Pahina Veintiuno: Training

1 0 0
                                    

Dahil sa resultang naganap at humigpit si Haring Maximo ay hindi kami maka tyempo sa aming gagawing mga hakbang. At dahil baka nga isang buwan o higit pa ang itatagal bago kami ulit maka galaw ay tinutuloy namin ang mga pageensayo naming lahat at ganun din ang mga tao ng mayanar. Oo, pati sila ay tinuturuan namin.

Matagal ng tinuturuan ni adam ang mga tao dito sa mayanar bago pa ako dumating dito. At dahil nga ang ibang mga tao dito ay dating mamamayan ng Nefero sinoportahan nila ang mga plano ni adam at isa na doon ay ang may kaalaman dapat sila sa pakikipaglaban. Ito lang ata ang bayan ng Vermon na halos lahat ng mamamayan dito sa maliit na bayang ito ay marunong makipaglaban.

Ang mga maliliit na bata ay hindi pa namin tinuturuan, pero ang mga edad lima pataas ay sinisimulan na naming turuan at ito ay depende sa mga magulang kung gusto nilang turuan namin ang kanilang mga anak. Nakadepende rin sa edad ng bata kung gaano kahirap ang itinuturo namin.

Ang mga matatanda ay marunong makipaglaban at ang mga iba ay hindi na namin pinipilit sumama. Ang mga kababaihan naman ay halos marunong rin. Ang aming mga galaw ay lahat sinisekreto sa labas ng bayang ito. Kahit na may kakilala kami sa labas ng bayang ito at kahariang ito ay wala silang alam. Iyon kasi ang kondisyon ni adam sa kanila.

Lahat simula pa nung una ay plinano na ni adam dahil sa kagustuhang mabawi ang nawalang kaharian nito. Kahit ako, katulad ng ating mga bayani na inialay ang kanilang mga buhay para lang mabawi kung ano ang sa ating ay ganun rin ang aking gagawin. Imagine that na kung saan ka lumaki sasakupin lang ng iba at aangkinin ay hindi ka talaga matatahimik hanggang sa huli. Siguro ganun din yung na feel ng mga Pilipino noon kaya hanggang sa huli ay lumaban parin sila.

Hindi ko rin ij-judge sila adam at ang mga mamamayan dito sa mayanar dahil ganun nga siguro ang kanilang mga nararamdaman na lilingunin mo parin talaga kung saan ka nag mula.

Kasama ang mga bata at ganun din ang mga kababaihan ay nag eensayo ang lahat. Andito kami sa kakahuyan sa likod ng mga kabahayan malapit sa kampo. Kasama ko si Lilia na tinuturuan ang mga bata sa pageensayo. Ang dahilan kung bakit pati bata sinali namin ay para mapruteksyunan nila ang kanilang mga sarili. Hindi namin sila pinapayagang makipaglaban man lang o kahit ano ganun din ang iba na dalagita.

" Lilia ikaw muna bahala sa mga bata." Sabi ko dito at tumango naman ito.

Tumungo ako sa mga ilang kababaihan na patuloy paring nag eensayo.

" Ganito ang tamang paghawak." Iniayos ko ang paghawak ng espada ng isang kababaihan at inayos ko rin ang kanyang stance.

Tumabi ako dito at kinuha ko ang aking espada. Nagumpisa akong igalaw ang aking espada ng dahan dahan at kanya itong sinusundan. Tama naman ang kanyang stance ngunit may mali lang ng kunti sa kanyang paghawak minsan.

" Ngayon, gusto nyo bang matuto ng iba pang galaw?" Tanong ko sa mga ito na kanilang ikinatango. Lumapit naman ang iba dito at napangiti ako dahil gusto talaga nilang matuto. May mga nanay at dalaga dito na aking tinuturuan ngayon. Kaya medyo gentle ako sa kanila at hindi ko sila pinapahirapan gaano hindi katulad sa mga lalaki. Pero kung gusto naman nila na masahirap ang training ay pwede silang pumunta sa alder dahil doon ang aming training ground mismo.

" Panoorin nyo akong mabuti dahil mamaya ay isa-isa nyong ipapakita sa kain kung ano ang natutunan nyo." Medyo nahuhuli kasi sila sa ganito kaya ngayon naisipan kong turuan sila ng kakaibang technique. This is deadly katulad ng mga galaw ko minsan kung kinakailangan kong gawin. Why need to cunsume your energy in physical fighting kung pwede namang mabilisang pagpatay diba. But syempre hindi ko sila tuturuan ng marahas. I will just teach them ng isa o dalawang moves.

" Desa dahil ikaw ang pinakamalakas sa grupong ito ay ikaw ang aking kaparehas ngayon." Aya ko dito na lumapait naman agad. Ito kasi ang determinado lagi at sumasama rin minsan sa aming training sa alder.

Into The World of Tigris Where stories live. Discover now