Chapter Seven.

118 2 0
                                    

Chapter 7: Just Do It


May mga bagay talaga na kahit pilit mong kalimutan ay bumabalik padin. Mayroon ding kahit anong gawin mong pag-alala ay wala pa din... Katulad ngayong exam sa Chemistry. Gusto kong iuntog yung ulo ko sa desk maalala lang 'yung formula pero wala pa din. Pati 'yung atomic number ng Phosphorus di ko maalala. Kainis naman kasing Prof 'yan tama bang ipakabisado samin 'yung mga atomic number? Ang dami dami kaya nun.

Nakita ko sa di kalayuan si Dana na sinasabunutan na ang sarili. Gusto ko siyang kalabitin at sabihing, "I feel you" kaya lang malayo siya sakin eh. Alphabetically arrange kasi kami at Angeles ang surname niya kaya ayun, nasa harapan siya ng Prof.

Gusto kong maiyak at magmakaawa sa Prof namin nang ibigay ko sa kanya ang test paper ko. Para akong sinagasaan ng ten wheeler truck nang lumabas ako ng classroom. Wala na sila Dana. Nauna nang lumabas. Okay, aaminin ko na. Ako ang kahuli-hulihang lumabas ng classroom.

Napatingin ako sa may hallway. Naka-earphone at nakasabit sa kanang braso niya ang bag na para bang walang kalaman laman 'yon. Tahimik na naghihintay siya doon sa gilid.

Bakit ganun? Para lang siyang nagmomodel ng damit sa bench habang nakatayo sa gilid. Bakit ba ang unfair ng buhay at ang gwapo gwapo niya?

"Uy!" masaya siyang sumalubong sakin at kaagad kinuha 'yung bag ko. Binitbit niya ito at kinuha ang earphone sa kaliwang tainga bago isuksok sakin. "Mukha kang zombie."

"Thank you ha." Mas lalo lang atang nadagdagan ang pagkadepress ko sa sinabi niya. "Thank you talaga. Nakatulong ka."

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. Madami akong nakitang nakatingin samin sa hallway.

Hindi naman sa sinasadya pero napunta ako sa fb account ni Chrome nung nagreresearch ako. May mga stolen pictures ako na pa-sikretong pinopost ni Chrome sa account niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na kikiligin dahil tungkol sa akin lang lahat ng pinopost nya o maiinis kasi kung gaano kadami ang likes nun ay ganoon din kadami ang may ayaw sakin.

Yung totoo? Sila ba ang magulang ni Chrome? Kung makaasta kasi parang magulang na ayaw ipakasal sa anak kasi hindi Chinese. Ganun palagi ang nakikita ko at palagi ding OA ang reaksyon ng certain' Gines Dianara Agustin' na 'yun sa lahat ng picture ko.


Yung totoo ateng? May kasalanan ba ako sayo para kamuhian mo ako ng todo?


Sa instagram naman('di ko siya iniistalk, pramis) pinost niya yung picture namin with my family at may caption na: My family, and my future family.

Sige na. Aaminin ko. Kinilig na ako.

"Kamusta exam mo? Nasaan mga kaibigan mo? Ikaw lang kasi ang nakita kong lumabas ng room."

"Ah.. Nauna na sila. Ako kasi ang huling lumabas ng room."

Ngumiti siya bago inistart yung makina ng kotse niya. "Aba. Baka naman perfect mo na 'yun ah."

"Asa." Napasabunot ako ng ulo sa inis. "Bagsak na ata ako."

"Bakit naman?" nilingon niya ako. "Ang OA mo. Baka nga ikaw pa highest dun. Sa tagal mong nag-exam? Sino niloko mo."

"Hindi mo naman kasi alam kung gaano ko piniga utak ko eh! Alam mo 'yung feeling na.." napaupo ako ng matuwid at humarap sa kanya para damang dama ang feelings sa pagkwento. "...nasa dulo na ng dila mo pero ayaw lumabas? Ayun! Nakakainis kasi natataranta na nga ako kasi ako nalang natira plus yung Prof pa namin panay palo sa desk na parang naiinip. Kaasar!"

"Alam mo." Sabi nito na para bang napakaimportante ng sasabihin niya. "Don't dwell in the past. Nangyari na eh, ang problemahin mo nalang ay 'yung resulta."

"Exactly!" palatak ko. "Hindi ako makapaniwala na kinakausap kita. 'Di mo naman ako tinutulungan eh. Mas lalo lang tuloy akong nadepress kasi pinaalala mo yun."

"Oy, 'di ah. Ang sa akin lang, tanggapin mo 'yung mga bagay na hindi natin ineexpect. Tignan mo ako, tanggap na tanggap pa! With my heart and soul!"

"Ano nanamang kaartehan yan?"

"Wala. May pinaghuhugutan lang." bigla naman akong na-curious kaya lumapit ako sa kanya.

"Talaga? Baka naman gusto mo i-share?"

"Nah, 'wag na."

"Oh, come on!"

"Pilitin mo muna ako."

"Ang arte mo talagang lalake ka!"

Tumawa lang ito at hindi na kumibo pa. Kung ayaw magshare, edi 'wag. Ano akala niya sakin, pipilitin siya? Over my dead body..


---


Mabilis natapos ang isang linggo. Masakit man, pero nakuha ko na ang mga resulta ng exam ko. Medyo lumagapak lang sa Chemistry pero pasado naman. Sa awa ng Diyos.

Busy si Chrome ngayon. Tinetrain kasi ni Tito kaya hindi niya ako nahahatid-sundo kaya balik ulit ako sa sundo kong si Kuya Cadi. Sabay nanaman kami ng Kuya kong bugnutin.

Napapansin kong palagi nalang irita ang kapatid ko sa hindi malamang dahilan. Baka broken-hearted bwahahaha.

As for Tita Kenny at sa mga sinabi niya sakin, hindi pa din ako nakakapagdecide kung susundin ko siya o hindi.




"Breakup with him and date someone else. Kung 'di effective, do something to piss him of. Mainitin ang ulo ni Chrome. Masyadong maliit ang pasensya nyan kaya ikaw na ang bahala kung paano mo magagawang paaminin yun. Wala man sa hitsura pero torpe yun."

"Tita?"gulat na napahinto ako sa paghuhugas saka tinignan siya. Baka kasi nagjojoke lang siya pero ang makitang seryoso ang mukha niya ay nagsasabi saking hindi ito biro. So, seryoso talaga siya? "Tingin niyo....may gusto na si Chrome sakin?"

Medyo lumundag naman ang puso ko dun. Ok, so sobrang natuwa ako. 'Medyo' ay hindi tamang term para idescribe kung gaano ako kasaya sa narinig pero syempre... Tingin man ni Tita ay may gusto siya sakin, si Chrome padin ang makakapagsabi non.

"Yes kaya nga gawin mo ang ginagawa ko para malaman natin. Iha, kung mapatunayan ko man na totoo ang sinasabi ko..." masyado na ata si Tita'ng seryoso, 'no? Nagalit ata sakin? "...bibigyan mo kami kaagad ng apo. Kasal man o hindi."

Ayun, muntik ko nang mabitiwan 'yung plato sa gulat. Imagine, magulang pa ang nagsabi nyan ah. Paanong hindi ka magugulat?




"Earth to Cha! Oh please.." inosenteng tumingin ako kay Steph at nag-peace sign.

"Bakit, chum?" sabay ngiti. Umirap lang siya saka humalukipkip. Wala nanaman si Dana, nasa pinsan niya at nakikikain daw. Birthday kasi ng pinsan niyang si Venice.

Tinitigan lang niya ako ng matagal bago nag-iwas ng tingin. Tatanungin ko sana kung may problema pero kaagad niya akong hinila palapit sa kanya.

"Nakikita mo 'yun, chum?" hinanap ko naman kung ano yung tinutukoy niya at nang hindi ko mahanap ay lumingon ako sa kanya. Umirap siya saka marahang tinulak yung ulo ko papuntang kanan. "I saw Chrome.... With a girl."

"Ano?"

"Oo nga. Tignan mo na kasi at sundan!"

"Pero-"

"Basta gawin mo nalang!"

Hinanap ko si Chrome pero wala akong nakita, sa halip, isang matandang babae ang nahagip ng mata ko na papatawid sa kalsada. Nakatawid na siya, pero nalaglag yung mga kamatis na dala niya sa isang paper bag.


Walang sabi-sabing lumakad ako papunta sa matanda para sana tulungan siya na pulutin yung dala niya kaya lang, narinig ko ang biglaang pagsigaw ni Steph at ang sari't saring tunog ng sasakyan. Parang papalapit... at natagpuan ko nalang yung sarili na nakahiga sa sahig. Hilo at masakit ang katawan sa hindi malamang dahilan...

She's my girl ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon