Flowers
Tahimik lang kami sa sasakyan. Ayokong magsalita. Para kasing medyo napahiya ako kanina. Gusto ko lang naman siyang mainis kanina kasi....
Bakit nga ba? Dahil hindi nya ako kinontak agad? Dahil hindi kaagad siya dumeretso sa bahay pagkadating nya? Dahil nagtatampo ako kasi iyon pala ang lakad nya? Ang sumama kay Faye?
Bestfriend... Big word. Syempre madami na silang pinagsamahan. I bet kabisadong kabisado na ni Faye si Chrome dahil magbestfriend sila. Walang tinatago.. Komportable sa isat-isa. Ang mas nakakainis, ako ngayon lang dumating sa buhay niya.. Wala akong laban.
Bakit hindi nalang nya sinabi yung totoo? Hindi naman ako magagalit kung kasama nya ang bestfriend nya.
"Mag-usap tayo."
Nilingon ko lang siya. Nakita kong napalingon din siya sakin at natigilan. Siguro kasi nakita nyang malungkot ako? Ewan.. Nakikita ba nya yun? I bet not.
Inihinto nya yung sasakyan sa gilid at humarap sakin.
"Chiselle, anong problema?"
Anong problema? Tinatanong mo ako kung anong problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit hindi ka nagsasabi sa kin! Ano gusto kong isipin ngayon?
"Wala." Umiling ako at nag-iwas ng tingin. ANo pang point kapag sinabi ko? Maiiyak lang ako.
"Chiselle naman.."
Inalis ko ang bara sa lalamunan ko. "Ikaw? Anong problema?"
"Tungkol ba 'to sa pag-alis ko-"
"Bakit di mo sinabi?" putol ko sa kanya. "Kasama mo pala yung Faye. Bakit 'di mo sinabi sakin?"
"Hindi-"
"Ok lang naman sakin eh. Papayagan naman kita. Pero kasi naghintay ako ng text mo."
"Hindi siya yung pinuntahan ko-"
"Kung ganoon, saan ka nagpunta?"
Nasaktan ako nang umiwas siya ng tingin. Humigpit ang hawak niya sa manibela. "Sa ibang araw ko nalang-"
"Hindi! Ngayon na! As in ngayon na, Chrome!"
"Chiselle naman-"
"Wag mo akong ma-Chiselle ngayon. Sabihin mo sakin ngayon din!"
Katahimikan... He's pushing it.. Kainis.
"Fine." Pagod akong sumandal saupuan. Pinihit ko ang pintuan pero sarado ito. Nilingon ko siya. Nakatingin siya sakin na para bang baliw ako. "Open the door now."
"Hindi-"
"Isa pang ulit at sisirain ko 'to!"
Kaagad nyang binuksan ang lock at walang sabi-sabning lumabas ako ng pintuan. Nagpara kaagad ako ng taxi nang may dumaan. Iyak lang ako nang iyak habang pinagmamasdan siyang nakatayo sa may harap ng sasakyan nya. Nakatingin lang sa akin. Mukhang kawawa mag-isa doon..
Umiyak ako... Pakiramdam ko kinagat ng ipis yung mata ko. Hindi na din ako makahinga. Nadatnan ako ng kuya ko na ganoon ang hitsura. Nabitawan pa nya yung tasa sa gulat kaya ang kinalabasan, puro bubog ang sahig. Tanga lang.
Hala, nagiging bad ba ako kapag wala ako sa mood?
Suminghot ulit ako. Hindi naman ako ganito dati eh!
Dinaluhan kaagad ako ng kuya ko at niyakap. Kung noon ay iniinis nya ako, ngayon ay wala siyang sinabi. Pinagpahinga lang nya ako matapos kong ilabas lahat. Nagising akong gutom kaya lumabas ako ng room. Narinig ko na may kausap sa phone ang kuya ko.
"Hoy bakit mo pinapaiyak bunso ko?!"
May narinig akong pagbukas sara ng pinto. Baka sa kwarto siya dumeretso. Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang ref at kumuha ng gatas. Wala kasi ako gana kumain kahit nagugutom ako.
Napansin ko ang isang bouquet ng bulaklak sa lamesa. Mukha medyo bago pa 'to. Binasa ko ang nakasulat.
'Sorry na'
Ngumuso ako. Kainis ka, Chrome Christopher Hiponia.
BINABASA MO ANG
She's my girl ✔
Teen FictionHow can a typical girl makes me fall even without trying? Simple yet beautiful.... I got mesmerize right after I laid my eyes on her. And that snaps me, maybe I needed her. Maybe they are right. She's the one for me. But the question is..... am I h...