Chapter 21: His Place

5 0 0
                                    

21~

"His Place"

Sachi's POV

"I think you should thank him personally... here" sabay bigay ni Aki nung address ni Clyde.

"Ja'ne (see you later)... may date pa kami ni Shun eh" haha edi wow ang saya nya ah, sige na nga boto na 'ko sa kanya... napapasaya at iniingitan nya naman bestfriend ko eh.

Pagkadating ko dun sa building nagdalawang isip pa 'ko kung bibisitahin ko talaga sya pero oo na lang, ang dami na nyang ginawa para sa'kin eh ano lang ba naman yung simpleng visit para mag-thank you di ba?

"Hi good afternoon, how may I help you ma'am?" sabi nung receptionist.

"Excuse me, pwede kay Clyde Dominguez? uhmm pakisabi friend nya, si Sachi"

"Wait lang po ma'am itatawag ko sa kanya.... hello sir, may naghahanap po sa inyo dito sa lobby si Ms. Sachi daw po... ah okay po sige po sir" binaba na nya yung telephone "Ma'am akyat na lang daw po kayo sa taas... room 829"

"Salamat Ms." I thanked her with a smile para mawala yung kaba ko.

Nung makaakyat ako di pa ako nagdo-doorbell eh bumukas na yung pinto at may palabas na babae, mga nasa 40s na siguro... ang ganda naman nya.

"A-ah good afternoon po, kayo po ang mommy ni Clyde?" tanong ko sa kanya pero nginitian nya lang ako.

"Pasok ka ...thank you sa pagdalaw sa kanya ha?" tapos hinawakan nya kamay ko, napakasoft-spoken nya magsalita tapos lumabas na sya ng unit. Gumala yung mata ko sa loob... wow ganda ng interior! Taray may sariling condo unit, sabi ni Aki kay Clyde daw 'to eh. Nakita ko sya busy nanonood ng TV dun sa sofa.

"San pupunta mama mo Clyde? Uhmm kumain ka na ba?" kinapalan ko na mukha kong mag-initiate ng conversation psh di namamansin eh.

"Sshh..." sabi lang nya sabay tingin sa'kin.... aba sorry naman kung naiingayan sya... psh ako na nga tong nagmagandang loob na bumisita eh. Lumapit ako para tignan pinagkakaabalahan nya.... may cute na puppy pala dun sa lap nya natutulog.

"Aww ang cuuuute!" sabi ko na parang tumitili. Wala sa itsura ni Clyde ang mahilig sa aso eh pero ang cute nilang dalawa tignan haha!

Biglang umangat ulo nung aso at ang sama ng tingin sa'kin. Tinahulan nya ako ng tinahulan halaaaa sorry naman naistorbo tulog nya.

"Psst no baby, bad yun... bisita sya ni daddy, haha sorry medyo selosa kasi eh ayaw nyang may ibang babae dito bukod sa kanya at kay Auntie Jean." sabi nya nung sinaway nya yung aso.

"Edi wow... ay so sya si Auntie Jean? akala ko mother mo."

"No... actually she's my concerned neighbor, kanya yung unit jan sa harap nito.... lagi nga syang nandito eh inaasikaso ako kaya parang Mommy na rin turing ko sa kanya."

"Ah wow naman, eh saan kasi parents mo?" FC na ako sorry na chismosa lang haha.

"Wala na yung mom ko, di ko alam kung saan... baby pa lang ako iniwan na daw kami eh. Si dad naman busy sa work palagi... dun sya umuuwi sa bahay, we're not in good terms kaya eto hiwalay kami ng tinutuluyan." aww nung marinig ko yung story nya naawa ako, akala mo ang perfect ng buhay nya pero gan'to pala.

"Aww sorry to hear that..." nakakalungkot naman yung mag-isa lang sya, parang nakaka-guilty tuloy na lagi ko syang inaaway.

"Haha enough for this drama... tara kain? di pa ako nag-lunch eh" -Clyde.

"Grrr! arf! arf!" hala ang tapang ayaw ako tantanan nung aso huhu di ko naman inaagaw amo nya eh.

"Haha... pakilala ka kasi, di ka pa kilala eh." sabay pat nya sa ulo nung tuta... binuhat nya tapos kinausap nya...

"baby Chi, meet Sachi... yung kapangalan mo hahaha"

"pfft leche ka talaga Doms... ipangalan ba sa'kin yung aso?"

"huh swerte mo naman kung kinuha ko pangalan nya sa'yo hahaha" tapos habang kumakain kami pinaalala nya yung sinabi nya dati:

He's a Hundred Percent AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon