Chapter 8

94 14 2
                                    


REN

Maaga akong nagising kahit alas nuebe pa ang klase ko.

Alas sais pa lang ay nakaligo na ako't nakapagtimpla na ng kape. Nakabihis na rin ako ng aking PE uniform. Wala si Beau kaya solo ko ang buong kwarto. Nakaupo ako sa couch habang sinusulit ang katahimikan ng paligid. Ang sarap palang gumising sa umaga kapag wala 'yong taong ayaw mong makita. Nakakaganda ng mood.

Hindi ko alam kung nasaan si Beau. Wala rin naman siya rito kagabi. Hindi ko alam kung umuwi ba siya o nakitulog sa ibang kwarto. Madalas naman niyang gawin 'yon sa halos tatlong linggo ko na rito. Marahil ay dahil hindi siya kumportable sa akin. Ganoon rin naman ako sa kanya kaya ayos na ayos sa akin 'yon.

Mula sa kinauupuan ko, pinagmasdan ko ang side ko ng kwarto.

Hindi tulad ng kay Beau, walang mga posters ng kung anong sports team ang pader ng sa akin. Wala rin akong gaanong gamit sa paligid. Plain pa rin 'yon simula noong lumipat ako. Masyado akong abala sa pag-aaral at pagtatrabaho kaya't hindi sumagi sa isip kong mag-abalang pagandahin 'yon. Iniisip ko tuloy ngayon kung ano ang pwede kong idikit sa pader.

What if rainbow flag na lang kaya na malaki para mas lalong mainis ang homophobe na si Beau? Pwede rin naman.

In fairness, malinis palagi ang side niya ng kwarto. Hindi halata sa kanya. Kung titingnan mo kasi ay lalakeng-lalake at hindi mo aakalaing marunong maglinis. Maayos na nakasalansan ang mga kagamitan niya sa lamesa. Perfectly placed rin ang mga posters niya sa pader at hindi makalat tingnan. Maging ang kama niya ay laging maayos tuwing aalis siya. Madalas ko rin siyang makitang maglinis. Siguro 'yon lang ang magandang bagay sa kanya.

Naalala ko bigla ang kwintas na dinala ko mula sa ramen house.

Tumayo ako at kinuha 'yon mula sa drawer ko.

Magda-dalawang linggo na 'to sa akin. I didn't mean to keep this necklace for this long. Balak ko naman talagang ibigay sa kanya. Hindi lang ako makahanap ng tiyempo. Isa pa, hindi ko alam kung paano ko gagawin 'yon gayong hindi naman kami nag-uusap o nagpapansinan. Tuwing susubukan ko naman siyang i-approach, palagi akong nanghihina kaya hindi ko naitutuloy. Kaya ayun, palagi kong nakakalimutan. Ang ending, nasa akin pa rin ito.

"Bakit nasa 'yo 'yan?"

Hindi ko namalayan ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Nilingon ko ang papalapit na si Beau. May bakas ng gulat at pagtataka sa mukha niya habang tinitingnan ako at ang kwintas na hawak ko. Mabilis niya 'yong inagaw sa akin.

"Why do you have this necklace?"

Hindi ako nakapagsalita agad. Pinangunahan ako ng kaba. At the same time, na-rattle rin ako dahil sa lakas ng boses niya. Masama ang tingin niya sa akin na para bang nahuli niya ako sa isang krimen.

"Nakita ko 'yan doon sa-"

"Kinuha mo? Sa mga gamit ko?"

"What? No! Bakit ko naman gagawin 'yon ?" inis kong tugon sa paratang niya. "You left that at the ramen house."

"At wala kang planong ibigay 'to sa akin agad?" tanong niya. "Hindi mo alam kung ilang beses ko 'tong hinanap kung saan-saan. Nasa 'yo lang pala?" iritado niya pang sabi. "Ano, were you planning on keeping this? Pinagkainteresan mo na?"

Doon na ako sumabog sa inis.

"Magdahan-dahan ka nga sa pananalita mo? Ibabalik ko naman sa 'yo 'yan, eh. Hindi lang ako makahanap ng tiyempo dahil hindi ko alam kung paano ka lalapitan. T'saka kung makapagsalita ka naman, parang kasalanan ko pang iresponsable ka at naiwan mo 'yan sa upuan mo. Pasalamat ka nga't kinuha ko pa!" inis na inis na sabi ko. Masama pa rin ang tingin niya sa akin. "And just to be clear, hindi ko ugaling umangkin ng isang bagay na hindi sa akin. Lalong-lalo na kung gamit mo lang rin, 'no. Bakit naman ako magkakainteres sa kwintas mong 'yan?" Napatitig ako sa kanya nang masama. "Isaksak mo 'yan sa atay mo!"

Ren Beau (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon