Chapter 11

111 16 5
                                    

Imee's Pov:

It's 8am at hindi pa bumababa si Eli kaya pinuntahan ko na ito sa kwarto nya.

Pagbukas ko ng pinto ay gising ito at naka sandal lang sa headboard ng kama.

"Eli let's have breakfast na, 11 ang flight natin" sabi ko naman dito pero di ito sumagot.

Umupo naman ako sa tabi nya at tumingin lang ito sa akin.

"Breakfast na tayo" ulit ko pa dito.

"Ayoko" seryoso nito na sagot.

Parang iba naman ang mood nito kahapon lang ay good mood sya pero parang ngayon bad mood na sya.

"Okay tayo kahapon ah ? Sinong nagpa bad mood sayo ?" Tanong ko naman.

"Gusto ko ng umuwi, ayoko na sayo" sagot naman nito na ikina bigla ko.

"M-may nagawa ba ako ?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ayaw mo sa akin, kaya ayoko din sayo" sabi naman nito.

Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nito.

Hinipo ko naman ang noo nito kung may lagnat ba sya ay wala naman.

"Sinong may sabi na ayoko sayo ?" Tanong ko naman dito.

Hindi naman sya nagsalita.

"Eli I know hindi tayo nagka kaintindihan madalas at nagsa sakitan tayo ng salita din pero kung ayoko sayo edi sana sinauli na kita sa mommy mo" sagot ko naman dito.

Bigla naman itong lumuha pero hindi parin nag salita.

Hahawakan ko naman ito ng tinabig nya ang kamay ko bigla at tumayo papunta sa bathroom.

Pina bayaan ko na lang muna ito at di na muna kinausap.

Iniisip ko naman kung bakit ganun ang sinabi nya.

Okay naman kami kahapon, yung pag uusap naman namin kagabi about Luna naman, so hindi sya affected dun.

Habang naka upo ay tumawag naman sa akin si Rod.

"Love dito kayo sa malacañang diretcho. Ibibigay ko kay Eli itong mga ito. Mahilig kumain yun sabi ni Lora" sabi naman nito sa akin.

Tumango lang naman ako.

"Problema mo ?" Tanong naman nito sa akin.

"Kahapon good mood sya eh, di nga kami nag away, ngayon love sabi nya sa akin ayaw na daw nya dito at gusto na daw nya umuwi" sagot ko naman.

"Baka inip na jan love" sagot naman nito.

"Hindi eh sabi pa nya kung ayaw ko daw sa kanya edi ayaw nya din sa akin. Wala naman akong sinasabi na ganun" sagot ko naman.

"Hindi talaga kayo nag away ?" Panigurado naman nito.

"Hindi nga talaga" sagot ko naman.

"Bad mood siguro lang, mamaya good mood na din yun. Baka ayaw lang ng kausap" sagot naman nito.

"Eh bakit sya umiyak ?" Tanong ko naman.

"Meron bang nanira sa akin kay Eli ? Baka may nag text sa kanya. Siniraan ako love" dagdag ko pa.

"I'll talk to her mamaya pag uwi nyo. Don't think about it. Baka bad mood lang" sagot naman nito sa akin

Habang nasa plane ay di naman ito nagsa salita at binuksan lang ng half ang curtain window ng plane.

Pagkababa namin ay nakita ko naman ang kaibigan nya at may dalang sarili na sasakyan.

THE MISSING DAUGHTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon