18~
"The Grand Ball"
Sachi's POV
Here at Shun's house with Irish... busy sa beauty treatment ang mga bruha haha. Sila lang excited sa ball na yan, palibhasa may mga jowa na. Nagulat pa kami nun nung nagkwento si Shun na sila na daw ni Jin haha ang bilis eh!
"Ikaw Chi, sino date mo mamaya?" tanong nila.
"Si Leo haha dapat di ako pupunta eh pero kawawa naman yun walang partner."
"Eh? How 'bout Doms? di ka nya niyaya?" -Shun.
"Psh... syempre hindi, may girlfriend na kaya yun -_-"
"OH? seryoso? Malamang nga yun ang date nun" -Irish.
"Oo, ako pa mismo nakarinig nung magkausap sila nung BABY nya" eish naiinis na naman ako pag naaalala ko yung *toot* na yun. Maya-maya tumawa silang dalawa, mga baliw ano kayang nakakatawa?
"You sound like a jealous girlfriend! hahaha" sabay pa sila, anak ng! pfft
"Pisti.. HINDI! Ewan ko sa inyo, uuwi na nga ko bibihis pa ko eh"
"HAHAHA... ok see you later, suot mo best gown mo ah? baka sakaling iwan ni Doms date nya para sa'yo." litsi mga to, ako na naman pinagkakatuwaan.
Clyde's POV
"Whaaatt!?? wala ka na namang date? HAHAHA!" shet lang tawanan ba naman ako ng mga to? Magmula nung freshman ako although madami nakikipag-agawan para maging date ko wala pa kong niyaya kahit isa eh. XD
"Naunahan ako nung Leo na yun eh, tuloy may date na si Domingo."
"Bagal mo dude, haha weak" sabi ni Gab, nasipa ko tuloy haha.
"Hahaha... kawawa ka naman, si Lea wala din date... ikaw na bahala sa kanya ah" sabi naman ni Santi, si Lea Mae yung younger sister nya.
"Hi mga kuya! hello kuya Clyde... haha sorry ah ayaw kasi ni kuya Carl dun sa date ko eh kaya ikaw tuloy baby sitter ko.
"Haha di ka na baby oy!" sabi ko sabay pitik sa ilong nya.
"Eh si kuya eh, binibaby pa ko... ayaw pa ko payagan dito kung di ako magpapabantay."
"Syempre wala ka pa ngang 18 eh" sabi ni Santi sa kapatid nya.
Sachi's POV
Dumating na si Leo para sunduin ako, 7-12 yung party... pagkadating namin dun nagdi-dinner na sila. Maya-maya nagsalita yung emcee...
"Ladies and Gentlemen... Welcome to Hans-Ford University's Annual Christmas ball, please enjoy yourselves. As we start, may we call on our Chairman, Mr. Luis Ford... to give us his speech."
"I would like to thank the dean of College of Engineering & Architecture for these wonderful Christmas decorations... Merry Christmas to all and may we have a blessed vacation... let's celebrate the holidays in our home by being safe and healthy. That's all... thank you."
"We would also like to hear a message from the dean of CEA, the stage is yours... once again let's give him a round of applause." sabi nung emcee tapos umakyat na si Dean... todo cheer naman ang buong CEA haha.
"First af all, pasalamatan din natin ang mga mahal kong CEA students especially sa dept. of architecture, project po ito ng HFU-UAPSA officers... na dinesign ng ating future architect, Ms. Sachi Domingo" ay wow special mention pa ako, nasa amin yung spotlight kaya naman kitang-kita ako ng lahat.
"Witwiiiw.... yun oh! woooh si President yan eh" haha asar ng mga ka-org ko, dagdag mo pa sigawan ng mga arki haha super ingay na namin... litsi may nag- I love you pa haha haba ng hair ko po.
"...okay, without further ado let's start lighting our Christmas tree in 5... 4... 3... 2... 1!!!!" after naming lahat sumabay sa countdown ni dean biglang pumutok yung fireworks at nagkailaw ang aming giant tree.
*tada!* haha ganda... nagpalakpakan kami at yun na nga nag-start na magsayawan ang lahat sa paligid ng malaking bonfire.
"Anong nginingiti-ngiti mo jan haha para kang sira Leo."
"Wala lang haha... swerte ko, ganda kasi ng kasayaw ko eh" haha ayun hinampas ko nga sa balikat, bolero na eh pfft.