REN
Last night was fun.
I was able to mingle with other seniors from my program. Nag-inuman sila kagabi. Yep, sila lang. Hindi kami kasaling mga freshman. Manuel was so disappointed. Ako rin naman, eh. Niyaya pa naman niya akong uminom. Ang ending, juice at pulutan lang pala 'yong babanatan namin. Hindi rin nakatakas kahit isang tagay dahil may facilitator na nagbabantay sa amin.
So, ayun.
Aside from mingling with other seniors, si Max ang pinakanakausap ko kagabi. He was the exact opposite of Beau. Kung kausapin kasi niya ako ay parang hindi ako freshman. Parang nakikipagkwentuhan lang siya sa kaedad niya. It made me feel confident. Lalo pa't unlike Beau, hindi niya pinaparamdam sa akin na I was too young. He was so like Flint.
Speaking of him, I had a short time talking to him bago naglights out. We talked about Kuya Bonnie, and also...Beau. He shared how understanding and accepting Beau was when he came out to him. Sabi niya sa akin, tama raw ang desisyon niyang umamin sa best friend niya. And that made me think a lot last night.
Should I tell Manuel the truth about mine?
I've been best friends with Manuel for almost all my life. Kagaya ng sabi ko, mabuti siyang kaibigan at kahit kailan, hindi ako nakarinig sa kanya na husgahan ang isang tao base sa sekswalidad nito. I never heard him joke about gay people. Although I wasn't sure what his reaction would be if he found out that his best friend was gay. Kasi sa totoo lang...may kaunting pangamba sa akin.
Paano kung magbago ang tingin niya sa akin bilang matalik kong kaibigan?
Hindi naman siya gano'n, eh.
Pero paulit-ulit kong kinukumpara ang pagkakaibigan namin kina Flint at Beau na kung matimbang ang pagkakaibigan namin kagaya nila, maiintindihan niya ako. Tatanggapin niya ako.
"What's up with you, kid?"
Nag-angat ako ng tingin nang marinig si Beau. Kalalabas lang niya ng banyo at nakatapis lang ng puting tuwalya. Nakaupo naman ako sa kama ko, nakabihis na, at nakatulala sa harap ng kama niya.
"Wala."
I wanted to answer him based on what I really feel, kaya lang, alam ko namang hindi siya ang tamang tao para paglabasan ko ng nararamdaman ko.
"Did you enjoy your little party with the seniors last night?" Nangunot nang kaunti ang noo ko nang tanungin 'yon ni Beau. Nakangisi na siya ngayon habang nagbibihis. "Or should I ask, nag-enjoy ka ba kasama ang doggo na 'yon?"
Natawa siya sa huling linyang binitawan niya.
"Doggo?"
Napailing siya't tila nadismaya nang hindi ko ma-gets ang tinutukoy niya.
"You're so slow. I'm talking about your crush. That Max guy. Pang-aso kasi ang pangalan."
Natawa na naman siya.
Lalong nangunot ang noo ko. "Walang nakakatawa, Beau." Tumahimik siya bigla at sinimangutan ako. Tapos na siyang magbihis ng pang-ibaba. "Saka, hindi kami nagparty kagabi. Hindi kami uminom ni Manuel. Ang mga senior lang," dismayadong dagdag ko. "Pero okay na rin. Masaya naman. Masaya silang kakwentuhan."
Nakangising umiling sa akin si Beau.
"Ano na naman?"
"So, nag-enjoy ka nga kagabi?" tanong niya. "Na kakwentuhan 'yong Max na 'yon?"
Nangunot ulit ang noo ko at inis siyang sinagot. "Nag-enjoy akong kakwentuhan silang lahat."
"Kunwari ka pa..." bulong niya.
BINABASA MO ANG
Ren Beau (Boys' Love)
RomanceA boys' love story about a college freshie, Warren Pineda, and his senior roomie, Beau Simmons.