Chapter Nineteen.

171 3 0
                                    

Proposal

Last Page


Mabigat ang pakiramdam na gumising ako. Ayaw ko pa sanang pumasok kaya lang may exam kami ngayon kaya heto ako't pinipilit tumayo.

Limang minuto bago ako tuluyang tumayo at dumeretso sa banyo. Pagkalabas ko ay nadatnan ko si Mommy sa higaan ko na nakaupo. Ngumiti siya pagkakita sa akin.

"Anak.." malambing na tawag sa akin ni Mommy. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Nakauwi na sila ni Daddy galing Palawan? May binisita daw kasi silang kaibigan doon.

Inilahad nya ang kamay at pinaupo ako sa tabi nya. Kinuha nya ang suklay sa kamay ko at siya mismo ang nagsuklay sa buhok ko. "Ang laki mo na.. Parang noon lang ay napakaliit mo pa. Akala ko pa nga hindi ka mabubuhay kasi napakapayat mo."

"My.." tawag ko. Pakiramdam ko kasi may gusto siyang sabihin.

Huminga siya ng malalim at ngumiti. "I missed those times. 'Yung, kung paano ka lumaki.. I'm so sorry for not being there as you grow up."

Hinawakan ko siya sa pisngi. "Hindi po ako galit sa inyo.. Sa totoo po, nagpapasalamat ako kasi mas pinili nyong buhayin ako. Kung ibang Ina 'yun, malamang ay pinalaglag na ako.. Kaya thank you po sa buhay na ibinigay nyo sakin."

May ilang oras pa kaming nagyakapan nang may marahang kumatok sa pinto. Nakita ko si Daddy na nakadungaw doon. "Pwedeng makiyakap din?"

Tumawa ako at pinahid ang ilang luha na tumakas sa mata ko. Tumango ako at inilahad ang mga braso, hinihintay na lumapit si Daddy para mayakap ko. Parang bata naman itong lumapit at sinalubong ako ng mahigpit at mainit na yakap.

Lumapit din si Mommy at sumama sa amin. Naramdaman ko pa ang paghalik ni Daddy kay Mommy na syang nagpangiti sa akin.. Mahal nga nila ang isa't isa.

"Dy.." tawag ko sa Daddy ko na ngayon ay nakayakap pa din.

"Ayoko pang kumalas." Sabi nito na siyang ikinatawa ko.

"Ayoko din po." Natatawang tugon ko. "Gusto ko lang po sabihin na... Thank you."

"Thank you? Para saan?"

"Sa pagtanggap nyo po sa akin kahit na..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang marahan nya ako hinalikan sa noo.

"Kahit kailan ay hindi ko inisip na hindi kita anak kaya... 'wag mo nang mababanggit yan.. Magtatampo ako sige ka."

Ngumiti ko at isinubsob ang ulo sa dibdib niya. Hindi ko alam kung anong ginawa kong kabutihan pero, nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng mga taong sobrang nagpapahalaga sa akin..


'Tay, sana ay nakikita nyo 'to.. Hindi ko ito maaasam kung hindi dahil sa inyo. Katulad nila, isa ka din sa mga taong hindi ko kayang kalimutan.


---

"Oh, bat ganyan ang ilong mo?" tanong sa akin ng Kuya ko pagkalabas ko ng bahay. Sabi ni Mommy ay sabay na daw ako kay Kuya kasi walang magsusundo sa akin..

Ngumiti lang ako saka umiling. Nag-iyakan pa kasi kami sa kwarto ko. Nakakatawa mang isipin pero, hindi ko akalaing mag-iiyakan kami doon..

"Sandali." Pigil ng kuya ko nang bubuksan ko sana ang pinto ng sasakyan. Tinignan ko siya ng may pagtataka.

Lumapit siya sa akin at hinapit ako sa kanya para yumakap. Pati ba naman ang kuya ko?

"Teka, anong drama 'yan?" natatawang sabi ko pero niyakap pa din siya pabalik. Ipinatong nya ang baba sa ulo ko saka bumuntong hininga.

She's my girl ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon