Chapter 2: Fiance
Nakakagulat. Nang ipaliwanag nila sa akin kung paanong nangyaring nagkakapatid ako sa labas ay hindi ko maiwasang maging emosyonal.
Medyo galit ako. Kay Tatay na naanakan si Tita Lourdes. Pero mabilis ding nawala kasi narealize ko na wala ding patutunguhan kung magagalit ako sa kanya ng tuluyan. Alam ko namang mabait na tao si Tatay, sadyang mapaglaro lang ang tadhana at nangyari ito sa pagitan ng Ringor at Sandoval.
Ang nakakagulat? 'Yung tanggap ako ni Tito Norman. Nung inilabas ako ni Tita ay natakot daw siya kaya ibinigay niya ako kay Tatay. Mahirap daw yun sa parte niya kasi isa siyang ina, at mahirap mawalay sa anak. Nagsorry din siya sakin sa nagawa niya, nag-iyakan din kami kanina at yung mas nakakagulat? In good terms na kami ng half brother ko.
Nakapasok na din ako, isang linggo na, actually. May nakilala akong mga kaibigan. Isa na doon si Steph at Dana. Sila lang ang pinakaclose ko kasi karamihan sa school, kung hindi anak mayaman na maaarte ay feelingera. Kung makaasta akala mo ang ganda. Sama pa ng ugali.
"Chum, nagugutom ako." Kasalukuyan kaming nagrereview para sa Theology namin. Isinara ko ang notebook ko saka kinalabit si Dana na natutulog.
"Tara."
Dumeretso na kami sa cafeteria at umorder ng pagkain. Since meryenda nalang naman ay tuna sandwich lang ang inorder ko. Tipid mode din kasi ako eh. Gusto ko bumili ng new phone. Nahihiya ako manghingi kila Tita at Tito.
"Alam mo, chum." Kwento ng madaldal kong kaibigan na si Steph. Chum nga pala ang tawagan naming magkakaibigan. Korni ng 'bes' eh. "May iniistalk akong guy. Fourth year dito. Business ad ang kinukuha. Sobrang gwapo! Saka yummy. Kaya lang napaka anti-social. Di man lang nag-a-update ng account niya. Isang beses lang ata sa isang taon." Nakangiwi siya habang nagkukwento. Nakakaaliw din minsan panoorin 'to eh. Epic yung reaksyon. Kuhang kuha.
"Ano name?" tanong naman ni Dana na mukhang 'di interesado. Anime ang kinababaliwan niya eh. Nakakatawang isipin na magkakaiba kami ng trip sa buhay pero kami pa 'tong magkakasama.
"Christian Rome ang name. Nagtry pa akong magsearch sa instagram at twitter pero wala. Kung hindi isang taon ay sobrang tagal na ng nakapost dun"
"Baka busy masyado yung tao. Anak mayaman siguro 'no?"
"Mismo!" nanlaki pa ang mata. "Nagte-train na daw ata sa business world. Narinig ko lang sa usap-sapan sa tabi-tabi. Sikat din siya dito eh."
"Ganun?"
"Yeah. Kaya lang hindi natin masilayan, iba ang department eh!" agad siyang humarap samin saka nagpuppy eyes. "Daan naman tayo sa kabilang department oh."
"Saan?"
"Kay Mr. Christian Rome. Please?"
Nagkatinginan kami ni Dana. Napabuga kami pareho saka sabay tumango. Wala kasing makakapigil sa kanya lalo na't boylet ang pinag-uusapan.
Kung siya lalakeng pogi sa school ang trip at si Dana ay Anime, Korean guys naman ang akin.. Well, at least totoong tao.. Peace to Dana!
"Chum, wala naman eh." Inis na pigil ko sa kanya. Kanina pa kasi kami lakad ng lakad pero wala pa din si Mr. Christian Rome. Mukhang tago nga ang taong 'yun.
Mukhang nalilihis naman ang atensyon ni Steph kasi madami ding gwapo dito sa department. Mukhang nakalimutan na si Christian Grey este Christian Rome.
Hmm, nasaan kaya ang Kuya ko ngayon?
"Psst, chum." Nakita ko si Dana sa gilid. Nilapitan ko siya. "Lika na. Iwan mo na 'yang maarte na 'yan. Mukhang enjoy naman siya." Tinignan ko saglit si Steph at true to her words, mukhang tuwang tuwa pa at kinausap ng isang chinito. Kay, fine. Ciao Steph.
BINABASA MO ANG
She's my girl ✔
Fiksi RemajaHow can a typical girl makes me fall even without trying? Simple yet beautiful.... I got mesmerize right after I laid my eyes on her. And that snaps me, maybe I needed her. Maybe they are right. She's the one for me. But the question is..... am I h...