Chapter 4: Who's the boss?

11 0 0
                                    

4~

"Who's the boss?"

Sachi's POV

Good morniiiing.... obvious naman siguro na ang ganda ko i mean ung araw ko pala haha pinostponed kasi ni sir yung long quiz namin buti na lang dahil di ako naka-review nawala sa isip ko sa dami ng inaasikaso sa office eh. Kasama ko si classmate sa library para mag-review nga nung mapansin naming papalapit samin yung feeling F4. Oh no!

"May masamang hanging parating.. good vibes please..." bulong ko sa sarili ko haaist wag nya naman sana sirain ang mood ko.

"Nauutot ka Sach?" Leshe narinig nya pala hahaha gusto ko tumawa ng malakas pero bawal maingay kaya pinigil ko...

"Haha loka! Pag masamang hangin utot agad?" Sabagay yung tinutukoy ko 'sing baho ng utot ugali nila. XD

"Alis" sabi ni *tooot* kaya natigil kami sa pagtawa ...nataranta naman tong kaklase ko at tumayo agad pero pinigilan ko sya.

"At bakit? Nakaupo na kami oh kita mo? Ang daming ibang table dyan eh" at yung expression ng 4 Kings parang napa-woah, teka lang.... haha buti nga pahiya sila. Hinihila na ako paalis ng classmate ko pero ako tong si matigas.

"Sa'min kasi tong area na to, di mo ba kami kilala?" sagot nung isa...pero yung leader nilang poste nandun lang nakapikit, pinapakalma yata yung sarili kasi naiinis, buti nga sa kanya bawi-bawi lang nuh.

"Sorry ah bakit sino ba kayo?" Lalo ko pa silang inasar haha

"Saaach! sila yung 4 Kings" sabi nya habang nagpapanic... chill ka lang kasi jan friend kilala ko tong mga mokong na to nuh, di ko makakalimutan mga pagmumukha nila pfft...

Clyde's POV

Kakaiba tong babae na to, first time may gumanito sa'min ah... engot ba tong ignoranteng to at di nya kami kilala? Sakit nya sa mata, tss!

"Saaach! sila yung 4 Kings" sabi nung kasama nya na nanginginig na sa takot.

"Oo naman kilala ko mga walang modo na 'to... akala nyo nakalimutan ko yung panghihiyang ginawa nyo sakin nung enrollment?" Sagot nung matapang na babae at talagang nakipagtitigan pa sakin ah.

"Ah....." sabi ni Aki sabay bulong sa'kin na sya nga daw yung babaeng malakas ang loob bumangga sakin nun.

"Oh....oh naalala na namin! Haha ikaw nga yun" -Santi

"yeah right... si girl na hindi nagsuot ng undies that time? hahaha" -Gab

"...so that's you?" then I smirked... lagot kang babae ka.

"Mga bastos! May araw din kayo!" Sabay turo nya samin haha pa-cool din eh, di ko to palalagpasin... pagtitripan ko sya hanggang mabwisit sya ng sobra.

"Lilipat na lang po kami ng table, sorry po..pasensya na po talaga" sabi nung kasama nya at hinila na sya palayo.

"Wait, ikaw! frappe nga... apat, pakibilis ah" utos ko sa kanila.

Sachi's POV

Ano daw? Psh "excuse me? Di kami waitress at lalong hindi ito canteen ok?" Sino ba sya sa akala nya? Utusan daw ba kami? Nek nek nya -_-

"Sige po King Doms ako na po bahala" sabi ni friend habang tinatakpan bibig ko.

"Ano ka ba wag ka nga pumayag, di ba may klase ka pa? Malelate ka nyan"

Umiling sya "di pwedeng di sila sundin, nasa rules ng school yun Sach" ay oh? Talaga? Bat di ko alam?

"Gusto ka nga pala kausapin ni dean" hinagis sakin ni *toot* yung phone nya at ako naman kahit nag aalangan kinausap ko pa rin, leshe! si dean nga huhu pinagsabihan pa ako... awwts may kapit pala tong mga to sa nakatataas.

Paalis na sana classmate ko pero umangal na naman mga GGSS na to..

"No, we want the other girl ang bibili para sa'min..." sabay turo nung isa sa'kin.

Kainis! Aayaw sana ako kaso naisip ko para hindi na rin maabala kasama ko sa next class nya...

"sige ako na lang, mauna ka na ako na bahala dito"

Lumapit na ko sa kanila para humingi ng pambayad, nung binalik ko na phone ni *tooot* may pahabol pa syang asar sakin.

"Susunod ka din naman pala eh... now, who's the boss?" Oo na! -_- Ikaw naaaa! Ugh! kairita yung pag-smirk nya... tsk makalayas na nga.

He's a Hundred Percent AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon