RENAlas dies na ng gabi nang makabalik ako sa dorm. After kasi ng shift namin nina Manuel at Lily sa Bro Brews, nagkaayaan pa kaming kumain sa labas. Hindi na sana ako sasama sa kanila dahil ayokong maging third wheel na naman. Napilitan lang ako dahil ayoko nang magluto pag-uwi.
Naghubad lang ako ng polo shirt at naupo agad sa couch. Sumandal ako roon at dinama ang preskyong dulot no'n sa aking likuran. Pumikit ako at ipinahinga muna ang sarili sandali.
Unti-unti akong inantok at pakiramdam ko, nananaginip na rin. Alam mo 'yong tipo na gising ka pa, although malapit ka nang makatulog, pero parang nananaginip ka na agad? Gano'n ang nararamdaman ngayon.
Nananaginip akong bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si Beau sa loob.
Mukhang sa panaginip na nga lang 'yon mangyayari dahil halos isang linggo nang hindi lumalagi rito ang lalakeng 'yon.
Simula noong araw na nagkasagutan kami, dahil sa kwintas niyang sana pala ay hindi ko na lang kinuha sa ramen house, hindi na kami nagkita pa rito sa loob.
Plano ko naman nang iwasan si Beau simula noong araw na 'yon. Kahit pa sinabi sa akin ni Flint na pakisamahan ko raw ang kaibigan niya at unawain ito dahil may pinagdadaanan siya. Bakit ko naman gagawin 'yon? Ni hindi nga siya nagsorry sa mga pagpaparatang niyang pinagkainteresan ko ang kwintas niya, eh. Ni thank you, wala rin.
Mabuti nga at siya na ang naunang umiwas. Pabor 'yon sa akin. Hindi na ako mahihirapan, solo ko pa ang buong kwarto.
Napangisi ako habang nakapikit pa rin.
"Mukha kang tanga r'yan."
Ang malalim na boses na 'yon ang nagpamulat sa akin. Nakita ko ang nakatayo sa harapan kong si Beau. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin. Nabigla ako sa napagtanto. Ibig sabihin ay hindi panaginip 'yong kanina? Dumating talaga siya at narito ngayon.
Kung hindi panaginip 'yong kanina, alam ko na ang tawag ngayong nasa harapan ko na siya. Bangungot.
Umayos ako ng upo at naalalang wala nga pala akong pang-itaas. Na-conscious ako sa katawan ko kaya mabilis ko 'yong tinakpan gamit ang dalawa kong kamay. Nakatingin kasi siya roon.
"Tinatakpan mo pa e puro baby fats lang naman 'yan," nakakainsultong sabi ni Beau sa akin bago tumalikod.
Hindi ko siya tinugunan.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Palibhasa ay malaki ang katawan niya dahil madalas siyang magwork-out kaya mayabang siya.
Saka ko lang napansin ang dala niyang malaking plastic bag. Silag 'yon kaya nakita ko agad ang mga bote ng beer sa loob. Ipinatong niya 'yon sa maliit niyang lamesa.
Mukhang kagagaling lang niya kung saan. Nakaporma kasi siya.
"Bakit ka nandito?"
Hindi ko napigilang itanong 'yon. Inaasahan ko kasing katulad ng nagdaang mga araw, hindi siya uuwi.
T'saka, bakit niya ako kinakausap?
Humarap siya sa akin.
"Bakit? Bawal na ba akong umuwi sa sarili kong kwarto?" nakangisi niyang tanong.
Kasunod no'n ang pagtanggal niya ng T-shirt niyang suot. Napalunok lang ako't hindi nakapagsalita. Lalo na nang makita ang hubad niyang katawan.
Mas malaki 'yon tingnan ngayong wala na siyang pang-itaas. Malaki ang nakaumbok niyang dibdib. May abs rin siya na imposibleng hindi mapansin.
Tumalikod na siya't kumuha ng damit mula sa kanyang cabinet.
"Hindi naman," sabi ko. "Akala ko lang kasi, hindi ka ulit uuwi dahil..."
BINABASA MO ANG
Ren Beau (Boys' Love)
RomanceA boys' love story about a college freshie, Warren Pineda, and his senior roomie, Beau Simmons.