RENDala ang tray na puno ng mga baso at platito, dumiretso ako sa loob ng counter para iabot 'yon sa naghihintay nang si Lily, ang kitchen staff ng Bro Brews.
"Thanks, Warren!" sabi ni Lily nang tanggapin ang tray sabay kindat sa akin bago pumasok sa kusina.
Agad kong tiningnan ang magiging reaksyon ni Manuel na nakapwesto sa harap ng POS machine. Masama ang tingin nito sa akin. Malamang ay nainggit nang kindatan ako ng crush niya.
Inilingan ko lang siya bago nagtungo sa table na lilinisan.
Tatlong araw pa lang kami rito sa Bro Brews. Tatlong araw na rin simula noong nagsimula ang pasukan. Puno ang class schedule namin ni Manuel maghapon bilang first year Information Technology students kaya hapon, after our last class, hanggang gabi ang shift namin dito.
Palitan lang kami ni Manuel sa POS at pagserve ng mga order. Nagtutulong naman kami sa paggawa ng mga kape. Gano'n rin sa pagbust out at paglilinis ng mga table. Madali lang naman ang trabaho kaya kaming dalawa lang ang iniwan sa oras namin. Hindi rin gano'n kalaki ang coffee shop kaya hindi kami gaanong nahihirapan. Karamihan sa mga customers namin, mga kagaya rin naming estudyante.
"Brad, ikaw muna roon sa unahan, babanyo lang ako saglit," sabi sa akin ng lumapit na si Manuel na nakahawak na sa kanyang tiyan.
"Sige, brad. Ako na ang bahala. Ilabas mo na 'yan," nakangiting tugon ko sa kanya na tinanguan lang ako bago nagmadaling umalis.
Tinapos ko lang ang pagpupunas ng table bago ako pumunta sa counter. Umupo ako sa harap ng POS machine at tiningnan ang view mula roon.
Pasimple kong pinanuod ang mga customer sa kani-kanilang mga table. Karamihan sa kanila ay nakasuot ng uniporme ng SEU. Cream-colored polo at itim na slocks. Pareho lang ang suot ng babae at lalake, nagkakaiba lang sa cuts. Alas sais pa lang kasi at katatapos pa lang ng klase ng ilan. Ang iba naman ay mukhang nagpapalipas lang ng oras bago pumasok sa panggabi nilang klase. Mabibilang lang din sa sampung daliri ang mga matatandang nakatambay rito.
Wala pang isang minuto nang umupo ako sa harapan, pumasok sa loob ng coffee shop ang limang lalakeng estudyanteng nagtatawanan. Mga estudyante rin ng SEU. Mga senior na siguro.
Handa ko na silang batiin habang palapit sila sa counter nang mamukhaan ko ang lalakeng nasa unahan. Napalunok ako't hindi makapaniwala sa nakikita. It's the guy from the convenience store. Iyong mabait na lalakeng nagbayad ng mga binili ko dahil kulang ang pera ko. Kung tama ang pagkakatanda ko, Flint ang pangalan niya.
Naghalo ang kaba at excitement sa loob ko.
Sa SEU rin pala siya nag-aaral?
"Hi," nakangiting bati niya sa akin.
Hindi ko namalayang nasa unahan na pala siya. Ang mga kasama niya ay magulo sa kanyang likuran. Hindi ko sila gaanong pinansin dahil hirap akong alisin ang mga mata ko sa lalakeng kaharap.
Naaalala niya pa kaya ako?
"W-Welcome to Bro Brews! May I take your order, s-sir?" nakangiti kong bati. Muntik pa akong mabulol dahil sa pagkautal.
Natawa siya nang kaunti. Marahil ay nahalata ang pagkataranta ko. "Just five regular coffees, please."
Mabilis kong pinroseso ang order niya sa POS machine.
"Flint, hahanap na kami ng table para sa 'tin."
Saglit akong natigilan nang marinig ang pamilyar na malaking boses na 'yon. Tumunghay ako mula sa monitor at tiningnan ang lalakeng nasa likuran ni Flint. It's the smug face guy from the convenience store and the ice cream shop. Beau, that's his name. Muntik ko nang makalimutan na magkakilala nga pala sila ng good Samaritan na 'to.
BINABASA MO ANG
Ren Beau (Boys' Love)
RomanceA boys' love story about a college freshie, Warren Pineda, and his senior roomie, Beau Simmons.