REN
I woke up feeling a little better than yesterday.
Maaga akong gumising para maghanda sa unang klase ko ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang akong kasabik pumasok. Usually, kaaway ko ang Lunes pero hindi ngayon. I just felt like something good's gonna happen today.
Siguro rin dahil maraming nangyari nitong nagdaang weekend. It felt like a long time since I last wore my school uniform.
Tulog pa si Beau sa kama niya. Minamasdan ko siya habang nakaupo ako sa kama ko't nagsasapatos.
Sanay na sanay talaga siyang matulog nang walang pang-itaas. Hindi ata nilalamig kahit fully airconditioned itong kwarto. Napansin ko ring kahit anong ingay ang gawin ko mula kanina, hindi siya nagigising. Mahimbing talaga siyang matulog.
Nang matapos sa pagsasapatos, sinukbit ko na ang backpack ko sa likuran at naghanda nang umalis.
Bago tuluyang lumabas, hindi ko alam kung bakit humakbang pa ako palapit sa kama ni Beau.
Saglit akong tumitig sa kanya.
Namalayan ko na lang ang sariling nakangiti habang naka-focus sa maamo niyang mukha. Sana lang ay lagi na lang siya tulog. Mas bagay sa kanya.
Ilang saglit pa, ang kamay niyang nakataas sa uluhan ay bumaba sa kanyang suot na boxer shorts at ipinasok 'yon doon. Nakita ko kung paano niya pagalawin ang nasa loob no'n. Nabigla ako sa ginawa niya kaya agad akong tumalikod at humakbang palayo.
Lumabas na ako nang tuluyan sa loob ng kwarto.
Mainit pa rin ang magkabilang pisngi ko nang tuluyang makalabas ng dorm. Pilit kong kinakalimutan ang imahe ni Beau at ng kamay sa loob ng boxer shorts niya. Napakalaswa!
Nawaglit lang ako sa pag-iisip no'n nang makita ko si Manuel kasabay ang roommate niyang senior din.
"Brad!" tawag ko kay Manuel habang palapit. Nakipagfist-bump siya sa kasama bago ito naglakad palayo sa kanya.
"Brader!" masayang bati sa akin ni Manuel at in-apiran agad ako nang makalapit. "Kamusta?"
"Parang hindi tayo magkasama kahapon, ah?" natatawa kong sagot sa kanya. "Kayo ni Lily ang kamusta?"
Natawa siya't napakamot sa kanyang ulo. "Nasa friend zone pa rin, brad." Oo nga pala't agad-agad na niligawan ni Manuel si Lily simula noong magtrabaho kami sa Bro Brews. "Pero ramdam ko, gusto rin ako no'n," kompyansa niyang dagdag.
"Hinay-hinay lang kasi," sabi ko sa kanya. "Kaka-move on mo pa lang kay Mary Grace last month, 'di ba?" pang-aasar ko sa kanya.
"Mary Grace? Sino 'yon, brad?"
Natawa ako sa pagpapanggap niya. Pareho kaming nagtawanan sa daan. Mabuti ngang kalimutan na niya 'yon dahil maalala lang niya ang katangahan niya noong bakasyon.
"Maiba ako, brad."
"Oh?"
"Alam mo 'yong Freshmen and Seniors Camp?" tanong sa akin ni Manuel.
"Never heard of it," sagot ko. "What about it?"
"Sabi ni Roman, my rommie, next week na raw 'yon," sabi niya. Tinanguan ko lang siya habang nakikinig. "Masaya raw 'yon. Hintayin lang daw natin ang annoucement mamaya. Balita ko, tatlong araw daw iyon sa malayong lugar."
"Exciting," komento ko sa sinabi ni Manuel. "Abangan natin mamaya 'yong announcement."
Na-intriga ako sa sinabi ni Manuel. Malamang ay legit 'yon dahil senior ang rommate niyang si Roman.
BINABASA MO ANG
Ren Beau (Boys' Love)
RomanceA boys' love story about a college freshie, Warren Pineda, and his senior roomie, Beau Simmons.