Chapter 28: Forgive and Start Over

5 0 0
                                    

28~

"Forgive and Start Over"

Clyde's POV

I went home again to talk to my dad, suggestion kasi ni Domingo na i-try ko ulit... baka sakali magkaayos na kami.

"Dad, can I talk to you?" sabi ko pagkakatok ko sa office nya.

"What now? Can't you see Clyde? I'm busy." sabi nya agad without even looking at me...

"PLEASE..." sabi ko in a desperate voice.

Sinara nya naman yung folder na binabasa nya at poker face lang syang tumingin sa'kin ng diretso, nag-cross arms sya naghihintay ng sasabihin ko.

"Lagi ka na lang busy dad... minsan na nga lang tayo magkita dito sa bahay di pa tayo nag-uusap ng maayos."

"I don't have time for your drama, grow up already..." tapos yumuko na ulit sya at nagsulat.

"Konting time mo lang hinihingi ko!" tinapon nya sa desk yung ballpen nya, nakukulitan na kasi sa'kin.

"Isang sem na lang graduate na ako, may balak ka ba umakyat sa stage kung sakali or busy ka na naman sa isang important event ng buhay ko?"

"Nandyan si Manang, kailangan ba ako talaga? Alam mong ang dami-dami kong ginagawa!" puro na lang si manang, simula bata ako lahat ng school activities puro yaya na lang ang kasama ko.

"Kahit isang beses lang di mo ba kaya magpakatatay? Bakit ba gan'to ka sa'kin dad? Ano ba ginawa ko? May kasalanan ba ako sa'yo? I did everything just to make you proud! I'm doing my best to be perfect, to be like you... pero ni minsan di ko naramdaman yung suporta nyo." rant ko sa kanya... lumabas na lahat ng sama ng loob ko sa kanya kasi ngayon lang ako nag-voice out eh.

"How dare you talk to me like that? Get out!" sigaw nya sa'kin.

"Totoo naman dad eh, puro kayo work... paano na lang ako?" tumayo sya at lumapit sa'kin.

"Bakit? Hindi pa ba sapat kung ano meron ka ngayon? Isa ka nang Dominguez, lahat nakukuha mo! May sarili kang condo unit, binigyan kita ng kotse... ng pera, pinag-aral ka pa sa isang exclusive school tapos sinusumbatan mo 'ko ng ganyan? Umalis ka na ng bahay baka ano pa magawa ko sa'yo."

"Hindi naman kasi yun yung kailangan ko dad eh, kayo.... kayo yung kailangan ko. Gusto ko lang naman maramdaman na anak nyo 'ko. Hindi ako isang Dominguez, dahil di nyo naman ako tunay na anak.... kaya siguro gan'to na lang trato mo sa'kin."

"Parehas kayo ng nanay mong walang utang na loob, tinanggap ko kayo ng buo pero anong ginawa nya? Iniwan nya ako... kaya ikaw umalis ka na din sa harapan ko, sundan mo mommy mo kung gusto mo! Kung di nyo ako gusto you're free to leave, I don't need you!"

"Why do you keep on pushing me away? Dad! Hindi ako aalis dito... di ko naman gagawin yung ginawa ni Mom sa'yo eh... hindi kita iiwan, kahit na lagi mo na lang ako pinapalayas."

Larry's POV

I was struck by what he said.... am I being too much rude to him? Tinalikuran ko na lang sya at di ko na sinagot.

"Sige po aalis na lang muna ako... Merry Christmas ulit dad, sorry for disturbing you." unti-unti akong tinatamaan ng konsenysa... wala naman syang kasalanan pero sa kanya ko binubuhos sama ng loob ko. Pagtingin ko nakalabas na sya ng office ko.... nakita ko may iniwan syang paper bag sa table ko, inopen ko yung gift nya at may card pa sa loob.

"I love you dad and I'm sorry for everything."

Mula sa bintana pinanood ko na lang sya umalis. Naging masama akong ama sa kanya... all those years na nasa poder ko sya hindi ko nga sya naalagaan mabuti. Masyado kong sinubsob sarili ko sa trabaho at di ko na napansin na nandito lang sya para sa'kin.

Bumalik ako sa upuan ko at binasa yung nasa folder. Medical records ni Jean tinitignan ko... ni-report kasi sa'kin nung tauhan ko na ganun nga, nagkasakit yung nanay ni Clyde kaya matagal syang nawala. Nalaman ko din na di sila nagsama nung totoong tatay ni Clyde... yung bwisit na lalaking yun may asawa na pala, niloko nya lang si Jean tsk. Kawawa naman yung mahal ko, mag-isa na lang daw nakatira at nagre-rent ng isang unit... kasalukuyan din syang nagta-trabaho sa isang maliit na publishing company bilang isang proof-reader. Kumusta na kaya kalagayan nya ngayon? Nagsisi akong di ko sya pinahanap dati... kung ginawa ko siguro lahat para ibalik sya dito, sana naging maayos yung buhay nya. Sana di na lang ako nagmatigas noon *sighs* may kasalanan din ako eh... tsk lalong-lalo na sa anak nya, mapapatawad pa kaya nila ako?

Pinatawag ko yung driver at nag-decide na akong puntahan si Clyde.

"Dad? A-ano po ginagawa nyo dito?" gulat nyang sabi nung pumunta ako sa unit nya.

"I should be the one saying sorry to you Clyde, ang laki ng pagkukulang ko sa'yo. You made me realize that I'm such a worthless father. I'm sorry son, please come home now." niyakap nya agad ako.

"Dad matagal ko na kayo pinatawad, and no you're not worthless... ang totoo idol ko kayo eh, para kasi sa'kin napaka-perfect nyo at tinitingala ng lahat." tapos pinat ko balikat nya.

"Thank you son, kung pwede sana magsimula ulit tayo?"

"Oo naman dad." ngayon ko lang nakita yung ngiti ni Clyde...mas naging kamukha nya pa mommy nya... napangiti na lang din ako at ginulo buhok nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's a Hundred Percent AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon