Chapter 25: Christmas - Revelations

11 1 0
                                    

25~

"Christmas - Revelations"


Clyde's POV

"Oh Clyde anong ginagawa mo dito? Akala ko umuwi ka na sa inyo?" Auntie Jean asked me nung kumatok ako sa unit nya.

"Merry Christmas! Surprise! Haha aren't you glad I'm here? Let's celebrate together Auntie." sabay abot ko nung gift ko, madaming food na pagsasaluhan namin. I hugged her tight and she did the same.

"Ikaw talagang bata ka, pa'no na lang yung daddy mo?" she said with a worried face.

"Ayun, wala sya sa bahay... nag-out of town daw, baka bukas pa ang balik.... and one more thing, Sachi told me na wala ka daw kasama dito that's why I'm here. You know I can't stand it when you're all alone here lalo na't special 'tong araw na to."

"Thank you Clyde, di nyo lang alam how much you made me happy... you're the best Christmas gift, thanks for coming." then she smiled wholeheartedly while wiping her tears.

"Aww don't cry po please haha kain na lang tayo."

"Haha sorry emotional lang, sige buti pa nga." tapos niyakap nya ulit ako... buti pa sya ramdam kong mahal ako, si dad kaya? Kailan kaya kami magkakasama ng ganito? Haaaist.

Sachi's POV

10 AM na ako nagising haha ano ba yan... alas singko na kasi kami natulog kanina. Wala eh! Enjoy ang Christmas pag nandito si papa eh... kakauwi nya lang kahapon galing abroad, di pa pinaalam kasi surprise daw... pfft!

Chineck ko phone ko at nireplyan isa-isa yung mga nag-greet sa'kin. Nung mabasa ko text ni *toot* na-relieve ako... akala ko kasi mag-isa na naman yun buti na lang kasama nya si Auntie Jean.

Pumunta kaming lahat sa church para magpasalamat at batiin na rin si Jesus sa birthday nya hihi...

Namasyal lang kami buong family, tapos bonding... foodtrip ganun.

"Papa alam mo bang may boyfriend na yang dalaga mo?" sabay tawa ni mama ng malakas, hala sabi kong hindi kami ni Clyde eh tsk tsk.

"Hmm iharap mo sa'kin yang lalaking yan Sachi ah" -papa.

"Eeeeh si mama naman gumagawa ng story eh, wag ka maniwala jan Pa! Di totoo yun" grabe kakahiya pag pinagtatawanan nila ako.

Gabi na nung makauwi kami, may nag-text ulit...

from: *toot*

I need you :(

~

Tinitigan ko lang phone ko ng mga 1 minute.... ano kayang trip nun? Bakit may sad face? Seryoso kaya sya? Ano kaya problema? Tinawagan ko pero ring lang naman ng ring, kainis.

"BF mo anak?" biglang sulpot ni papa kaya naman ako tong si gulat tss...

"Di po Pa, wala tinext kasi ako... baka nambubwisit lang to. Wala siguro magawa." naupo ako sa sofa at nag-movie marathon na lang kami... maya't-maya ko chine-check phone ko baka may emergency nga.

Di ako makapanood ng maayos kasi di din ako mapakali.

"Sige na anak, kung puntahan mo na kaya? Para mapanatag ka jan." sabi ni Mama, tumingin ako kay Papa at tumango sya.

"Ingat ka lang... pahatid ka na kay kuya mo." sabi naman ni papa tapos binigay nya na susi ng sasakyan.

"Sige po, check ko lang yun baka ano na nangyari dun eh...kargo de konsensya ko pa."

Pagdating ko sa condo pinauwi ko na si kuya at nang-iinis lang eh... kung anu-ano inaasar sa'kin, wag daw akong uuwi na buntis. Ang g*g* talaga nun. XD

Pag-akyat ko nakita ko nandun si Clyde sa harap ng unit nya nakaupo.

"Hoy, problema mo? Bakit nandyan ka? Di mo mabuksan pinto mo?" kinalabit ko sya kasi nakayuko sya sa tuhod nya.

"Tagal mo naman ...kanina pa kita hinihintay ah." eh? lasing sya? Kainis ang baho nung alak sa bibig nya, natutumba-tumba pa nung tumayo sya kaya naman inalalayan ko na. Tinawagan ko na si Auntie Jean gamit phone ni *toot* kasi di ko alam gagawin sa kanya. Nag-swipe si Clyde sa pintuan nya at dumiretso na sa loob... psh nadapa pa ang loko.

"Haaay buhay oh parang liiiifee!" sigaw nya sa loob.

"Ano ba yan Clyde umayos ka nga! Iinom ka di mo naman pala kaya... ang bigat mo maupo ka na pwede?" sabi ko nung inalalayan ko sya papunta sa sala.

"Halika baby, kawawa naman tayo pareho tayong abandoned... hahaha pero ikaw swerte mo kasi mahal kita... ako inampon lang pero ganun eh, kahit anong gawin ko wala akong kwenta sa paningin ni dad, wooh saklap!" sabi nya dun sa aso nya.

"Sabihin mo nga problema mo, bakit ka nagkakaganyan?" di ko kasi sya ma-gets? Ampon lang sya? Nung sinilip ko sya nakatulog na pala. Paglingon ko nandun na pala si Auntie Jean... di ko sya napansin dumating. Pero mas nagtaka pa ako nung makita ko sya tinatakpan nya yung bibig nya at umiiyak.

"B-bakit po?"

"Di ko alam na ganyan na pala kabigat yung nararamdaman nya." sabi ni Auntie at lumapit sya kay Clyde. Hinawak-hawakan nya mukha nito at niyakap... "Patawarin mo 'ko anak ko iniwan ka ni Mommy... I'm so sorry."

He's a Hundred Percent AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon