Chapter 20

174 18 4
                                    

REN

Minsan talaga, kahit gaano ako kaswerte na kaibigan ko si Manuel, malas pa rin ako dahil kailangan kong makinig sa mga ideya niya.

"Gano'n lang 'yon, brad," sabi niya matapos gawing mapa ang lamesa kung nasaan kami sa may dining hall. "Hindi naman nila tayo mapapansin dahil lights out tayo sisibat, 'di ba, Pareng Max?"

Maging si Max ay napatingin sa akin na para bang gusto niyang sabihing pareho kami ng iniisip.

Mapapahamak kami sa plano ni Manuel.

"Puro ka kabulastugan," tugon ko sa kanya. "Maaga tayong aalis bukas, brad. Alas otso ng umaga."

"Oh, edi saglit lang tayong iinom sa may dalampasigan. Babalik tayo agad ng alas dose. Problema ba 'yon?" sagot niya.

Napailing na lang ako kay Manuel na talagang hindi papipigil sa kagustuhang makapag-inom ng alak sa huling gabi namin dito sa Camp Juarez.

Tapos na ang dinner. Hindi pa kami umaalis sa may dining hall dahil itong si Manuel, ibinahagi sa amin ang plano niyang pagtakas sa ngalan ng alak. Dinamay pa si Max.

Pinaalam na kasi namin kanina sa mga facilitator ang planong pag-iinuman sa may tabing-dagat since wala naman na kaming ibang ganap ngayong gabi. Malamang, hindi kami pinayagan. Akala pa nga nila ay lasing si Manuel, eh. Mukha raw kasing bangag.

"Kung gusto niyo talaga, ituloy natin," pagsang-ayon ni Max sa kaibigan ko.

"Yown!" Nagdiwang si Manuel. "Nice one, parekoy!"

Nag-apiran ang dalawa.

Napatingin tuloy ako sa kanya. "Max, hindi ba delikado? Mahuhuli tayo ng mga nagbabantay," alalang tanong ko sa kanya. "Pwede namang sa loob nalang tayo ng hotel mag-inom."

"Boring no'n, brad," pagtutol ni Manuel. "Mas masarap uminom sa may tabing-dagat. Mas dama mo!"

"Ewan ko sa 'yo, Manuel," sabi ko at binalingang muli si Max. "Pasensya ka na rito. Alak na alak na kasi siya, eh."

"Brad naman!"

Natawa si Max. "Ayos lang, Warren," tugon niya sa akin. "Sundin natin 'yong plano ni Manuel. Kami na ni Roman ang bahalang maniguro na wala nang tao sa labas after lights out. Nakakalabas pa naman kaming mga senior no'n," paliwanag niya.

"See? That's my boy!" masayang sabi naman ni Manuel.

Sa huli ay bumigay rin ako. Hindi na ako nakipagtalo pa. Si Max na rin naman ang nagsabi. Magiging okay ang plano naming pagtakas namaya. Nakakakaba lang dahil of all the reasons, alak pa.

Sinigurado kong masusunod ang lahat ng bilin ni Max sa amin.

Thirty minutes after lights out, iyon na ang signal na lalabas na kami ng kwarto pababa ng hotel. Didiretso sa likod ng resort at doon magkikita-kita. From there, magkakasama kaming pupuslit papunta sa dalampasigan.

Kaya lang, may problema ako.

I forgot about Beau.

"Saan ang punta mo?"

Hinarang ako ni Beau nang palabas na ako ng pinto ng kwarto namin. Wala siyang pang-itaas. Ready na sana siyang matulog. Akala ko kasi ay wala naman siyang pakealam o hindi niya ako mapapansin kapag lumabas ako ng kwarto. Nagkamali ako.

Bigla akong kinabahan. Lalo na ngayong kung titigan niya ako ay wagas. Nangingilatis.

"May...kukunin lang ako sa labas," palusot ko.

"Kahit lights out na at bawal nang lumabas?" Napansin ata niyang kinakabahan ako. "Are you lying to me, kid?" tanong niya at pinanliitan ako ng mga mata. "You're up to something, I know."

Ren Beau (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon