Chapter 6

105 14 4
                                    

REN

Wala kaming gaanong customer ngayong gabi sa Bro Brews.

Siguro ay dahil Monday. Baka nasa trabaho pa ang mga tao. Iilan din lang ang mga estudyanteng nakatambay rito. Nagsiuwian na siguro 'yong iba at piniling magpahinga na lang sa mga bahay nila pagkatapos ng nakakapagod na araw.

Wala kaming gaanong ginagawa ni Manuel. Maging si Lily nga na dapat ay nasa kusina lang, nakitambay na rin sa may counter, kunwari'y nagpupunas-punas. Wala rin naman kasing huhugasan. Sa sobrang bored ko nga ay paulit-ulit ko na lang pinagmamasdan ang sarili ko mula sa repleksyon sa glass door na katapat.

Hindi na kami nagpapalit ng slocks ni Manuel tuwing papasok sa trabaho. Binabaon na lang namin ang itim na polo shirt at tina-tuck in 'yon doon. Iyon na ang pinaka-uniporme namin. Papatungan lang namin 'yon ng cute na brown na apron at ready to serve na! Literal.

Bagay sa amin ni Manuel ang simpleng uniporme ng coffee shop. Sakto lang ang laki ng mga katawan namin kaya maganda ang lapat. Ang lakas ng dating. I know we're serving coffee here but damn, we're also serving looks.

Sa paghanga ko sa aking sarili mula sa repleksyon sa glass door, bumukas 'yon bigla.

Finally, a new customer!

Agad kaming naghiwa-hiwalay tatlo. Pumunta na ulit si Lily sa kusina matapos nilang magharutan ni Manuel habang si Manuel naman, inabangan ang customer para kunin ang order nito. Habang ako, nakatingin lang sa isang tabi at pasimpleng pinagmamasdan ang papalapit.

Kahit si Manuel ay kumislap ang mga mata nang makita ang babaeng customer. Hindi agad nakapagsalita ang loko nang tuluyang makalapit sa unahan ang magandang babae. Napaisip tuloy ako kung artista siya. At kung bakit pamilyar sa akin ang mukha niya?

Mabilis na pinroseso ni Manuel ang order ng babae sa POS. Matapos 'yon, naupo na ito sa isang table. Bukod sa Frappuccino, nag-order din pala ito ng potato wedges na agad na inasikaso ni Lily sa kusina.

Habang ginagawa ni Manuel ang inumin, hindi ko maiwasang pasimpleng pagmasdan ang babae. Saan ko nga ba siya nakita?

"Titig na titig brad, ah? Type mo ba?" sabi ni Manuel at marahang binangga ang braso ko.

Umiling ako sa kanya. "Gago, hindi." Binalik kong muli ang mga mata ko roon sa babae. "Para kasing nakita ko na siya dati. Hindi ko lang matandaan kung saan at kailan," sabi ko.

"Hala, gago. Baka girlfriend mo 'yan sa past life mo, brad?" tumatawang tugon sa akin ni Manuel habang hinahanda ang tray.

Natawa ako't inilingan siya. "Puro ka kalokohan, Manuel. Akin na nga 'yan." Maingat kong kinuha sa kanya ang ginawang inumin at inilagay 'yon sa tray.

Sakto namang ready na rin ang potato wedges galing sa kusina kaya inilagay ko na rin 'yon.

Nagturuan pa kami ni Manuel kung sino ang magse-serve. Nahihiya raw siya. Sa huli, ako pa rin ang nagserve sa babae.

"Here's your order, ma'am."

Maliit na ngiti lang ang itinugon sa akin nito pagkatapos kong ilapag ang inumin at pagkain sa harap niya. Pagkatoos no'n, bumalik na ako sa counter.

Just a few seconds after that, may pumasok na lalake sa loob ng coffee shop. Isang matangkad at gwapong lalake. Akala namin ay panibagong customer ito at lalapit sa unahan pero dumiretso siya sa kinaroroonan ng magandang babae. Hinalikan niya ito sa pisngi bago naupo kaharap siya.

"Ekis, brad. May nobyo pala," bulong sa akin ni Manuel. "Okay lang 'yan. Marami namang iba r'yan," ang patuloy niya pang pang-aasar sa akin.

Tumatawa na si Manuel nang balingan ko. "Gago."

Ren Beau (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon