14~
"Emotions"
Sachi's POV
Di ko alam kung gaano na ako katagal dito, naghalo na yung pawis at luha ko... sobrang init tapos ang dilim, takot pa naman ako pag mag-isa tapos gutom na din, di pa ko nagla-lunch eh... ramdam ko na pati yung pagod nitong mga nakaraang araw. Pinipilit kong tumayo para buksan yung pinto pero parang naubusan na ko ng lakas, ni sumigaw di ko magawa kasi nahihirapan akong huminga... konting hangin lang pumapasok dito sa loob. Sana may makapansin sa office na wala ako... sana naman hinahanap na nila ako, anytime kasi baka mahimatay na lang ako dito.
Clyde's POV
Aki called me kanina, nawawala daw si Domingo... agad naman akong bumalik sa school para tumulong maghanap. Bumalik ako sa lugar kung saan kami nag-usap kanina at nagtanong dun sa mga bakla.
"Nakita po namin nagpaganun sya there sa likod ng building, fafa Doms" pagkasabi nila nun tumakbo ako agad dun. Walang katao-tao sa paligid, tapos naka-lock naman yung storage room dun... then where the hell did she go then?
Later on nakarinig ako ng mahinang boses, lumapit ako sa pinto then may naririnig akong umiiyak... kinabahan ako bigla.
"May tao ba dito? Domingo? Is that you?" kinakalampag ko na yung door.
"C-clyde? t-tulong" mahinang sagot nya pero sapat na para marinig ko.
"Nasa pintuan ka ba? umalis ka muna at bubuksan ko." utos ko sa kanya sabay sipa ng malakas sa pinto. Sinisipa ko din sa may padlock para makalas but damn! ayaw! Natataranta na ko kasi I was talking to her pero ayaw sumagot. TSK! Damn it!
"Sana okay ka lang please." Tumawag na ko ng may hawak ng spare key sakto namang dumating yung isang ka-org nya.
Nung mabuksan yung pinto, nakita namin si Domingo na nasa tabi walang malay. Pupuntahan ko na sana pero naitulak ako nung lalaking kasamahan nya kaya sya na lang ang nagbuhat kay Domingo. Nakaramdam ako ng konting selos? Ewan ko di ko alam tawag dun pero nung iba ang sumaklolo sa kanya instead of me para akong nainggit na ewan, I can't explain the feeling but somehow I feel relieved kasi nahanap na sya.
"Ambulance? Nasan na?" sabi nung lalaki.
"Tara na sa kotse ko, ako na magdadala sa kanya sa hospital." nagpresenta na ako para may maitulong naman ako kahit papaano.
Pagdating namin sa ER, chineck na kung ano lagay nya. Over fatigue daw kaya nawalan ng malay... kung tumagal pa daw sya sa loob baka na-suffocate na sya dun, buti na lang talaga on time lang yung dating ko nun.
"Makakaalis ka na, salamat." sabi nung ka-org ni Domingo... sakto naman dumating yung iba pa, siguro nga di na 'ko kailangan dito kaya bumalik na 'ko sa school.
Leo's POV
Bakit kaya nandun si Doms sa bodega nung time na yun? May kinalaman kaya sya dito? Lagot talaga sya sa'kin pag nalaman kong sya may pakana nito.
Maya-maya pa'y nagkamalay na si boss at unti-unti syang dumilat.
"Chiiii... ok ka na ba? ha? ano? anong masakit?" tanong ni Irish na natataranta.
"Thank God you're okay... buti gumising ka na" sabi naman ni Shun sabay yakap nila kay boss.
"S-si... Clyde" mahinang sabi ni Chi.
"Wag mo sabihing kinulong ka nya sa bodega?" tanong ko.
"H-hindi... wala syang... kasalanan dito, ikaw ba nagligtas sa'kin Leo?"
"Oo Chi, dinala ka din nila dito sa hospital" -Irish.
"S-salamat ha? hinanap nyo ako" sabi nya at di ko na napigilan sarili ko at niyakap ko sya ng mahigpit.
"Sobra mo 'ko pinag-alala boss, di ko alam gagawin ko pag may nangyari pa sa'yong masama." hinawakan nya pisngi ko and just gave me a weak smile.