REN
Natulog akong iniisip kung anong ibig sabihin ni Beau sa sinabi niyang 'confused' daw siya.
Matapos kasi ang pangatlong bote niyang 'yon, bigla na lang siyang tumayo at iniwan ako sa couch. Dumiretso siya sa kama niya't humiga roon nang pasalampak. Ilang saglit lang ay humihilik na siya. Inubos ko lang ang pangalawang bote ko at humiga na rin sa kama ko.
Ang weird din niyang makipag-inuman sa totoo lang. Bigla-bigla na lang mang-iiwan at tutulog na pala. Wala man lang pasabi.
Siguro ay nalilito siya kung tama ba ang desisyon niyang pakikipagbreak sa girlfriend niya. Iyon siguro ang ibig niyang sabihin sa 'confused' na sinasabi niya. He's confused because the truth is, mahal niya pa rin 'yong babae. Gano'n.
Kinabukasan, Sabado, nasa loob lang ako ng dorm maghapon. Samantalang si Beau, maghapong wala. Parang wala ngang nangyari, eh. Hindi na ulit kami nag-imikang dalawa.
After what happened last night, although short, I consider that a first step to slowly know Beau kahit pa sinasabi ng isip ko na huwag na. Siguro, a part of me also wants to try what Flint said. To get along with him. Kahit pa ang imposible no'n kung iisipin.
Katatapos ko lang maghanda para sa pagtulog nang bumukas ang pinto at dumating si Beau kasama ang mga kaibigan niya.
"Sigurado ka bang ayos lang na dito tayo uminom, pre?" tanong ng isa sa tatlo niyang lalakeng kaibigan nang makita ako. Nakatingin kasi ako sa kanila. May mga dala silang alak. "Hindi ba tayo makakaabala?" dagdag niya.
"Hello po," bati sa akin ng isa.
"First year 'yan, bakit mo pino-po?" natatawang sabi ng isa pa.
Nagtawanan sila.
"Hayaan niyo 'yan," sabi ni Beau at saglit na bumaling sa akin habang sinasalansan sa lamesa ang mga alak. "Tandaan niyo, mga senior tayo. Tayo ang masusunod," mayabang na sabi niya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin bago umiwas sa mga ito.
Kilala ko na sa mukha ang mga kaibigan ni Beau. Kaibigan rin sila ni Flint. Silang lima lang naman lagi ang magkakasama tuwing pupunta sa Bro Brews. Nakakasalubong ko rin ang mga 'to sa campus.
Pero bakit silang apat lang ngayon?
"Nasaan ang yelo?" rinig kong tanong ni Beau.
"Hindi tayo nakabili, pre."
"Ba 'yan? Edi bumili na kayo," utos ni Beau sa mga kaibigan. "Sunduin niyo na rin si Flint sa kwarto niya."
Lumukso ang puso ko nang marinig ang pangalan ni Flint.
"Kami na lang ni Leo ang bababa."
"Bakit ako? Si Carson na lang ang isama mo, Willie!"
"I'm staying here."
"Bilisan niyo na nga lang mga pre? Ayokong uminom ng alak na 'di malamig habang mainit ang ulo ko," singhal ni Beau sa kanila. "Baba na!"
Kaunting reklamo pa't narinig ko ring umalis 'yong mga kaibigan ni Beau.
Nilingon ko sila. Dalawa na lang sila ng kaibigan niyang lalake. Iyon ang Carson.
"Ina naman, nakalimutan kong magbilin ng pandagdag sa pulutan!" sabi ni Beau. "Hahabulin ko lang ang mga bugok."
Agad na lumabas si Beau ng kwarto. Naiwan ang kaibigan niya na agad na tumingin sa akin. Nag-iwas agad ako ng tingin mula sa kanya.
"You wanna join us later?"
BINABASA MO ANG
Ren Beau (Boys' Love)
RomanceA boys' love story about a college freshie, Warren Pineda, and his senior roomie, Beau Simmons.