RENWala kaming pasok ngayong araw.
Sana all.
Kanselado ang kaisa-isa naming klase dahil may sakit ang instructor na magtuturo sa amin. Blessing ba 'yong matatawag? Siguro kung tipikal na araw lang ito at kasama ko si Manuel, oo. Pero ngayong wala siya at kasama ni Lily sa bayan para manuod ng sine, hindi.
Iyon ang sana all.
Matapos kasing mag-anunsyo ang instructor namin sa group chat, nagsabi na agad sa akin si Manuel na aayain niyang manuod ng sine si Lily, na agad namang pumayag. Palibhasa ay katatanggap lang namin ng sahod sa Bro Brews kahapon. Hindi ko na rin muna siya siningil sa utang niya sa akin dahil alam kong wala na namang matitira sa pera niya.
Heto't imbes na nasa loob lang ako ng dorm para magpahinga, napilitan akong lumabas dahil hindi ko pa kaya ang presensya ng roommate kong si Beau.
Wala rin siyang pasok.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahapon. Sinong mag-aakalang sa dinami-rami ng lalakeng senior sa Saint Errol University, sa kwarto pa niya talaga ako napunta? This is beyond coincidence. Ginagago na talaga ako ng tadhana!
Gusto pa akong i-kick out ng gagong 'yon kahapon kung 'di ko pa pinaliwanag, word-for-word, na minalas lang ako at nilagay sa kwarto niya ng OSH—at hindi ko rin ginusto 'yon.
Ano bang akala niya? Sinadya kong paulit-ulit na magkrus ang landas naming dalawa? Na hinanap ko talaga siya? Para maging roommate niya? Hindi ko nga alam na Simmons pala ang apelyido niya, eh. Isa pa, tanga lang ang gugustuhing makasama ang lalakeng sing-sama ng ugali niya sa iisang kwarto.
Uuwi na lang muna siguro ako sa bahay. Doon na lang ako matutulog. Ngayong alam ko nang si Beau ang makakasama ko sa dorm, parang gusto ko na lang mag-uwian araw-araw doon.
Bago umuwi, naisip kong dumaan muna sa bayan para bumili ng ilang gamit sa school.
Tinext ako ni Manuel na sumunod sa kanila ni Lily pagkatapos nilang manuod ng sine. Kumain raw kami sa labas. I turned it down. Ayokong maging third wheel do'n sa dalawa. T'saka, gusto ko na lang talagang umuwi at magpahinga pagkabili ko ng mga gamit sa bayan.
Kumalam ang sikmura ko nang makalabas ng tindahan. Ginutom ako ng mahabang pila roon. Ilang pirasong ballpen at drafting paper lang naman ang binili ko. Ngayon tuloy ay kailangan kong maghanap ng makakainan bago umuwi.
Naglibot-libot muna ako para humanap ng makakainan. Marami namang kainan dito sa bayan. Hindi ka mahihirapang mamili. Iyon nga lang, may kamahalan ang mga presyo ng pagkain. Pera naman ang poproblemahin mo.
Lalong kumalam ang tiyan ko nang hintuan ang isang Korean restaurant na may malaking tarpaulin na naka-display sa labas. Naroon rin ang menu. Una kong tiningnan ang presyo ng mga pagkain bago ko napagdesisyunang doon na kakain.
Pumasok na ako sa loob.
Maglakakad na sana ako palapit sa counter para umorder pero natigilan nang mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na mukha mula sa isa sa mga table.
Nangunot ang noo ko nang makita si Kuya Bonnie roon.
Namamalik-mata lang ba ako? Matagal akong tumitig sa direksyon na kinaroroonan ng table para kumpirmahin 'yon. Sigurado akong si Kuya Bonnie nga 'yon. Nakasuot siya ng pang-opisina niyang damit.
Pero...imposible. Nasa syudad siya. Bakit siya 'andito?
At sino 'yong kasama niya?
Nakaharap sa kanya ang lalakeng kasama sa table kaya hindi ko mawari kung kilala ko 'yon o hindi.
BINABASA MO ANG
Ren Beau (Boys' Love)
RomanceA boys' love story about a college freshie, Warren Pineda, and his senior roomie, Beau Simmons.