REN
Mabilis na natapos ang buong maghapon ng pangalawang araw namin sa Camp Juarez. Mini seminar sa umaga, pool activities sa tanghali, at beach volleyball naman sa hapon.
We barely had time to rest inside our hotel rooms. Dire-diretso ang ganap namin dahil right after dinner time, nagtipon-tipon din lahat sa may pool area. Ang sabi sa guide booklet, talent ang magiging sentro ng gabing 'to.
We were asked to prepare a talent to show to everyone in the pool area. Magra-random bunot daw ang facilitator para sa mga magpapakita ng talent. Ang iba naman ay tatawagin. Almost everyone was nervous to be called. Sino bang hindi? Ang dami rin namin dito at panunuorin ka ng lahat.
"Anong talent mo, brad?"
Mula sa kung saan, sumulpot na lang bigla sa tabi ko si Manuel. Katulad ko at ng halos lahat ng kalalakihan sa may pool area, wala siyang pang-itaas at tanging board shorts lang ang suot. Basang-basa siyang tumabi sa akin dahil kaaahon lang nito sa pool.
"Wala," sagot ko habang kinukuyakoy ang mga paa sa tubig at pinanunuod ang iba na nagpapraktis na ng talent nila. "Hindi naman ako tatawagin."
Binigyan kami ng sampung minuto para i-practice ang mga talent namin. Kaya rin siguro itong si Manuel ay wala sa tabi ng partner niya. Ganoon rin naman ako. Hindi ko alam kung nasaan ang partner ko. Huli ko siyang nakita noong sinabi ng facilitator na magpraktis na kami. Bigla na lang siyang naglaho.
Natawa si Manuel. "Tatawagin ka," sabi nito sa akin na parang siguradong-sigurado. "Kaya kakanta ka, brad."
Napailing ako sa kanya nang tingnan ko ito. "Ayoko, 'no." Tumawa sa akin si Manuel. "Ikaw na lang."
"Sus! Narinig na kitang kumanta, brad. Sa classroom at sa bahay. Hindi dapat tinatago ang ganyang boses. Ipakita mo ang binigay ng Diyos sa iyo."
Binangga ko ang balikat niya. "Dinamay mo pa ang Diyos, Manuel." Inis ko siyang tinawanan. "Sa dami natin dito, imposibleng matawag ako. Saka, ayoko nga," dagdag ko pa. "Gusto mo, ikaw na lang ang kumanta sa harap ng mga 'to? Sabihin mo lang at sasabihin ko ro'n sa facilitator na tawagin ka." Nginuso ko ang facilitator na palapit na sa harap ng pool kung nasaan ang malaking projector screen.
May dala itong yellow paper at tinitingnan 'yon. Saktong tapos na rin nga pala ang sampung minuto. Magsisimula na ang palabas.
Nangunot ang noo ko nang mapansing nagpipigil ng tawa si Manuel.
"Aba, talagang gusto mo atang i-request ko ro'n sa facilitator na tawagin ka sa unahan, ha?"
Tumawa ulit sa akin si Manuel bago tumayo na kasabay ng pagsasalita sa mic ng facilitator. "Patawarin mo ako, brad." Nangunot ako sa sinabi niya. "Gusto ko lang ipakita sa lahat kung gaano kagaling ang best friend ko." Pagkasabi niya no'n, mabilis siyang umalis. Hinabol ko siya ng tingin na tumabi na sa roommate niyang si Roman.
"Are you guys ready to share your God-given talents tonight?" anunsyo ng facilitator na parang isang host sa isang event.
Nakuha no'n ang atensyon ng lahat. Natigil 'yong mga naghahaturan sa tubig at 'yong mga nagpapraktis ng talent nila. Ako naman, isinantabi ang pagtingin kina Manuel at hinanap si Beau. Nasaan na kaya ang lalakeng 'yon?
"Okay, let's start!" Naghiyawan ang lahat. "May list ako rito ng mga nagrequest na tawagin ko para ipakita at ibahagi ang mga talento nila. Mamaya na tayo bubunot. Ito muna."
List?
Napuno ng kaba ang lahat.
Sa pagsuyod ko ng tingin sa mga estudyanteng nasa pool area, natanaw ko ang naglalakad na si Beau sa hindi kalayuan. Papunta na siya rito...at may dala siyang gitara. Hindi ko alam kung saan niya nadekwat 'yon.
BINABASA MO ANG
Ren Beau (Boys' Love)
Lãng mạnA boys' love story about a college freshie, Warren Pineda, and his senior roomie, Beau Simmons.