Chapter 15: Mad

5 0 0
                                    

15~

"Mad"

Sachi's POV

Weekend ngayon, pinagpahinga muna ako ni Dean... pati mga ka-org ko ayaw muna nila ako bigyan ng work, as in total rest daw ako ngayon. Di bale konting design lang naman na gagawin nila ngayon, bukas na yung finishing touch.

"Anak may bisita ka" sabi ni Ma nung kumatok sya sa kwarto ko. Nagulat ako nung pinapasok na sya.... guess who, si *toot* lang naman, my least expected visitor.

"A-anong ginagawa mo dito... at paano mo nahanap bahay namin?" nagtataka ko anong nakain nitong lalaking 'to?

"I asked your info sa school, then swerte mo I decided na puntahan ka... aren't you glad dinalaw kita?" talagang may halong asar pa eh.. pfft mukha bang masaya kong nandito ka?

"Oh thank you naman daw ah... nag-abala ka pa, okay na ako, sige na uwi ka na, mas magkakasakit ako pag nandito ka eh." haha ang bad ko.

"Seems like okay ka na nga, sige I'll go ahead... see you tomorrow" tapos nilagay nya na yung fruits sa table ko at ginulo pa buhok ko. Nakaalis na sya pero di man lang ako nakapag-thank you, aww ramdam kong concern talaga sya eh at kanina nakita ko yung worried face nya...

Pero kainis naman, bakit parang namumula ako pag inaalala ko yung mukha nya kanina? Ugh...

Monday morning....

O'right! I'm off to school, wala na din problema sa christmas decoration... checheck ko na lang para okay na.

*1 message received*

from: +63917*******

Ms. Domingo, meet me at Rm. 702... please.

Okay? at sino naman ito? first.. wala akong matandaan na may appointment ako sa isang tao, 2nd di ko sya kilala... unregistered number oh, pupuntahan ko ba?

1 hour pa naman bago first class ko so nag-decide akong puntahan na kung sino man 'to... harmless naman siguro sya and besides nasa loob naman kami ng school, di naman siguro 'to kidnapper o rapist o ano?

"Domingo!" ay anak ng! Sya na naman! enebe? Hobby nya ba talaga manggulat?

"ANO NA NAMAN?! tch sulpot ka ng sulpot sa harapan ko alam mo yun?" habang hawak ko chest ko at shocked pa rin.

"Eh?? kanina pa kaya ko nandito, I was talking to you but then preoccupied ka that's why I tried to call your attention...sorry I didn't mean to scare you" Nawala yung smile nya at parang slight syang sumimangot... nakonsensya naman ako dun kasi nataasan ko sya ng boses. Bago to ah, ibang expression na naman nya nakita ko. XD

"Sorry Clyde, nabigla lang kasi ako... uhmm so ano nga pala ulit kailangan mo?"

"Ah nevermind... san ba punta mo?"

"Uhmm may nag-text kasi, makikipag-meet lang ako"

"Sino?" oh eh bakit inaalam nya pa?

"Wala ka na dun noh, privacy ko 'to" tapos biglang kumunot noo nya na di ko alam kung nagalit ba? Pfft ano bang paki nya kung sino ka-meet ko? haha

"...admirer ko 'to, baka magtatapat na sa'kin okay? so bye bye" -ako.

Pagkadating ko sa Rm. 702 ang ganda ng bungad sa'kin. Peste! May nalaglag na isang balde ng tubig nung binukas ko yung pinto. And guess what, walang tao... so prank 'to? nabasa ko yung nakasulat sa balde na 'Have a good day :P ~from 4 Kings'

Basang-basa akong naglakad sa hallway at naging laughing stock na naman ako ng lahat. Sobrang upset ko ngayon, ano na naman bang nagawa ko at ako ang pinag-tripan nila? At ang mas nakakalungkot isipin, akala ko okay na kami ng 4 Kings? Akala ko naman friends na kami... dahil ba inaaway ko si Clyde? Alam kong minsan nasusungitan ko sya pero kahit ganun at least friend na turing ko sa kanya kasi medyo close naman na kami.

"Chi ano nangyari sa'yo? umulan ba? san yung payong mo?" tanong nila Irish sakin nung makarating ako sa office. Napabuntong hininga na lang ako at kinuwento sa kanila.

"Tsk! Sumosobra na talaga sila... obvious naman na bullying ginagawa nila bakit kasi tinotolerate to ng school? Lagot sa'kin yang Doms na yan!" -galit na sabi ni Leo sabay labas ng office.

"Gan'to talaga sila magkatuwaan eh pero di ko lubos maisip na gagawin nila sa'yo to Chi, I thought we're all friends now?" sabi ni Shun na medyo upset din.

"Akala ko din eh, well baka nga mali tayo ng pagkakakilala sa kanila." -Ako.

"Palit ka na muna Chi, magkakasakit ka nyan eh... Shun baka may extra clothes ka jan?" -Irish.

"Wait, yung PE uniform ko... kunin ko lang sa locker." -Shun.

He's a Hundred Percent AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon