Chapter 12

80 14 2
                                    


REN

"Warren?!" gulat na gulat na reaksyon ni Kuya Bonnie nang tumabi ako sa upuan niya sa loob ng bus. "Anong ginagawa mo rito?"

Hindi ako sumagot agad. Nanatili akong nakatingin sa kanya sa loob ng ilang segundo habang hinahabol rin ang paghinga ko.

Isang bagay lang naman ang dahilan kung bakit sumakay ako ng bus at 'yon ay ang malaman ang buong katotohanan.

"Manong bababa-"

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Kuya Bonnie.

Tumingin tuloy sa amin ang kundoktor ng bus.

"Ayos lang, Manong!" sabi ko bago tinanggal ang kamay sa bibig ni Kuya Bonnie.

"Warren!" kunot-noo niyang saway sa akin. Halatang naguguluhan siya. "Ano na naman bang kalokohan 'to?"

"Gusto lang kitang makausap, Kuya," sagot ko. "Hindi ako bababa hangga't hindi kita nakakausap," dagdag ko.

Lalo siyang naguluhan.

"Usap? You should've told me before I left. Hindi ngayong papunta na ako sa syudad," inis niyang sagot. "Ano? Sasama ka talaga sa akin hanggang doon?"

"Kung kinakailangan, oo, Kuya."

Napataas siya ng kilay sa narinig. Nababasa ko sa mukha niya ang pagtataka.

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa.

"Tungkol ito kay Flint, Kuya..." Lalong nangunot ang noo niya sa narinig. "Tungkol sa inyong dalawa," sabi ko't bumakas sa mukha niya ang pagkabigla. "I want you to be honest with me, Kuya Bonnie."

Napalunok siya't nag-iwas ng tingin. "Warren, bumaba ka na habang hindi pa nakakalayo ang bus," sabi niya't dumukot ng pera sa wallet niya. "Eto, sumakay ka na pabalik sa campus niyo." Inaabutan niya ako ng isang libo pero hindi ko tinanggap.

Nanatili ang seryosong titig ko sa kanya.

"Warren!"

"May relasyon ba kayo ni Flint, Kuya?"

Hindi siya nakasagot. Nanatili ang mga mata niya sa akin ng ilang segundo bago muling nag-iwas ng tingin. Madali lang naman tumanggi kung wala silang relasyon pero hindi siya sumagot. Ibig sabihin lang no'n, mayroon nga.

Napailing ako at napapikit bago isinandal ang katawan ko sa upuan.

I knew it.

Bakit nga ba noong unang beses ko silang nakitang magkasama sa loob ng restaurant ay hindi ko naisip 'yon?

"Kailan pa, Kuya Bonnie?" nakapikit ko pa ring tanong sa kanya.

"Last year..."

Napamulat ako't hinarap siya. "At hindi mo sinabi sa akin?"

Nangunot ang noo niya. "Bakit ko sasabihin sa 'yo, Warren?" tanong niya. "Bata ka pa at-"

"Ayan na naman kayo sa salitang 'yan, eh. Bata, bata! Hindi na ako bata, Kuya. Naiintindihan ko na ang mga nangyayari sa paligid ko. College student na nga ako, oh!" Napabuntong-hininga ako out of frustration. "I'm your brother!"

Inis ko siyang tiningnan.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano 'yong mismong kinaiinisan ko, eh. Ang malamang may relasyon sila ng lalakeng hinahangaan ko? O ang pagtatago ni Kuya Bonnie ng relasyon nila sa loob ng isang taon?

"Ayoko lang sabihin agad sa 'yo, sa inyo hangga't hindi pa ako handa, Warren," sabi niya't tiningnan ako sa mga mata. "Hindi ko alam kung maiintindihan niyo-"

Ren Beau (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon