph, napakalandi mo! Ikaw 'yung humahabol sa lalaki, mukha ka nang buntot na sunod ng sunod samantalang dapat ikaw ang hinahabol! Act as a lady please. 'Wag maging desperada. Maganda ka. May utak. Gamitin mo naman. 'Wag na 'wag mong sisisihin si Cha kung nasa kanya ngayon 'yung lalaking gusto mo kasi wala naman siyang ginawa para agawin sayo yun. Utang na loob, ayusin mo sarili mo. Ayokong magkaroon ng kaibigang makitid ang utak."

Natapos ang speech ni Dana at gusto kong maiyak at palakpakan siya. Pinigilan ko lang ang sarili ko kasi makakasira sa atmosphere. Nadatnan kami ng ganoong ayos ng Professor namin sa History. Umiling nalang kami ni Dana sa Prof para wala nang gulo. Si Steph nanahimik lang sa isang sulok at parang may sariling mundo.

Naaawa ako. Bakit ba kasi hindi ko sinabi kaagad kay Steph.. Akala ko kasi simpleng crush lang kaya hindi ko na inabalang magpaliwanag sa kanya.

"Mag-usap tayo mamaya." Sabi lang sakin ni Dana. Tumango ako at natulala lang sa buong klase.


Nung lunch, kaming dalawa lang ni Dana ang magkasama. Pinakatitigan namin yung egg pie na pangtatluhan na palagi naming binibili. May natirang isa.

"Cha, ano ba talaga ang nangyari?"

Bumuntung hininga ako saka tumingin sa kanya na may lungkot. "Si Chrome 'yung fiance ko. Nung malaman kong siya din 'yung kinababaliwan ni Steph nag-alangan akong sabihin sa kanya. Pero nitong mga nakaraang araw parang may pinagkakaabalahan si Steph kaya akala ko nadivert na yung pagkagusto niya kay Chrome kaya 'di ko na sinabi." Lumunok ako kasi parang natuyuan ako ng lalamunan. "I swear, 'di ko alam na ganito ang mangyayari. Sinabi ko nalang sana.. hindi sana mangyayari 'to."

She's my girl ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon