Chapter 9

112 14 6
                                    

Adeline's Pov:

Nagising ako ng nakayakap si Ate Sara sa akin.

Dahan dahan ko naman itong tinanggal sa akin at nag ayos agad sabay labas ng kwarto.

Saktong bukas ko ay bukas din ng kwarto nila Tita Imee.

"Good morning kulit, katabi mo daw si Ate ?" Sabi naman nito na parang tinuturing na akong pamilya nila.

"Good morning po Tito, yes po, tulog pa po sya" sagot ko naman.

"Your Tita, nasa baba na" sabi naman nito at inakit na ko bumaba.

Pag baba namin ay nag aayos ito ng breakfast at binati ito ni Tito.

"Goodmorning boss" bati naman ni Tito Rod dito.

Tumingin naman ito at niyakap si Tito saka ito binati.

"Good morning" bati naman nito sa akin.

"There's no good in morning" mahina ko naman na sabi.

"Huh ?" Tanong naman nito.

Umiling lang naman ako sa kanya.

Habang naga almusal ay bumaba naman na si Ate Sara at lumapit sa akin.

"Kulit buti nag kasya kayo sa kama, kalapit mo yan" biro naman ni Tito Rod.

"Papa naman ! Nagda diet na nga ako" sagot naman nito.

Natawa lang naman si Tito.

"Mommy you are going to Davao early ba ? Ayaw mo pa rin sumama ?" Tanong naman ni Ate Sara.

"Kayo na lang. May pupuntahan kami sa davao ni Eli" sagot naman nito.

"Love ... diba sandali lang naman pumunta sa davao 2 and a half hrs lang nandun ka na, let's go with us, sandali lang" sabi naman ni Tito.

"No na nga kayo na lang, ayoko ng pumunta sa lugar na yun, kayo na lang umalala. That incident didn't exist anymore to me" sagot naman nito.

Hindi na lang naman nagsalita sila Tito at tumango na lang dito at hawak nya ng kamay kay Tita.

"Ayaw mo ng food ?" Tanong naman ni Ate Sara sa akin dahil napa tigil ako ng pagkain.

"No Ate, I like the food" sagot ko lang naman.

Pagkatapos mag almusal ay pinag handa lang naman ako nito dahil aalis na daw kami.

Habang nag aayos sa room ni Ate Sara ay pumasok naman si Ate at ngumiti sa akin.

"Ang ganda naman ng Eli na yan" bati naman nito ng nakangiti.

"Pwede na bang sister mo ?" Tanong ko naman dito.

"Akala ko ayaw mo na kapatid ako" kunyari naman nito na tampo.

Natawa lang naman ako dito.

"Magalit pa sa akin si Luna, inaagaw ko ate nya" biro ko naman dito at sya naman ang natawa.

Nahinto naman kami sa biruan ng pumasok si Tita Imee.

"Let's go Eli" sabi naman nito sa akin at lumapit kay Ate Sara at niyakap ito.

"Take care kayo mommy" sabi naman ni Ate Sara dito.

Hinalikan naman nito si Ate Sara sa noo at pisngi na ikinatingin ko na lang ulit sa mirror.

Maya maya ay nasa sasakyan naman na kami at tahimik lang naman ako at naririnig ko itong nakikipag video call kay Kuya Matt.

"Anak asan ka na daw ?" Tanong naman nito.

THE MISSING DAUGHTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon