Chapter 9: Dean's Request

7 0 0
                                    

"Dean's request"

Sachi's POV

"P. Chi binigay na yata ng Accounting office yung fund nyo, punta ka na ngayon kay dean" sabi ng Department head namin.

*tok tok*
"Come in" sabi ni dean at pumasok na ako ng office nya.

"Good morning Sir, pinapatawag nyo daw..... -po ako?" Medyo natigilan pa ko kasi naman timing talagang nandun din si *tooot*

"Ah yes, have a seat first" pinaupo ako ni dean pero yung mata ko nakatingin pa rin kay Clyde na nandun at sitting pretty pfft... pero teka ano kaya ginagawa nya dito? Di kaya sinumbong na nya 'ko?
Ngumisi lang sya na para bang nababasa nya nasa isip ko.

"Now if you'll excuse me, Sir, I still have classes.." -Clyde

"Okay, I hope pumayag ka talaga sa sinabi ko... sige you may go" sabi ni dean, hmm naintriga naman ako kung ano kaya yung pinag-usapan nila.

"I might consider it pero yung sagot ko nakadepende kay Ms. UAPSA President" at pagkatapos nun lumabas na sya at ako naman naiwang puzzled dun... eh? Ano pinagsasabi nun?

"A-ano po kinalaman ko? Di ko po gets" tanong ko na takang-taka.

"Hmm... kasi Ms. Domingo meron akong proposal kay Mr. Dominguez ...gusto ko sana tanggapin na nya yung project na pinapa-handle sa'kin ni Sir Luis, will you help me to convince him?"

AN: Si Luis Ford lang naman ang Chairman/may-ari ng Hans-Ford U.

"S-sige po sir... ano ho bang pinapagawa nyo kay Clyde?"

"Ayaw nya kasing mag-model para sa advertisement ng school, malaking tulong sana kung mukha nya ang gagamitin para na rin madami tayong mahikayat na mag-enroll sa ating University" paliwanag ni dean and I was like eh di woah... sya na ang model.

"Sige po Sir"

"Thank you, aasahan ko yan... and ito na pala yung gagamitin nyong fund para sa Christmas decorations" after nun nagpaalam na 'ko.

Alas kwatro na at nandito kami ngayon ni Shun sa Royal Clubhouse, nagpasama akong hintayin si Clyde.

"Tapos na klase nun, I'm sure papunta na yun dito" sabi ni Santi na naglalaro sa computer nya.

Nag-nod lang ako habang nagmamasid sa paligid... ang bongga ng tambayan nila, nakita kong may swimming pool pa talaga sila. Eh di sila na ginastusan ng school.

Si Shun naman nandun sa mini library at kinakausap yung crush nyang si Jin. Haha kanina excited pa ang loka nagpaganda nung malaman nyang isasama ko sya dito eh.

Maya-maya dumating na si *tooot* sabay hagis nya ng bag nya sa sofa...
"Oh, kamusta Ms. President ng United Archite..." pinutol ko na sasabihin nya dahil nakakairita.

"Sachi Domingo pangalan ko, wag mo kong tawagin sa position ko" -_-

"Okay whatever, so ano nga sadya mo dito Domingo? Miss mo na 'ko? haha akala mo siguro sinumbong na kita kay dean nuh?" Kahit anong ayos ng pakikipag-usap ko di pa rin talaga maiwasan na mambwisit sya. Ugh!

"Bakit nga kasi ayaw mo mag-model para sa school... babayaran ka naman nila eh" tanong ko sa kanya.

"Mukha ba kong nangangailangan ng pera? Pfft basta, ayoko lang" psh grabe ang yabang nya pa rin sumagot.

"Eh kung sabihin kong ayoko na din tanggapin yung hamon mo sakin?"

"Akala ko ba matapang ka? Pfft takot ka naman pala sakin eh"

"Sige na kasi, di ka ba nahihiya VIP kayo ng school, ginagastusan tapos di mo man lang mapagbigyan simpleng request nila?"

"Wag mo ko lecture-ran" sabay walkout nya pfft na-offend? Sorry naman.

"Oh dude, san punta mo? Uuwi ka na agad?" sabi nung Gab na kararating lang.

"Sa studio....." -Clyde

"Huh?" Tanong nya ulit.

"Magpho-photoshoot" napangiti ako sa sagot nya ewan ko ba kung dahil sa napapayag ko sya haha eh di sinong boss ngayon?

"Wag mo kalimutan, bukas may shooting ka din para sa TV commercial" pahabol kong sigaw sa kanya bago pa sya makalabas ng pinto.

OK! Yay! Mission accomplished! ^_^

He's a Hundred Percent AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon