Present time:
Adeline's Pov:
Nagising ako ng biglang may sikat ng araw ang sumilaw sa mukha ko.
"Did you went home late again ?" Tanong naman sa akin ni mommy habang nag aayos ng kwarto ko.
"Mommy weekend naman eh, let me sleep please !" Reklamo ko naman dito.
Pinalo naman ako nito sa hita bigla at tumingin ng masama.
"Get up ! Hindi na ako natutuwa sa inaasal mo Adeline ha ! Bumangon ka jan. Linisin mo itong kwarto mo at wag na wag kang magpa patulong kila manang ha ?" Pagalit naman nito.
Umupo naman ako ng kama at nag pout ako sa kanya ng paawa.
"Hindi ako maaawa sayo, tigilan mo yan. Ang laki mo na, you are already 19 anak. Please naman act like one !" Sermon parin nito.
"Monday, you are going to the senate, meet your Tita Imee and it is the start of your work as her assistant. Introduce yourself nicely ha ?" sabi naman nito ulit.
"Mommy, I'm studying, how can I manage to be an assistant of a senator while going to school ?" Tanong ko naman dito.
"Balance it !" Sagot naman nito at umalis ng kwarto ko.
Wala naman akong nagawa kung di mag dabog na lang.
Ganito na lang lagi simula ng bata pa ako.
Lagi akong maiiwan kay nanay Susan at kay Sid ang anak nya kasi ang mga magulang ko ay busy.
Ang dad ko ay may negosyo at ang mommy ko ay mayor.
Alam ko bata pa lang ako na ampon na ako ng magulang ko. Ang close friend ng mommy ko ang nagbigay sa akin sa kanila.
May mga palatandaan naman at isa na dun ang bracelet ko na may moon design at ang damit ko na suot ng ibigay ako sa mommy ko ng close friend nya.
Ang sabi daw ng close friend nya ay napulot lang din ako at nakita. Naisipan akong ibigay kila mommy at daddy dahil isang lalaki lang ang anak nila at gusto nila na magkaron ng babae kaso lang hindi na ito pwede magka anak.
Pagkatapos kong mag ayos ng kwarto ay bumaba naman ako at wala na si mommy dito.
"Pauwi ang daddy mo ngayon kasama ang kuya mo" sabi naman ni nanay Susan sa akin.
"Okay po ..." Walang gana ko naman na sagot.
Umupo naman ako para mag almusal at nakita ko si Sid.
"Sid !" Tawag ko naman dito mula sa kinatatayuan nya sa labas ng garden.
Tumakbo naman ito papunta sa akin.
"Kumain ka na ?" Tanong ko naman dito.
"Oo ... Ah sabi ni Tita Lora, tayo daw ang mag ayos bukas sa condo na titirhan natin" sabi naman nito.
"Talagang pag aaralin na nya ko dito sa manila. Nakakainis !" Sagot ko naman.
"Ikaw kasi eh ! Lagi kang di napasok nung nasa Australia tayo kaya ayan napauwi ka tuloy dito" sisi naman nito sa akin.
"Aba, isang subject lang naman yun ah saka terror naman talaga yung teacher pano hindi ko sasagutin" pagta taray ko naman.
"Well Eli dito na tayo mag aaral at na enroll na kita, utos ng mommy mo. Political science parin" sabi naman nito.
"Whatever ! Atleast sa condo tayo titira" sagot ko naman.
"Mas madali ka daw nya dito mata track kesa sa Australia kaya alam nya kung gagawa ka ng kalokohan" sabi naman nito.
BINABASA MO ANG
THE MISSING DAUGHTER
FanfictionA 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famous Mayor in Manila. Because she's being a brat and rebellious, her mother ask her bestfriend Imee a w...