Chapter 2

142 16 8
                                    


REN

Natanggap kami ni Manuel bilang part-timers sa Bro Brews.

Magpapasa lang naman sana kami ng resume ngayong araw pero hindi namin akalaing gano'n kabilis, matatanggap kami agad.

The interview didn't take that long. Siguro nakatulong rin no'ng nalaman ng hiring manager na sa tapat lang ng establisyimento nila kami mag-aaral. At s'yempre, we used the 'we're flexible and willing to learn card', kahit hindi naman, and it also helped.

"Kailangan na lang natin ipasa 'yong class schedule natin sa Bro Brews, all set na tayo, brad!" sabi ni Manuel sabay apir sa akin nang makalabas kami ng coffee shop.

"Sabi sa 'yo, eh. Tamang desisyon talaga na mag-apply tayo. May pambaon ka na araw-araw," nakatawang tugon ko sa kanya. "Teka, paano ka pala bukas at sa mga susunod na araw? Hindi pa tayo sasahod until next week."

Ang sistema kasi sa Bro Brews para sa aming mga part-timers, we need to work for four hours every day for five days, at weekly naman ang payout.

Malamang ay kakailanganin ni Manuel ng perang babaunin niya ngayong linggo. Hindi siya makakahingi sa mga magulang niya dahil hindi naman niya pwedeng sabihin sa mga ito na ginastos niya ang isang buong buwan niyang allowance kay Mary Grace. Magagalit ang mga 'yon. Baka itakwil pa siya, gano'n kalala.

Napakamot ng ulo si Manuel. "Iyon nga ang sasabihin ko sa 'yo, brad, eh. Hihiram sana ako sa 'yo ng pera. Just for this week. Ibabalik ko rin kapag sumweldo na tayo," nahihiyang pakiusap niya.

I knew it.

"Tapos ang lakas mong mag-aya sa Ludwigs noong isang araw?" dismayado kong tugon sa kanya. Patuloy lang siya sa pagkamot sa kanyang ulo. "Pasalamat ka, mabait akong kaibigan. Sige, pahihiramin kita ng pera."

Pasalamat siya't katatanggap ko lang ng allowance ko para ngayong buwan.

Inakbayan agad ako nito dahil sa tuwa. "Salamat, brad! You're my savior!"

"Bukas ko na lang iaabot sa 'yo. Baka ipangsugal mo lang kapag ngayon, eh," pabiro kong sabi kay Manuel at inalis ang mabigat niyang braso sa balikat ko. "Paano? Bukas na lang, brad?"

"See you tomorrow, brad."

Nakipagfist-bump ito sa akin bago kami tuluyang maghiwalay ng direksyon.

Kahapon ko pa naayos lahat ng gamit ko para sa pagsisimula ng klase bukas. Wala naman na akong ibang gagawin ngayong araw. Siguro ay uuwi na lang ako at magpapahinga. Susulitin ang huling mga oras ng bakasyon.

Kaya lang...

"Ice cream..." bulong ko nang madaanan ang isang bagong bukas na ice cream shop malapit sa SEU.

Kilala ko ang sarili ko. I'm a coffee lover, but I'm also an ice cream lover! Hindi ko 'yon kayang tanggihan. Lalo na ang mint chocolate flavored ice cream na mayroon ang bagong shop.

Namalayan ko na lang ang sariling tinutulak na ang glass door ng shop at dumiretso na sa counter para umorder.

Deserve ko 'to dahil naging mabait ako sa buong bakasyon, hindi katulad ni Manuel.

"Welcome to Icy Scoops. May I take your order, sir?"

"One medium cup of mint chocolate," pasosyal kong sabi sa nakangiting cashier. "Three scoops, please."

"Name na lang po, sir."

"Warren," sabi ko pero agad ring binawi 'yon at pinalitan. "Ren na lang pala."

Tinanguan lang ako ng cashier habang sinusulatan ang paper cup.

Matapos magbayad ng isang daang piso, pinaupo muna ako ng cashier at sinabing tatawagin na lang kapag ready na ang order ko.

Ren Beau (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon