Chapter 20: Issues

5 0 0
                                    

20~

"Issues"

Sachi's POV

After that incident, pinagpyestahan ako sa social media... sirang-sira reputation ko. Hindi lang ako pati ang buong org pero as a president nila I took the full responsibility sa nangyari.

Sabi pa nga ng bashers ko sa facebook na ang laki ko daw failure... at sobra akong affected sa mga lumalabas na issues, sinira ko din daw yung event sa school.

Sorry naman di ko naman alam na may mangyayaring ganun, di ko naman ginusto yun.

Nagising na lang ako nun tapos may mga police, at may ambulance pa... nakakakonsensya, may mga nasaktan daw, nalaman ko ding nasugatan at napilayan sa braso si Clyde na dinala sa hospital.

Niligtas nya pala ako nun kaya instead na ako lang yung natabunan ng scaffoldings, ang nangyari sinalo nya lahat kaya sya ang napuruhan.

Kwento pa sa'kin nila Leo na muntik na masunog yung buong Christmas tree kasi tinamaan ng mga bakal yung malaking bonfire kaya kumalat yung apoy.

Grabeng disaster yun, kahit na di naman ako sinisisi ng school syempre nahihiya ako kasi naging part ako nung pagdesign dun. Haaaist!

Clyde's POV

Nung marinig ko yung mga gumugulong na scaffoldings, tumakbo agad ako papunta kay Domingo at niyakap ko sya para di sya tamaan. Thankful naman ako kasi wala syang galos... nahimatay lang.

Tulong-tulong sila Aki nun na alisin yung mga bakal para i-rescue kami. Ang gulo-gulo na nung time na yun kasi nagpapanic na mga tao dahil sa kumalat na apoy.

"Bro! yung kamay mo may sugat!" sabi ni Gab habang nilalapatan ako ng first aid, si Santi naman nagpa-panic din habang sumisigaw ng tulong.

"Si Sachi... sya unahin nyo, nawalan syang malay." di ko na pinansin yung masakit sa'kin basta ang importante si Domingo, binuhat sya nung Leo at inasikaso naman sya nila Shun at Irish.

"Damn it dude! tara na sa hospital... na-fracture braso mo oh!" habang inaalalayan ako ni Aki papunta sa kotse nya... ang sakit kasi ng buong katawan ko parang nabugbog.

"Nakuha ko siguro 'to nung bumagsak kami sa floor...but I'm okay." Tsk medyo sumasakit na nga pero tiis lang.

Nung malagyan ng brace yung braso ko nagpumilit ako kaya bumalik kami sa school para makibalita kung ano nangyari. Tumawag din si Aki sa girlfriend nya kung kumusta na sila, sabi nya sa'kin okay naman na daw si Sachi at naihatid na ni Leo pauwi.

Kinasuhan ng school yung mga nasa Special Services Department ng HFU na responsible para sa stability nung mga ginamit nila Domingo sa pagco-construct nung giant tree, Special Services Dept. din kasi yung nag-welding nun pero depensa nila nilagay nila yung mga bakal sa tabi kung saan safe and they even made sure na secured mga yun.

Nagsisinungaling sila sa statement nila maliban na lang kung totoo na inayos naman nila trabaho nila pero may nakialam.

"Tingin ko sinadya 'to... parang ang perfect nung plan eh pati pagkakabagsak nung mga bakal timing eh, what do you think guys?" –Gab.

"Para ngang si Chi talaga tinarget nila eh... kung di man sya mapuruhan masisira naman name nya sa lahat."-Santi.

"Dude" tawag sa'kin ni Aki at pinakita nya sa'kin yung napulot nyang ID. Nakita nya daw dun malapit sa Special Services Dept.

"Stop me or I might kill that sh't"

Kinabukasan pinahanap ko yung may-ari nung ID at pinaamin namin kung may kinalaman sya dun. Umamin naman ang g*go kaya tinorture naming apat.

"Sinong mga b*%!$h*t kasama mo?! ha! Ang laki naman ng galit nyo kay Sachi? Bakit? What the hell did she do to you?" di ko na napigilan kaya nakatikim talaga sa'kin yung lalaki.

Sinabi nya naman mga kasama nya kaya pina-hunting ko sila kila Aki. Napag-utusan lang daw sila, at ang mastermind ng lahat ng 'to ay yung mga babae sa fandom ko. Sobrang disappointed ko, after all dahil na naman pala sa'kin. TSK! Kasalanan ko 'to eh pero di ko mapapalagpas 'to... nilabas ko init ng ulo ko sa kanila at pinagbantaan na pag naulit pa nilang guluhin si Domingo talagang lagot sila sa'kin. Pina-expel ko sila agad-agad at ginamit ko connections ko para siguraduhing wala nang school na tatanggap sa kanila.

He's a Hundred Percent AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon