Chapter 1

342 20 11
                                    

REN

Pasukan na sa Lunes at kung ako lang ang pipili, s'yempre mas gusto kong igugol na lang sa loob ng bahay ang last weekend ng bakasyon, kaysa sa labas kasama ng kaibigan kong si Manuel at damayan siya sa problemang siya rin lang naman ang gumawa.

Kaya lang, as the best friend of the year, lumabas pa rin ako at sinamahan siya sa Ludwigs, ang sosyal na café na madalas naming puntahan kapag gusto naming magpanggap na mayaman.

Inuunti-unti lang namin ang pagsipsip sa parehong Iced Caramel Macchiato, hindi lang dahil two hundred pesos ang isa no'n, kundi dahil masyadong matagal magrant si Manuel. Nakakahiya naman kung ubos na 'yong inumin namin tapos 'yong mga kwento niya, hindi pa.

"Paano pa ako makaka-move on nito, Ren? Ang sakit!" damang-dama ni Manuel ang kanyang sinabi.

"Ikaw, e. Masyado kang malibog. Kaunting cleavage lang, bigay ka na agad. Hindi mo muna iniisip kung poser," umiiling kong sabi bago sumipsip ng kape. "Ayan, hindi ka lang broken hearted. Broke ka pa."

Tinawanan ko nang mahina si Manuel kahit alam kong ikaiinis niya 'yon. May tampo sa mga mata niya at parang maluluha pa. Sana ay hindi niya ituloy. Kanina pa nga kami pinagtitinginan dahil sa lakas ng boses niya tapos iiyak pa siya? Iiwan ko talaga 'to rito.

"Hindi naman poser si Mary Grace, brad. Totoong babae siya. Alam ko 'yon sa puso't damdamin ko," giit niya.

"Nagvideo call na kayo?" Hindi siya sumagot. "Oh, 'di ba nga hindi dahil ayaw magpakita. Kasi nga, poser 'yon, brad. Poser!" pinandiinan ko talaga 'yon sa pag-asang baka sakaling magigising na siya sa katotohanan.

Hindi pa rin pala.

"Nagsesend siya sa akin ng video!"

"Ng suso niya?" pigil-tawa kong tugon. "Oh, baka naman ng..."

Tuluyan na akong natawa.

"Warren naman, eh. Parang gago naman, 'to. Seryoso nga ako, brad."

Napahigop siya nang marami sa inumin niya. Kung 'di pa niya napansing malapit nang maubos 'yon, hindi niya pa titigilan.

"Oo nga, alam ko. Seryoso ka roon sa babaeng 'yon pero brad, wake the fuck up. Hindi siya seryoso sa 'yo, okay?" mariin kong sabi. "Binalaan na kita r'yan kay Mary Grace."

Umiling ako't napainom na lang sa baso ko. Hindi na umalma pa si Manuel dahil alam niya kung ilang beses ko siyang sinabihan na huwag masyadong magpadala sa babaeng poser na 'yon. Hindi naman nakinig. At ang matindi, nagpadala pa ng pera ang loko. Ginamit 'yong allowance niya. Wala tuloy siyang baon ng isang buwan.

"Ang tanga ko, brad!" Mukhang natauhan na si Manuel. "Pero ang sakit talaga, eh. Ang sakit pa rin." Hindi pa pala.

Habang marahan niyang pinupukpok ng wallet ang kanyang ulo, umiiling lang ako habang pinapanuod siya. Deserved.

Elementary pa lang kami ni Manuel, kilalang-kilala ko na ang ugali niya. Kung gaano siya kalibog. Bukod roon, sobra rin siya kung mabaliw sa babae. Papalit-palit siya ng crush. Hindi siya stick to one. Kaya nga madalas kong pagsabihan. Never naman umepekto. Hanggang ngayong papasok na kami sa kolehiyo, wala pa rin siyang pinagbago.

Napabuntong-hininga na lang ako bago pilitin ang sariling i-cheer up ang miserableng kaibigan.

"Makinig ka, brad." Seryoso akong tumingin sa kanya. Gano'n rin naman siya ngunit bakas pa rin ang pagkaiyamot sa sarili. "Marami pang babae d'yan. Iyong hindi lang pagsesend ng suso ang alam. Naiintindihan mo ba? Take this as a lesson. Magbago ka na. Mahahanap mo rin ang taong para sa 'yo," sabi ko at inabot ang kamay niya para tapikin ito. "T'saka, kung inaalala mo 'yong perang nawala sa 'yo, may naisip akong solusyon d'yan."

Ren Beau (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon