16~
"Rivals"
Clydes’s POV
Tinulak ako nitong ka-org ni Domingo... pfft di ko alam pangalan eh. XD
“Hey, ano problema mo? Looking for a fight huh?” I told him sabay tulak din sa kanya.
“Ikaw? Ano ba problema mo? ...binabalaan kita ah tantanan mo na si Chi!” tapos kinuwelyuhan nya ko, like what the eff is wrong with this guy?
“I don’t get you, and why would I listen to you? Sino ka ba? Ano mo ba sya ha?” konti na lang and I’ll loose my temper.
Jin’s POV
“Yo!” tinabig ko kamay ni Leo na nasa kwelyo ni Doms..
“Stop it.” kararating lang kasi naming tatlo at naabutan naman naming nagtutulakan tong dalawa.
Kung late kami ng konti baka naulit na kay Leo yung nangyari dati, yung time na nagalit si Doms at kinawawa nya talaga yung umaway sa kanya... pilit nya pa nilulublob sa may toilet bowl yung ulo nun tsk tsk.
“Wag ka makialam, ikaw isa ka rin... kayong apat tantanan nyo na si Chi, simula ngayon di nyo na sya mapagti-tripan, I’ll protect her kahit ano pa gawin nyo sa’kin.”
“Teka nga! ano ba sinasabi mo?” –Santi.
“Seriously dude, ano ba kinagagalit mo jan? What exactly did we do to her?” –Gab.
“Yung storage room incident, si Doms may pakana nun di ba... tapos di pa kayo nakuntento? nag-prank na naman kayo! basang-basa sya kaninang umaga! nakakatuwa ba yun? ha?” –Leo.
“Wag kang nambibintang jan... I didn’t do anything to her!” depensa ni Doms.
“Yeah right... wala kaming kinalaman sa mga pinagsasabi mo ah, makapagbintang naman to!” –ako.
“Yung ginamit na timba na bumuhos sa kanya nandun yung famous signature line nyo sa tuwing magpa-prank kayo ng tao! Sige sabihin na nating siguro nga hindi kayo may gawa nun, pero naisip nyo ba? dahil sa kakalapit nyo sa kanya... dumadami mga kaaway nya. Di nyo alam, yung fandom mo Doms lagi na lang syang pinag-iinitan!”
A moment of silence, ni walang nakasagot saming apat. Nakapikit na naman si Doms, nag-iisip.
“I saw her kaninang umaga, she’s texting someone and she even told me na makikipag-meet sya dun sa ka-text nya na yun... so it’s not me, at wag mo idamay mga kaibigan ko dito dahil wala silang alam sa nangyari. If you want hahanapin ko yung sira ulong nag-text kay Domingo at ihaharap ko sa inyo nang matahimik ka na.”
“Wala na akong paki kung kayo yun or hindi... ang akin lang wag nyo na sya lalapitan... dahil puro gulo lang dala nyo.” –sabi ni Leo. I don’t like this dude, pshh masyadong mayabang -_- sarap upakan eh.
Nung magwa-walkout na sya... biglang nagsalita si Doms.
“Don’t you think it’s unfair na pagbawalan mo ‘ko? di lang naman ikaw ang may feelings para sa kanya ah... and besides I can also protect her, I WILL protect her.” sabi ni Doms with his pamatay na serious look... ito namang si Leo nag-smirk lang, pucha ang angas talaga, lakas ng loob! Kung di lang to friend ni Shun baka hinamon ko na ng away eh.... badtrip!
“Then, wag kang puro salita, DO IT” tapos umalis na sya, naiwan naman kami dun na amazed kay Doms... haha! Si koyaaa! finally umamin na po!
“Woah! Doms aamin ka din pala eh hahaha wag ka papatalo dun sa ungas na karibal mo ah!” sabi agad ni Santi.
“Hah! Kailan ba kasi ako natalo Santi?” haha nga naman!
“...and besides I can protect her, I WILL protect her with all of my heart and soul.... pfft!” pang-aasar ni Gab nung inulit nya yung sinabi ni Doms... haha g*go talaga.
“Damn you JOSH M. GABRIEL! Dagdagan ba naman yung sinabi ko? Haha bwisit ka get the hell out of here noooow!” hahaha dami naming tawa! First time in history nag-blush ang isang Clyde Dominguez... pulang-pula mukha nya pati tenga eh.
“Hahaha! Pero dude! Ang cool nung sinabi mo na yun... knight in shining armor ang dating.” XD –sabi ko sabay akbay sa kanya, nagtawanan lang kaming pumasok sa Clubhouse.... ako kaya? Kailan ko rin kaya masasabi kay Shun yung nararamdaman ko? haha bahala na nga!