REN
After dinner, dumiretso na kami sa may dalampasigan para sa bonfire.
Akala ko nga, bonfire lang. May pa-activity pa lang ikakasira ng gabi ko.
Sinusubukan ko naman. Promise. Pero wala talaga, eh. Wala akong makuhang magandang salita para i-describe si Beau. Hindi rin nakatulong na magkaharap kami ngayon at nakikita ko ang nakabusangot niyang mukha. Lalo lang akong naiirita.
"Five minutes, guys!" sigaw ng isa sa mga facilitator ng camp habang nililibot ang circle ng mga magkakapartner na nakapalibot sa apoy. "Per partner kayong pupunta sa gitna kaya maghanda kayo."
Nainis ako sa narinig. Alam kong gano'n rin si Beau. Paano ba namang hindi? Nandito kami sa camp pero daig pa namin ang nasa loob ng classroom kung magpa-activity sila. Mas mahirap pa sa quiz 'tong pinapagawa sa amin, eh!
Hindi naman sinabi sa aming getting to know stage pala 'to ng magkakapartner. Ang sabi ng facilitator sa aming lahat, sa loob ng sampung minuto, magkaharap lang kami ng mga partner namin. Mag-uusap, kikilalanin ang isa't isa, at dapat daw pagkatapos ng sampung minutong 'yon, may isang bagay kaming masabi sa isa't isa na maganda...sa harap ng lahat.
Bukod sa ang weird ng activity na 'yon, nakakahiya pa!
Saka ano namang magandang bagay ang masasabi ko rito kay Beau? Wala. Ni hindi nga kami nag-usap man lang sa loob ng lagpas limang minuto, eh. Actually, kanina pa. Noong magsimula ang dinner. Masyado kasi siyang attitude.
"Enjoying the view, yeah?" mayabang na sabi niya sa akin. Sa unang pagkakataon ay nagsalita siya at ngumisi. "Gustong-gusto mo siguro ang activity na 'to. Libre kang makakatitig sa akin ng sampung minuto," dagdag pa niya.
Napangisi ako at napailing dahil sa pagkairita. "Alam mo, tumititig lang ako sa 'yo dahil baka sakaling magkaroon ng himala at makaisip ako ng magandang salita to describe you later. Kaya lang, wala eh." Nangunot ang noo niya sa narinig. "Ikaw rin naman, ah? Kanina ka pa rin nakatitig sa akin."
Natawa nang mahina si Beau. "Don't think as if I enjoy staring at you. Wala rin akong choice," sabi niya. "And for the record, kid, there's nothing good to say about you either...tama na ang salitang 'bakla' sa 'yo."
Nainis ako sa kanya nang marinig 'yon. "Homophobic," tugon ko. "Yan ka." Nailing ako at umiwas ng tingin. "Kung ikaw lang din naman ang tititigan, magpapakalalake na lang ako."
"So, you admit it? Na bading ka nga?"
Napatingin agad ako sa kanya nang marinig 'yon. Oo nga pala't hindi ko 'yon inamin sa kanya nang direkta pero hindi ko rin itinanggi. Hinayaan ko na lang na paniwalaan niya 'yon...dahil iyon naman talaga ang totoo.
"Halata naman kaya bakit pa ako nagtatanong?" nakangisi niyang sambit nang hindi ako sumagot.
"Kahit bading pa ako, hindi ako mababading sa 'yo," may diin kong sabi sa kanya.
"Dapat lang," tugon niya. "Kasi wala kang pag-asa sa akin. Hindi ako pumapatol sa mga kagaya mo."
Natigilan ako nang marinig 'yon kay Beau. Nakangisi siya na parang ang dali lang sabihin 'yon. Pinanindigan na niya talaga ang pagiging homophobic niya. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Masakit. May kirot sa puso ko nang marinig ang mga sinabi niya. Si Beau lang naman ito. 'Di ba? Hindi dapat ako naaapektuhan.
Minabuti kong huwag na siyang kausapin o tingnan at all. Iniba ko na lang ang focus ng mga mata ko. Busy si Manuel sa pakikipag-usap kay Roman. Mabuti pa 'yon, mukhang okay na okay sila ng roommate niya. Magkasundo. At ang iba naman ay halos gano'n rin. Sabagay. Babae sa babae at lalake sa lalake ang pairing kaya madali para sa kanila. Paano kaming dalawa ni Beau? Bading at straight.
BINABASA MO ANG
Ren Beau (Boys' Love)
RomanceA boys' love story about a college freshie, Warren Pineda, and his senior roomie, Beau Simmons.