REN"Roommate mo 'yong kupal na 'yon?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Manuel. "Kung 'di pa kita sinundo sa kwarto niyo, 'di ko pa malalaman. Wala ka talagang balak sabihin sa akin, brad?"
"Gago, edi nagalit ka. Baka mamaya, sugurin mo 'yon," tugon ko kay Manuel habang nagpupunas ng counter. "T'saka, ayos lang naman ako, brad. Hindi naman na big deal sa akin na roommate ko ang lalakeng 'yon. Nakaya ko naman. Two weeks na nga, eh."
"Kung sinabi mo sa akin agad, edi sana nakipagpalit na lang ako sa 'yo, brad," sabi ni Manuel na akala mo'y posible ang sinasabi niya. May gigil ito sa kanyang mukha. "Magsabi ka lang kung sinisigaw-sigawan ka no'n ulit. Makakatikim 'yon sa akin."
Natawa ako't inilingan lang si Manuel.
"Sana all, may overprotective na best friend!" sabi ng biglang sumulpot na si Lily mula sa kusina. Dala niya ang ginawang burger at fries na order ng isang customer. "Okay na 'to."
"Aba, s'yempre, Ly. Walang puwedeng umapi sa best friend kong 'yan!" sabi ni Manuel habang inilalagay sa tray ang mga pagkain. "Kaya subukan lang ng gagong 'yon."
"Galit na galit? Gustong manakit, Nuel?"
Natawa na lang ako sa kanilang dalawa at kinuha na ang tray para i-serve 'yon sa customer.
Balak ko naman talagang sabihin kay Manuel na roommate ko si Beau. Naunahan niya lang ako kanina nang sunduin niya ako roon bago ang shift namin. Ayoko lang kasing gawing big deal pa 'yon. Lalo pa't kilala ko si Manuel. Alam kong concerned lang siya sa akin. Dito sa Bro Brews, makakapagtimpi pa siya. Sa school, hindi. Isa pa, totoo naman ang sinabi ko. Tinanggap ko na ang mapait kong kapalaran. Temporary ko lang naman makakasama 'yon si Beau sa kwarto. Hindi ko siya kailangang pakisamahan. Gano'n rin siya sa akin.
Sa nakalipas na dalawang linggo ko sa dorm, wala naman kaming naging problema ni Beau. Hindi rin naman kami nag-uusap. Tinatrato naming invisible ang isa't isa tuwing nasa kwarto kami pareho. Wala rin naman akong balak makisama sa kanya una pa lang. Especially after what he said to me last week at the ramen house. Hindi ko 'yon makakalimutan.
Pagbalik ko sa counter, saktong bumukas ang glass door ng coffee shop. Iniluwa nito ang lalakeng halos araw-araw ko 'atang inaabangang dumating tuwing shift ko. Si Flint 'yon. Nakasuot pa rin siya ng school uniform.
Gumuhit ang ngiti sa mukha ko habang palapit siya sa counter. Bihira siyang pumunta rito nang mag-isa. Tuwing pupunta kasi siya rito, kasama niya ang mga kaibigan niya. S'yempre, kasama rin si Beau.
Tiningnan ako ni Manuel at ngumiti. Kinunutan ko lang siya ng noo. Maya-maya pa ay bigla itong lumapit sa akin.
"Ikaw muna ang kumuha ng order, brad. Naiihi na ako, eh."
Tinapik-tapik niya ang balikat ko.
"H-Ha?"
"Sige na, brad. Hindi ko na mapipigilan 'to."
Aalma pa sana ako pero nagmadali na siyang umalis. Napailing na lang ako't pumunta na sa unahan. Saktong kalalapit lang roon ni Flint. Nahihiya kong hinarap siya nang nakangiti.
"Hi, Warren."
Para akong mahihimatay nang batiin niya ko sa pangalan ko. Pakiramdam ko ay malapit na kami ngayon sa isa't isa. Simula kasi noong araw na makita ko sila ni Kuya Bonnie na magkasama, palagi na akong binabati nito tuwing magkakasalubong kami sa campus at tuwing nandito siya sa coffee shop.
"Hi, Flint."
Kinalma ko ang sarili ko kahit pakiramdam ko, nag-iinit na ang pisngi ko habang nakatingin sa kanya. "May I take your order...sir?"
BINABASA MO ANG
Ren Beau (Boys' Love)
RomanceA boys' love story about a college freshie, Warren Pineda, and his senior roomie, Beau Simmons.