26~
"The Truth"
Sachi's POV
"A-ano po? Anak nyo po si Clyde?" Nagulat ako sa narinig ko, di pa ko makapaniwala... kaya pala medyo magkamukha sila... kaya pala ganun na lang sya kung alagaan si Clyde? Di lang sya basta isang concern neighbor, yun pala dahil sa sya nga yung mommy ni Clyde.
"H-hindi ko naman ginusto tong situation namin ngayon eh, akala ko pag iniwan ko sya sa step-dad nya gaganda buhay nya... mas naging miserable pa pala, kasalanan ko 'to eh." kwento nya sa'kin habang pinapahid yung mga luha nya.
"T-teka ano po bang nangyari, bakit po ganun?" pinaupo ko sya habang pinapatahan.
"Ganito kasi yun Sachi, dalaga pa lang ako nung pinagbubuntis ko sya... yung tatay nya iniwan kami, nakilala ko si Larry... yung step-dad ni Clyde, arranged marriage ang nangyari sa'min. Nagsama kami ng dalawang taon, tinanggap nya naman ako pati ang anak ko pero di ako naging masaya nun kasi mahal ko pa yung tatay ni Clyde. Umalis ako at sinundan ko yung mahal ko, hinanap ko sya ng matagal na panahon at hanggang sa nabalitaan ko na lang na nag-migrate na sya sa ibang bansa kasama yung legal na pamilya nya... ang tanga ko Sachi, hindi ko alam na ginawa nya akong kabit at pagkatapos pagsawaan ay iniwan na lang ng ganun...."
Speechless lang akong nakinig sa kwento nya... ang hirap din pala ng pinagdaanan nya.
"...bumalik ako, binalikan ko si Larry... anim na taon na si Clyde nun, laking pagsisisi kong iniwan sila, sobrang hiya ko na di ko nagawang lumapit sa kanila. Hanggang tanaw lang ako habang pinapanood ko ang anak kong pumasok sa school... sobrang panghihinayang ko na hindi ko nasubaybayan kung pano lumaki si Clyde, kung paano sya natutong magsalita at lumakad hanggang sa mag-start na sya mag-aral.
Alam mo....
Kinarma na lang ako dahil na-diagnose ako nun ng cancer sa dibdib kaya nagpagaling muna ako at nawala na naman ng ilang taon. Nung gumaling na ako sa sakit ko ay di ko namamalayan na ang tagal na pala ng panahon dahil nung muli kong nakita si Clyde ay highschool na sya. Kaya magmula nun sinubaybayan at binantayan ko na lang sya mula sa malayo, na hindi nya alam pero everytime nandun lang ako para sa kanya. Sobra akong nalungkot na malaman na ganun pala ang status nila ng step-dad nya... sobrang lumayo loob ni Larry sa anak ko, at nung pagka-graduate nga ni Clyde sa highschool nag-away silang dalawa at pinalayas sya sa bahay. Tumira na sya dito sa condo simula nun, mag-isa... walang nag-aaruga. Nag-decide akong lumipat na din dito para mabantayan ko sya mabuti, ginawa ko lahat para mapalapit kami sa isa't-isa... takot akong aminin sa kanya na ako ang nanay nya kaya patago ko na lang pinaparamdam na mahal na mahal ko sya... pero kahit anong gawin ko di ko mapunan yung pagkukulang ko sa kanya.
Ang sakit na wala akong magawa sa time na naghahanap sya ng isang ina, kapag mag-isa ko dun ko iniiyak lahat pero alam ko namang wala akong karapatan umiyak dahil kasalanan ko 'tong lahat... kung bakit nahihirapan at nasasaktan yung kaisa-isang anak ko. Alam ni Lord kung gaano ako nagsisisi... na hinihiling kong sana maayos na lahat. Ang hirap ng gan'to Sachi..."
"Naiintindihan ko po kayo, naunahan lang kayo ng takot... pero hindi pa po huli ang lahat, sabihin nyo na po ang totoo, wag nyong hayaan na pagsisihan nyo yan habang buhay... walang masamang sumubok, kung i-reject man nila kayo wag kayong susuko, patunayan nyo at ipakita sa kanila na nagsisisi na talaga kayo sa nagawa nyo, matalino pong tao si Clyde I'm sure pag inexplain nyong mabuti sa kanya maiintindihan nya din kung bakit ganito ang nangyari sa inyo."
"Maraming salamat Sachi, siguro nga panahon na para harapin ko sila... kahit anong galit man ang ibato nila sa'kin sasaluhin ko para lang mapatawad na nila ako at makasama ko na sila. Ikaw na muna bahala sa anak ko ha? Kailangan ko muna kausapin si Larry.... Sige."
"Walang anuman po Auntie, sige po... salamat din at nagtiwala kayo at kinwento nyo sa'kin ang lahat. Maaayos din po ang lahat, tiwala lang... ingat po kayo." at nagpaalam na nga sya. Sana talaga maging okay na para happy na lahat.
Larry's POV
"Sir may bisita po kayo..." sabi nung maid, laking gulat ko naman kung sino yung pumasok.
"Larry." sabi nya at sa isang iglap lang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko noong iniwan nya ako.
"Jean.... what are you doing here?" I told her with a cold voice...
"Let's talk, gusto ko nang ayusin lahat ng pagkakamali ko sa inyo."
"After all these years? Bigla ka na lang susulpot sa harap ko at sasabihin yan? haha!" bakit mo ginagawa sa'kin to Jean?
"I know nasaktan kita, nasaktan ko kayo ni Clyde pero maniwala ka sa hindi binalikan ko kayo nun pero akala ko huli na ang lahat, kinain ako ng sobrang kahihiyan na di ko nagawang humingi ng tawad sa inyo... naduwag ako Larry at pinagsisisihan ko lahat ng taon na wala kayo sa piling ko... patawarin mo 'ko." paliwanag nya.... pumikit ako dahil ayokong makita syang umiyak, mahal na mahal ko sya kahit ganun ginawa nya pero kasi ang hirap magpatawad ng ganun kadali.
"Umalis ka na Jean, please lang... busy ako." tumalikod na ako at narinig ko na syang lumabas.
Ang laki ng pinagbago nya, tumanda man kami pero yung ganda nya walang kupas pero pansin ko yung pagpayat nya... medyo maputla na din sya ngayon di gaya nung dati.
Sa totoo lang na-miss ko sya sobra! Na-miss ko boses nya, at masaya akong bumalik na sya pero ang sakit-sakit pa rin talaga eh... sa tuwing iisipin kong sumama sya dun sa tatay ng anak nya.
Pinatawag ko yung tauhan ko at pina-investigate ko si Jean... kung ano talaga nangyari sa kanya these past few years na nawala sya. Gusto kong malaman yung totoo, lahat-lahat.