Chapter 24: Weird Thoughts

7 0 0
                                    

24~

"Weird Thoughts"


Sachi's POV

"What's up Chi? haha" tinaasan ko ng kilay tong babaitang to.

"Shun? Seriously? Nagawa mo akong iwan talaga dun sa condo ni *toot* kagabi?"

"Haha sorry na oh, ibaba mo na yan haha ang taas na ng kilay mo eh di ko na ma-reach."

"Lokaret ka... ano oras ba kayo umalis nun?"

"Hmm mga 9 na, sorry na be haha hinatid ka naman at iniuwi ng maayos ni King Doms di ba? yiee anong feeling? kilig ba?" hampas pa more Shun hay nakooo.

"Para sabihin ko sa'yo nakakabwisit po, tapos pati si Mama tuloy akala nya bf ko yung mokong na yun." -_-

"Haha! Yiee oh tapos? Bakit naman irita ka na naman sa kanya? Anyare ba?"

"Anak ng fita beeeeh! Nakita nya lang naman akong natutulog ng may laway sa mukha! di ba nakakahiya yun? waah kainis talagaaaa"

"Ahaha! I feel you Chi... syempre gusto nga naman natin maging maganda palagi sa paningin ng mga lalabs natin."

"Gaga di ganuuuun... di mo naman ako maintindihan eh, what if pinicturan nya ako tapos ikalat nya yun sa school?" oh nooo masisira na image ko, tsk huhu... " bakit kasi nauna ka umuwi eh" reklamo ko.

"Di yan promise haha but what if ganito yung nangyari? ...nung makita nya yung laway mo eh pinunasan nya yun gamit ang lips nya? emegeeeehd Chiiiiii!!! hahaha kilig!"

"Yuuuck!! ano ba yan Shun kadiri naman yung sinasabi mo! No way" tapos napatigil ako at hinawakan yung lips ko at may mga malalabong eksenang nag-flash na lang sa isip ko.

"Ahaha anong kadiri ka jan? sweet kaya pag ganun."

"But wait bakit parang may SPG scene sa utak ko... di ko alam kung panaginip eh pero parang may naalala akong hinalikan nga ako ni Clyde! Oh my God this can't be... nightmare nga!"

"Waaaah? Reallyyyy? haha! Ang landi ng panaginip mo Chi ah!"

"Haha litsi! Ewan ko ba ang weird ng isip ko... trinatraydor na ako ng utak ko tsk tsk..." sabay pukpok ko ng mahina sa ulo ko.

"Luuh ang harooot...." -Shun.

Tawa lang kami ng tawa pfft umiling na lang ako, ayun sinamahan ko pala sya mag-grocery para mamaya sa bisperas ng pasko. Busy kasi ang bae nya haha!

Namili na rin ako ng gift para sa lahat........ napaisip na naman ako kung ano kaya ibibigay ko kay *toot*

Ugh bahala na nga, dapat di na pinag-iisipan eh... sige pareho na lang nung kila Aki at sa iba pa para di nya isipin na special yung gift ko sa kanya.

After namin makabili dumaan na kami sa meeting place ng org namin para ibigay mga gift nila, may konting kainan na din...

"Nag-abala ka pa boss, kahit wala naman gift eh.... ikaw lang sapat na haha" -Leo.

"Ahaha ikaw Leo, akala ko jinojoke mo lang ako all the time yun pala type mo pala talaga ako." at nagtawanan kaming lahat... walang awkwardness sa'min ni Leo, haha normal lang.

Pagkatapos sinamahan ko na din si Shun i-surprise yung bf nya... sumama na ako para ibigay na rin tong gift ko sa kanya.

"Jin-baaaeee! Merry Christmas! I love youuu!"

"Bae nandito ka pala... aww I love you more, what's that? My gift?"

"Hai! (Yes!) isuot mo 'to mamaya ha?" tapos nilagay ni Shun yung scarf sa leeg ni Jin tsaka nya hinila para i-kiss... haha litsi tong magjowa na to! Aww pero ang sweet nung i-surprise din sya ni Aki ng malaking bear na naka-Santa suit with matching bouquet pa.

"Ehemm... excuse me, nga pala nandito pala ako oh." sabay tawa nung dalawa.

"Hahaha sorry Chi nakalimutan ko nandyan ka pala." -Shun.

"Litsiii haha oh Jin gift ko din... tama na PDA ha? Sige na may forever na po." nagpaalam na ko kasi pupuntahan ko pa sila Carl, Josh at Clyde eh.

Pagpunta ko sa condo ni *toot* wala sya dun... nakausap ko naman si Auntie Jean, sabi nya pinauwi nya daw muna si Clyde para dun sya mag-celebrate kasama ng dad nya.

"Ganun po ba? Mas okay nga po yun para maging okay na sila... Kayo po? Parang mag-isa nyo lang po dito."

Ngumiti na naman sya sa'kin but this time parang may halong lungkot yung mukha nya. "Wala nga eh, wala na akong pamilya... Merry Christmas na lang sa family mo at sa'yo Sachi..." sabi nya habang yakap nya ako, ramdam ko yung yakap ng isang nangungulilang ina... aww naawa ako kaya binigay ko na lang yung regalo na para sana kay Clyde.

"Merry Christmas din po... Sorry to ask po pero san po ba asawa nyo? wala po kayong mga anak?"

"Yun nga ang wish ko eh na sana kasama ko sa araw ng pasko yung kaisa-isang anak ko pero imposible na." Mas nalungkot pa sya....

"Di na po ako magtatanong, wag na po kayo malungkot pero sana nga po matupad yun... Godbless po."

"Thank you ha? napakabuti mong bata... sige na sasabihin ko na lang kay Clyde na napadaan ka dito... ingat ka sa pag-uwi mo."

Habang naglalakad ako, tinawagan ko si *toot* at kinuwento ko yung kay Auntie Jean... total parang nanay na turing nya dito siguro mas mabuti kung sasamahan nya ngayon kahit saglit lang. Ang weird man isipin pero naaawa din ako kay Clyde... baka naghahanap din ng nanay yun ngayon, eh kung i-suggest ko kayang ampunin na lang ni Aunti Jean si *toot*? oh diba? para happy lahat! pfft haha baliw na naman ako kung anu-ano pumapasok sa isip ko.

He's a Hundred Percent AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon