Chapter 22: Sweet Side

4 0 0
                                    

22~

"Sweet side"

Sachi's POV

"pfft leche ka talaga Doms... ipangalan ba sa'kin yung aso?"

"huh swerte mo naman kung kinuha ko pangalan nya sa'yo hahaha" tapos habang kumakain kami pinaalala nya yung sinabi nya dati:

F L A S H B A C K:

"...so P. Chi pala pangalan mo haha"

"Anong nakakatawa? Psh... bakit? Ano kailangan ng leader ng 4 K dito?"

"Haha wala lang kapangalan mo kasi yung aso ko.... bla bla bla..."

----end of flashback----

Ah oo nga haha di nya pa ako kilala nun, parang ang tagal na nun psh pero bakit naman sa dinami-dami eh kapangalan ko pa?

"Excuse me, P. Chi po yun... yang aso mo B. Chi so magkaiba yun, magkatunog lang." daming tawa ni mokong psh baliw eh.

"Haha bitchy? ang pangit pakinggan... parang bitch pero haha sabagay bitch nga naman kasi talaga sya 'coz she's a female dog." binigyan nya ng gatas yung aso tapos umupo na ulit sya para kumain.

"pfft arte mo...... di nman ganun spelling eh, B. for baby tapos yung name nya na Chi" explain ko sa kanya pero litsi tawa pa rin ng tawa...

"Ikaw payag ka ba tawagin kitang B. Chi pag naging tayo?" -_- psh bwiset kung wala lang yung aso dito sinapok ko na tong lalaking to eh.

"Wait matanong ko nga, sino yung kausap mo nun sa elevator?"

"Huh? Ah yun ba? Si Auntie Jean... bakit?"

"Ah 'kala ko gf mo... so wala ka talagang girlfriend ngayon?"

"Hahaha I knew it, nagselos ka nga."

"Bwiset ka pfft! di nga! Nagtatanong lang... so yung aso mo yung sinasabi mong baby that time?"

"Ahaha tama po Ms. Domingo, so kaya pala napagkamalan mong may gf ako... haha yung date ko sa ball? Si Lea Mae yun, and mali ka for thinking na gf ko ang younger sister ni Santi."

"Eh? Talaga? Kapatid ni Carl yun? Wow kaya pala ang ganda din nya eh. Haha okay!" pfft eh bat ang saya ko nung malaman ko yung totoo? Luuh?

"Bwahaha.... nag-conclude kasi agad eh, haha next time tanong-tanong din ano? pag may time."

"Psh OO NAAA... kumain ka na nga lang jan pwede?" tumigil na sya sa pagtawa pero di pa rin sya makakain ng maayos, may brace kasi yung right hand nya kaya left yung ginagamit nya pangkain.

"Ako na nga kawawa ka naman eh..." kinuha ko yung spoon nya at sinubuan sya kahit labag sa loob ko pffft ngiting-ngiti naman si loko.

"How sweet... haha thanks." ugh kaasar saksak ko 'to sa bibig nya eh.

"Yun oh! haha huli kayooo" nagulat pa ako nung biglang sumulpot si Carl... kasama nya pa yung iba pati si Shun kasama.

"HAHA! caught in the act dude" sabay pinapakita ni Jin yung phone nya na may picture namin ni Clyde.

"Sorry to disturb you guys haha sige lang tuloy nyo lang lovey dovey nyo jan, don't mind us here" asar pa ni Josh.

"hoooy nyemas mali kayo ng akala ah... I was just helping him kasi di sya makakain" todo deny ko sa sobrang pahiya.

"Hahaha... sweet nya guys di ba?" leche dagdagan mo pa Clyde, kinikilig-kilig naman si Shun at inaasar din ako huhu traydor kala ko kakampi ko eh.

"Dyan ka na nga, kumain ka mag-isa psh matalino ka naman kaya mo na diskartehan yang pagkain mo."

After makakain ni Clyde nagkwentuhan lang kaming lahat dun sa sala nya.

"So matagal na kayo magkakakilala?" tanong ko sa boys.

"Oo nga, kailan nag-start friendship nyong apat?" dagdag naman ni Shun.

"Since we were kids... magkakasama na kami." -Jin.

"Yeah... bata pa lang kasi involve na kami sa mga family businesses namin kaya pag may malalaking event gatherings madalas kaming apat yung magkakalaro." -Josh.

"Pero dati, mga family namin competitors nga ang turing sa isa't-isa eh..." -Carl.

"But now dahil nga friends naman mga anak nila, eventually naging mag-business partners na din sila." -Clyde.

"Ah... so that's the story behind your friendhip... kaya pala ang tatag nyo ah" -Shun.

"Maiba nga tayo, thank you pala ah... sa lahat-lahat, nakwento sa'kin nila Aki yung pinagtanggol mo ko sa mga bashers ko, tsaka sorry na din kasi dahil sa'kin nagka-fracture ka" sabi ko kay Clyde habang nakayuko... di ko sya matignan straight to the eye eh.

"Nangako kasi ako sa karibal ko na po-protektahan kita" huuhh? pinagsasabi nito? sinong karibal? pfft pero nasweetan ako sasinabi nya.... binulong naman sa'kin ni Shun na si Leo daw yung karibal na yun. Eh? di ngaaaa? seryoso? Akala ko trip lang ako nun eh.

Maya-maya lumapit kay Clyde yung aso at nagpapapansin haha ang cute nagpapabuhat eh, di pinapansin ng amo nya kaya kumuha ng bola at sabay tahol.

"Aww... Clyde oh, yung aso mo gusto makipaglaro" sabi ko... nakita ko yung most genuine smile ni Clyde nung binuhat nya yung aso at inamoy nya yung noo, bigla akong namula nung maalala ko yung kiss nya din sa'kin sa forehead ko litsi.

"Baby you play there first... may mga bisita kasi ako eh, lalaro tayo mamaya okay?" tapos pinagulong nya yung bola palayo para habulin nung tuta... sheeems mas lalo yata akong nacucutan kay Clyde? Bakit pa kasi nakita ko yung sweet side nya eh.

He's a Hundred Percent AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon