Chapter 18

86 12 4
                                    

REN

Nakita kong lumabas ng resort si Beau at naglakad diretso papunta sa may dalampasigan dala ang gitara. Nanalo ang sinasabi ng utak ko at sinundan siya. Maingat at marahan ang bawat paghakbang ko para hindi niya mapansin pero useless lang pala 'yon.

"Why are you following me?" tanong ni Beau nang hindi lumilingon sa akin. Hindi rin siya huminto.

Sumagot lang ako nang mahabol ko na siya at magkatabi na kami sa harap ng dalampasigan.

"Ano 'yon? Iyong heroic act mo kanina sa may pool area?"

Huminto siya at seryoso akong tiningnan. "You call that a heroic act?" Pagkasabi niya no'n ay natawa siya. "Gusto ko lang matapos ang parte ko dahil nilista rin ako ng mga kaibigan ko roon," sabi niya. "Pero kung 'yon ang tingin mo at gusto mong magpasalamat sa akin, huwag ka nang mag-abala pa. Ayos lang."

Hindi pa ako nakakasagot pero naglakad na naman uli siya paalis. Sinundan ko siya hanggang marating ang isang bangkang naka-tengga sa may buhangin. Naupo siya sa harap no'n at sumandal. Kinutingting niya rin ang hawak na gitara at tila  tinotono ito.

"Marunong ka pala maggitara?" tanong ko habang nakaharap sa kanya.

Tinigil niya ang pagtotono nito at seryoso akong tiningnan. "Hindi pa ba obvious sa 'yo?"

Sungit. "Malay ko ba? Eh, akala ko puro football lang ang alam mo. Wala ka namang gitara sa kwarto," tugon ko na hindi niya pinansin.

"You're blocking my view. Move," sabi niya kaya't gumilid ako.

"Sorry naman," sabi ko at aalis na sana.

"Did I tell you to leave?"

Napatigil ako sa paghakbang at tiningnan siya. Nasa gitara ang tingin niya. Naguluhan tuloy ako.

"I just told you to move. Hindi kita pinapaalis."

"You want me to stay?"

Doon pa lang niya ako tiningnan. Seryoso. "Do you want to stay?"

Hindi ako nakapagsalita agad. Sinundan ko lang naman siya rito para magtanong...at sana ay pasalamatan siya sa pagsama sa akin kumanta kanina. I don't know if I want to stay. A part of me wants to leave him alone. Pero may parte rin sa akin na...gustong samahan siya katulad ng pagsama niya sa akin kanina.

Umiling siya sa akin. "Do what you want, kid."

Sinunod ko ang sinasabi ng loob ko. Naupo ako sa tabi niya. Not exactly beside him. Malayo-layo...kasi ayokong mailang siya o asarin na naman niya ako.

Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Beau. Tanging ang mahihinang paghampas ng alon sa dagat at pag-ihip ng malamig na hangin lang ang maririnig. Naramdaman ko ang lamig ng gabi. Lalo pa't wala akong suot na pang-itaas na damit.

"I was surprised you know this song," sambit niya habang unti-unting tinutugtog ang kantang kinanta ko kanina. "Akala ko, hindi mo alam. I was so ready to laugh at you."

Inis ko siyang tiningnan. Hindi siya tumitingin sa akin at patuloy lang sa marahang pagtugtog.

"Ang sama mo," sambit ko. "Sino bang hindi nakakaalam ng kantang 'yan? That's an OPM classic." Napangiti ako habang tinitingnan ang dagat. "Definitely in my top ten favorite OPM songs."

Narinig kong mahinang tumawa si Beau kaya napabaling ako sa kanya. "It was my favorite song," sabi niya. "Our song."

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ko na mula sa pagngiti, sumeryoso habang nakatingin sa nakangiting si Beau na tulala sa view ng dagat at patuloy sa pagstrum.

Ren Beau (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon